Kabanata 9 (Part 1)
Déjà vu
Maaga akong nagising. Alas-siyete pa lang nakalubog na ang paa ko sa infinity pool ng resort. Wala pang masyadong tao maliban na lang sa mga trabahador sa restaurant ng hotel.
Hindi pa din mawala sa utak ko ang pagiging bitter ko kay Irene kagabi. Hindi naman normal sa akin ang siraan ang isang taong wala namang ginagawang masama, at higit sa lahat, yung taong hindi ko naman gaanong kilala. Pero ewan ko ba kung bakit ganun ang naramdaman ko nang mag-kwento sa akin si Gigi. Basta ang alam ko lang, hindi ko gusto si Irene para kay Ivan.
Fifteen minutes pa lang akong nakaupo sa pool area nang mapagpasyahan ko nang tumayo. Narinig ko na kasi ang mga tawanan nila Mommy sa restaurant na hindi naman kalayuan dito sa pwesto ko. Pupuntahan ko na lang sila para makapag-umagahan na din ako.
"Morning, Ma, Pa." Bati ko sa'kanila.
Humalik muna ako sa pisngi nila bago ako humila ng upuan. Halos kakaupo lang din nila kaya medyo nagulat pa ang mga ito sa biglang pagsulpot ko.
"Good Morning."
Nginitian ko naman ang Papa ni Ivan na ngayon ay kaharap ko.
"Here." Inabot sa'kin ni Daddy yung menu. "Umorder ka na, we'll tour the island after this."
Tumango ako. "Sila Kuya po? Si Ivan tsaka si Gigi? Hindi po ba sila sasabay sa atin na mag-breakfast?" Tanong ko sa'kanila.
"Yung Kuya mo nandun pa sa kwarto niya. Si Gigi naman nasa front desk lang yun pag ganitong oras. Nag-breakfast na din siguro yung batang 'yun." Sagot ni Mommy.
Tumango na lang ako at umorder na ng pagkain ko. Fried rice, corned beef, fried egg and coffee lang ang inorder ko.
"Bago ko pala makalimutan." Biglang sabi ni mommy kaya napatingin ako sa'kanya. "Guess what?"
Umiling ang Papa ni Ivan habang nakangiti. Si Mommy at Daddy naman ay parang nag-tuturuan pa kung sino ang mag-sasabi ng kung ano mang balita yon.
"What?" Tanong ko.
She just rolled her eyes on his husband.
"Alright. I'll do it then," Natatawang sabi ni Mommy. "You see, Irene... Your father here has decided to file his candidacy this coming election. Tutal, nandito na din lang naman ang Kuya mo, might as well na siya na muna ang mag-asikaso sa Fleur's."
"We think it's the right time for your father to run for the Governor's position. And the outgoing governor is actually supporting your father. Isn't that a great news?" Komento naman ng Papa ni Ivan.
Ngumiti ako ng alanganin. Ito na naman yung pakiramdam na 'to.
"I'm happy for you, Pa. Good luck." Sabi ko at laking pasasalamat ko na lang dahil dumating na yung mga drinks namin.
Natapos kaming kumain. Bumalik na din ako sa kwarto ko at nag-palit ng damit. Simpleng black fitted sando at maikling maong short ang sinuot ko. Tinernuhan ko pa ng anklet at puting high-heeled na tsinelas.
Look at me. Damn. Why am I trying to be Irene?
Napahinga na lang ako ng malalim habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Wala ng bakas ng pagiging Olivia ang itsura ko. Unti-unting binabago ng panahong 'to ang pagkatao ko. Ang mahirap pa, baka dumating ang araw na magustuhan ko 'yun at di na ako bumalik sa dati. Baka mahirapan akong iwanan 'tong buhay na 'to... Baka mahirapan akong ibalik ang buhay ni Irene.
~~~
Tulala lang ako habang nasa van. Wala si Gigi, wala din si Ivan. Wala akong makausap, wala akong manakawan ng tingin. Kung tutuusin dapat masaya ako, pero hindi eh.
"Ba't di sumama si Ivan?" Mahinang tanong ko sa kuya ni Irene.
Tamad lang itong nag-kibit balikat kaya napairap na lang ako ng wala sa oras. Bwisit. Bwisit talaga.
Ni anino ni Ivan hindi nag-pakita sa'kin mula kagabi. Konti na lang iisipin kong na-kidnap na yun ng mga alien.
Nakarating kami sa Lake Danao. Si Mommy puro pagpapapicture lang ang ginawa. Sila Kuya naman namangka na lang. Hindi na ako sumama dahil takot akong mahulog sa tubig. Hindi pa man din ang marunong lumangoy. Nanood lang ako sa'kanila ng ilang mga minuto bago ako tumayo at magdesisyon na lakarin na lang yung mini trail.
Hindi naman ako nag-alangan dahil alam ko namang hindi ako maliligaw dahil hindi naman ito gubat. Maliliit na mangroves lang ang ang nasa kaliwa samantalang sa kanan naman ay mapunong lupa.
Nitong mga nakaraang araw, may napapansin akong kakaiba. Hindi sa akin, pero sa mga nangyayari sa paligid ko. Ipinag-wawalang bahala ko na lang noon kasi sa tingin ko hindi naman masyadong importante ang mga iyon. Pero kanina... hindi ko maiwasang bumuo ng maraming tanong sa utak ko. Para kasing nangyayari na ang mga nangyari noon.
Yung simpleng away namin ni Ivan, yung araw-araw na gawain ko sa bahay, yung pag-takbo ng Daddy ni Irene sa darating na eleksyon. Hindi ko alam kung coincidence lang ang lahat at kung bakit pamilyar ang halos lahat ng nangyayari sa buhay ni Irene sa buhay ko noon bilang Olivia.
Magulo. Sobrang gulo. Sa dami ng mga problema ko, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat ko munang isipin at pagtuonan ng pansin.
Tumalikod na ako. Hindi ko na siguro tatapusin ang trail. Hindi naman kasi ako nag-paalam kanina, baka nag-aalala na ang mga 'yon kay Irene. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang bigla na lang umikot ang paningin ko. Suddenly, everything went black.
BINABASA MO ANG
Entangled (On-going)
Random"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na I...