Kabanata 7
Through Thick & Thin
"Akala ko ba ilalakad mo ako kay Pawee?" Nakangusong tanong ni Paula.
"Pawee?" Tanong ko.
Umirap lamang ito. "Si Pau! Hello!?" Sarkastikong sabi niya pero napatigil din agad ito nang tila may naalala. "Aight, 'blurred' nga pala memory mo." Sabi niya.
Napahinga na lamang ako ng malalim. Kung alam niyo lang.
"Sigurado ka bang malabo lang, o hindi mo talaga naaalala lahat?" Napaisip ako sa biglang tanong ni Kim.
Nandito kami sa kwarto ko. Nagulat nga ako kanina dahil bumisita sila nang walang pasabi. Laking pasasalamat ko nga dahil sila ang makakasama ko ngayong araw, dahil mas gusto ko iyon kesa ang makasama ang kuya ni Irene.
Umiling ako. "W-wala talaga eh."
Narinig ko na lamang na bumuntong hininga silang dalawa. Kahit paano maluwag na sa dibdib ko na may nasasabihan ako tungkol sa sitwasyon ko ngayon kahit paano. Sayang nga at wala ngayon si Gigi. Nasa Cebu daw kasi dahil may inaasikaso sa negosyo nila doon.
"Ba't di mo na lang sabihin kila Tito?" Tanong ni Paula.
Nag-kibit balikat ako at marahang umiling. "Kilala mo naman sila. Lalo lang mag-aalala sila Mommy."
"Eh si Ivan? Alam niya ba?" Tanong ni Kim.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang maalala ko si Ivan. Hindi pa kami nakakapag-usap nang matino. Mag-iisang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Hindi ko alam kung paano ko siya makakausap, hindi naman ako marunong gumamit ng cellphone. Hindi ko din alam ang numero niya sa landline.
"Muntik niya ng mahalata." Sabi ko na lang. "He knows me well, and unfortunately, I don't." Napangiti na lamang ako nang mapait.
Tumango naman si Kim. "Sige, gan'to na lang. Kung ayaw mong sabihin kila Tita Vee yung tungkol dyan sa mga brain cells mong sumabog after the impact... we'll just help you get all through all these. Game?"
Napangiti ako at marahang tumango. I need all the help that I can get.
~~~
Nagising na lamang ako nang may marinig akong mga ingay sa baba. Nang tingnan ko naman ang relong suot ko ay mag-aalasais na ng gabi.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Ate Yna na pababa na sana ng hagdan.
"Ate Yna!" Mabilis na tawag ko sa'kanya. "Sila Kim, nakita niyo po ba?" Tanong ko.
Nanonood kasi kami kanina ng A walk to remember, tapos hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pag-gising ko, medyo madilim na at wala na din sila.
"Kaninang pasado alas-kwatro pa sila umalis. Nakatulog ka daw kasi habang nanonood kayo." Sagot naman niya.
Tumango ako. "Sila Mommy po, dumating na ba?"
Nginuso niya naman ang baba ng hagdan. "May mga kausap sa baba." Sabi niya at tumango na lang ulit ako.
Sumabay na lang ako kay Ate Yna na bumaba. Nang makababa kami ay hindi lang sila Mommy, Daddy at kuya ang naabutan kong nagkukwentuhan at nagtatawanan. Napaiwas agad ang tingin ko nang mag-tama ang tingin naming dalawa ni Ivan. Nalipat naman ang tingin ko sa lalaking katabi niya na sa tingin ko at tatay niya. Nakangiti ito sa akin at sabik akong nilapitan at niyakap.
"Irene! It's been a while hija. Long time no see." Nagulat ako pero niyakap ko na lang din siya pabalik.
"The last time I saw you, you were still in comatose state." Kwento niya sa'kin. "I'm glad to see you." Masayang bati niya pa.
BINABASA MO ANG
Entangled (On-going)
Random"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na I...