Kabanata 10
Plans in Mind
"Irene,"
Kanina pa nila ako pinipilit mag-salita. Gabi na pero nandito pa din sila sa kwarto ko. Naririndi na ako sa kung ano-anong mga sinasabi nila. Sa pagpupumilit na kumain ako, mag-kwento, o kung ano pa man. Pointless lang din naman kasi kung magkwento pa ako, dahil hindi naman nila ako maiintindihan at hindi din sila maniniwala sa'kin.
Ni hindi pa ako naghahapunan simula nang magising ako kanina. Hindi ko na maramdaman ang gutom at uhaw dahil sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko pa din kasi makalimutan ang itsura ng mga magulang ko at kung paano sila mag-alala sa akin. Nung nakita ko sila kanina, wala na akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin sila. Miss na miss ko na sila. Sobra sobra.
"Irene, ano ba? Mag-salita ka naman dyan. Hindi naman kami manghuhula para malaman kung ano bang nagyayari sa'yo." Boses iyon ng kuya ni Irene.
Hindi ako kumibo. Nakahiga lang ako patalikod sa kanila. Hindi ko kasi sila kayang tingnan. Alam kong namang wala silang kasalanan, pero naiinis pa din ako sa'kanila.
Binibigyan ko ng buhay si Irene para maramdaman nilang walang kulang sa'kanila. Pero ako? Paano naman ako? Wala ng natira sa'kin. Pakiramdam ko ninakawan ako ng buhay. Big time.
"Irene!" Dinig ko na ang pagtitimpi sa boses niya at hindi ko maiwasang hindi mapa-hikbi dahil doon.
"Pau, lumabas ka na muna. It's not helping." Dinig kong suway ni Gigi.
"Pau, tara na." Ani ng Nanay ni Irene. "Gi, ikaw muna dito."
Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko kasabay ng pagbukas at sara ng pinto. Ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig na naman akong isa pang buntong-hininga.
"Umalis na sila." Sabi ni Gigi at naramdaman ko na lang na umupo siya sa kama ko.
"Come on Irene. Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya. "Okay ka naman kagabi nung huling mag-usap tayo. "
Umiling ako at pinunasan ang mukha akong basa ng luha.
Huminga ako ng malalim at tuluyang umupo. Alam kong mugto na ang mata ko at mukha nang timang ang itsura ko pero hinarap ko pa din siya.
"Hindi ko alam, Gi. Naguguluhan ako."
Nakita ko sa mata niya ang pag-aalala pero alam kong naiintindihan niya din ako kahit paano.
"Alas-nuebe na." Sabi niya. "Ikukuha muna kita ng pagkain, mamaya na kita tatanungin ng kung ano-ano. Baka himatayin ka na naman dyan'eh." Sabi niya.
Lumabas siya at humiga na lang ako ulit at nag-talukbong.
Kanina ko pa iniisip... baka dapat sabihin ko na sa pamilya ni Irene ang totoo. Baka matulungan pa nila ako. Pero nalilito pa din kasi ako. Baka kasi iba ang kalabasan kapag sinabi ko ang totoo. Baka isipin nilang wala na ako sa katinuan at mas lalo lang akong hindi makakilos ng ayos at makagawa ng paraan para makabalik sa dati kong katawan.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya tinanggal ko na ang kumot sa mukha ko. Akala ko si Gigi ang pumasok, hindi pala.
"Ivan."
Lumapit siya sa'kin nang hindi nag-sasalita.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit siya.
Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin kaya tiningnan ko din siya ng diretso sa mata.
"Ikaw, anong ginagawa mo sa sarili mo?" Tanong niya pabalik.
BINABASA MO ANG
Entangled (On-going)
Random"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na I...