Kabanata 10.2

545 25 8
                                    

Kabanata 10 (Continuation)

Apologies... and Lies

"Tell me. This time, Irene, the whole damn truth."

Ngayon ko lang nakita si Ivan na ganito. Galit at seryoso.

And I don't even know what truth he wants to hear. The real truth?

"Ano!?" Tumaas ang boses niya na naging dahilan para magulat at mapaatras ako.

Lumakas pa lalo ang kabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang kaba, lalo na't naiisip ko pa lang kung anong magiging reaksyon niya kapag sinabi kong hindi ako si Irene.

"Ivan... kaya ko lang naman tinago 'yon sa'inyo kasi ayokong masaktan kayo." Pikit-matang sabi ko.

Dinig na dinig ko ang malalalim na buntong-hininga niya.

"A-ayokong dagdagan pa yung mga iniisip niyo noon." Diretso ang tingin niya sakin at hindi kumukurap. Para bang gusto niyang makita ang bawat buka ng bibig ko. "Ivan... Kitang-kita ko kung gaano kayo kasaya ng mga magulang ng Irene na kilala niyo nung makita niyong gumising ako. Naisip ko... na wala naman sigurong mawawala kung mag-panggap ako na natatandaan ko kayo. Wala namang masamang ituloy yung buhay ko."

Napaiwas na siya ng tingin dahil sa sinabi ko. Hindi ko na alam... hindi ko na alam kung kailan matatapos 'tong mga kasinungalingan na 'to. Pagod na pagod na akong mag-panggap at mag-sinungaling.

Pero hindi ko naman kayang basta na lang putulin ang lahat ng 'to.

"Sorry.... sorry kung nasaktan kita. Sorry kung kulang yung pinakita ko sa'yo." sabi ko. "Ginawa ko lang naman yung alam kong tama."

I bit my lower lip to suppress my tear.

"You should've told us." Sabi niya nang hindi nakatingin sa'kin.

Napanganga ako sandali sa sinabi niya.

"Akala mo ba madali lahat ng 'to, ha?" Tanong ko. "Ivan, nahirapan din ako. Hindi ko alam kung paano kikilos sa harap niyo. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa'inyo." Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. "Tiniis ko yun lahat. Pinilit kong buhayin yung Irene na kilala niyo para hindi niyo maramdaman na may kulang sa sa'inyo."

Magkasunod na luha ang tumulo sa mata ko na agad ko din namang pinunasan.

Ako, wala lahat. Wala ang mga magulang ko, wala si Ynigo, pati ang pagkatao ko, nawala din. Hindi ko maipakita ang totoong ako kasi palaging may pader na nakaharang sa bawat gawin ko.

"Kung hindi sapat lahat ng ginawa ko...Okay, sorry na pero hanggang doon lang kasi yung kaya ko. But believe me Ivan, I only did that because I want to spare your feelings."

Hindi ako nag-sinungaling. Yan ang paulit-ulit kong itinatak sa isip ko. Lahat ng sinabi ko, totoo yun. Hindi man direkta, pero sinabi ko lang ang totoo.

"Hindi ko naman tinago yun para lang pag-tripan kayo. Tinago ko yun kasi may malasakit pa din ako sa nararamdaman niyo kahit paano. Call me selfish, a liar... call me whatever you want."

Halo-halo na ang nararamdaman ko. Nakukunsensya ako sa nagawa at ginagawa ko pero nagagalit din ako.

Huminga ako ng malalim. "Maiintindihan ko kung magagalit ka sa'kin. Kung gusto mong tapusin 'to..." napatigil ako sa sinasabi ko. Sorry Irene. "Fine, sige. Hindi kita pipigilan."

Hinintay kong mag-salita siya pero kahit isang salita walang lumabas sabibig niya.

Wala na. Suko na ako. Tatalikod na sana ako pero bigla ko na lang narinig ang napaka-hinang sinabi niya. Isang salita lang yun, pero para ulit akong nabuo, nabuhayan ng pag-asa.

"Sorry."

---

a/n: I only dedicate the chapter to those people who exert an effort to post a comment. Someone just asked me about that so, yeah... Short update, Ikr? I'll post another one (or two) chappy this week. ;) Pwamis!

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon