Special Chapter - Part II
Irene - Year 1956
Mabilis lumipas ang mga oras, Di ko na nga masyadong namamalayan na ilang araw na din akong nandito. Minsan nga iniisip ko kung babalik pa ba sa dati ang lahat. At sa tuwing naiisip ko na hindi ko na makikita ang pamilya ko, naiiyak na lang ako. Miss na miss ko na sila at nanghihinayang ako kasi hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanila.
Kaya ngayon madalas nasa kwarto lang ako; nag-iisip at nag-papalipas ng oras. Kung minsan naman sumasama ako kay Ynigo sa kung saan-saan. Minsan nga hindi ko din masakyan yung taong yun eh. Iba din kasi ang mga trip niya sa buhay, out-going siya pero boring. Kaya nga tumutulong na lang ako kay manang sa mga gawaing bahay kung minsan para maiwasan siya. Wala sa listahan ko ang umaktong girlfriend niya at wala akong balak maging Olivia sa harap niya. I am who I am. Irene is Irene.
Nakatitig ako sa kisame nang bigla akong makarinig ng mahinang mga katok sa pinto. Napahinga na lang ako ng malalim dahil mukhang alam ko na kung sino yun.
Sino pa ba? Eh di yung secret boyfriend nitong babaeng 'to.
"Ano?" Inis na tanong ko pagka-bukas na pagka-bukas ko ng pinto.
Mas lalo pang tumaas ang kilay ko nang makita ko yung ngiti niya. Ewan ko ba. Nabu-bwisit ako sa'kanya sa di malamang dahilan. Wala naman siyang ginagawang masama pero yung mismong pagkatao niya ang kinaiinisan ko.
"May gagawin ka ba ngayong araw?" Tanong niya. "Aayain sana kitang lumabas. Matagal-tagal na din kasi nang huli tayong mamasyal."
"Madami akong gagawin." Sabi ko.
Narinig ko ang buntong hininga nito. "Tinanong ko si Manang, ilang araw ka na daw nagkukulong dyan sa kwarto mo... Tara na!" Sabi pa niya pero bago pa ako makapag-react ay hinila niya na lang ako bigla.
Isa 'to sa mga dahilan kung bakit ayoko sa 'kanya. Kabwisit.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.
Kanina pa ako tanong nang tanong kung saan kami pupunta pero hanggang ngayon puro lang siya...
"Basta."
Naka-busangot lang ang mukha ko habang tumatakbo. Maliban sa pagod na nararamdaman ko, may inis din na namumuo sa dibdib ko.
Kahit na ayoko, nag-pahila na lang ako sa'kanya. Mukhang wala naman kasi akong magagawa dahil mapilit, at mukhang walang balak tumigil ang lalaking 'to.
But, seriously? Pinatulan ni Olivia 'tong kapreng 'to? It's not that he's ugly or something. In fact mas matangkad ito kay Ivan. May pagka-moreno pa at mas makisig din ito sa boyfriend ko. Dala na din siguro nang pagbubuhat ng kung ano-ano sa rancho. Oh, well... gaya ng sabi ko. Weirdo siya. Hindi ako makahanap ng dahilan para magustuhan ng nag-iisang anak ng Gobernador at mayamang haciendera ang isang... ganyan. Katulad ni Ynigo. Walang pakielam sa buhay, walang mataas na pangarap, nag-papakasaya lang, hindi masyadong seryoso sa buhay... In short walang patutunguhan.
I just hope na kahit ito man lang pagtakbo namin ay may mapuntahan.
"Malayo pa ba tayo!?" Inip na tanong ko.
"Malapit na."
Masakit na ang paa ko kakatakbo. Partida pang mahirap ang sapatos na suot ko. Palibhasa kasi masyadong luma ang panahong 'to.
"Nandito na." Hingal na sabi niya.
Binitawan niya naman na ang kamay ko at tinaasan ko na lang siya ng kilay nang makitang sa talahiban niya ako dinala. Oo, naiinis ako. Pero mukhang mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Entangled (On-going)
Rastgele"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na I...