intro/pt1

249 3 0
                                    

Tinignan kolang siya. "May lakas kanang tignan ako ng ganyan?!" Sigaw niya at hinawakan ang leeg ko at tinayo.. nakaramdam ako ng sakit pero pinili kong hindi ipakita

May kutsilyo siyang hawak at itinutok ito sakin.. hindi ako nag react tinignan kolang ang kutsilyong naka tutok sakin.

"Subukan mo lang mag sumbong mamaya ay siguradong malalgutan ka ng hininga at walang makakaala!!" Hindi ako nag salita..

"Honey, halika na" usal ni papa. Tinignan lang ako ni papa. Agad akong nakaramdam ng pandidiri, binitawan ni mama ang leeg ko at linisan kami. Dahan dahang lumapit si papa sakin at hinawakan ang hita ko.. naka dress ako kaya ramdam na ramdam ko ang haplos niya, tinulak ko siya ng pag kalakas lakas.

"BASTOS!" Sigaw ng tatay ko. Tinignan ko siya ng walang emosyon

"Ikaw..." Turo ko sakanya "Ikaw.. ang bastos" bulong ko ngunit alam ko naman na narinig niya ito.

Tinalikuran ko na sila at nag tungo sa kwarto, gamit nang salamin ay kita ko ang marka sa leeg ko, pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal na kagagawan ng aking ina. Pag tinaas mo ang sleeve ng braso ko ay makikita mo ang pasa at namumuo na ang dugo sa loob nun.. pag tinignan mo ang pala pulsuhan ko ay puro ito laslas, patong patong. Ang iba ay nag hilom na, habang ang iba ay bago palang.

Naramdaman ko ang pag kalam ng sikmura ko..

"LUMABAS KANA!" Sigaw ng aking ina. Lumabas ako ng kwarto at parang tutang sumunod sakanila.

Ngunit muling tumalikod saakin ang ang aking ina at dinuro ako. "Subukan mong gumawa ng eskandalo ay ikaw ang malalagot! Hiwag na huwag mong matatawag ang papa mong bastos. Dahil alam mong gusto morin iyon. Isa kang puta!" Sigaw nito habang dinuduro ako.

Hindi ko alam kung dapat bakong malungkot, masaktan, matuwa, umiyak sa mga sinasabi niya. Masyadong paulit ulit at nakakarindi. Taon na siyang paulit ulit sa mga salitang yan at nakaka bobo na inuulit niyang muli ito. At siguradong uulit ito bukas.

Umupo ako sa back seat at nanatiling tahimik, nakakadiri at nakakarindi ang pag lalandian nila sa harap ko. Bakit ba nila ako binuo kung hindi naman nila ako kayang alagaan?

Mga bobo.

Nakatingin lang ako sa labas at ng lumabas ako ay rinig ko agad ang ingay at kantahan. Sa dami ng tao ay ang sarap nilang lahat sapakin.

Nakakarindi masydo.

Nakaramdam ako ng inis ng hawakan ng aking ina ang aking kamay.. "Amiga!" Malakas na sigaw nito..

"Aba'y napaka gandang dalaga naman nito" baling sakin ng matandang babae, at halata mo ang malgkit na titig nito sa aking ama.

Malandi.

Hindi ako ngumiti ng kausapin niya ako.. sa halip ay yinakap niya ako at hindi ko naman siya yinakap pabalik. Ng kalasin niya ang yakap ay dinikit ng aking ina ang pisngi niya sa pisngi ko "May sakit lang to haha" gusto kong umirap nginit pinigilan ko. Gusto kong matulog at ayokong saktan nanaman nila ako pag uwi.

Nang umalis ang matandang babae sa harap ko ay agad akong tinignan ng pag kasama sama ng aking ina. Animo'y ako'y isang demonyo na kanyang lubos na kinamumuhian "Ikaw.. umayos ka, kung gusto mong hindi ka masaktan." Mariin niyang usal.

Sumunod ako sakanila. Gusto kong matawa ng maalala ko ang nasa isip ko kanina sa sasakyan, iniisip ko kung bakit ba nila ako binuo. Syempre, para makuha ang pera. Dahil alam nilang susutentohan ako at sila ng aking lolo sa side ng aking ina. Parehas mayaman ang aking magulang.

Pero parang hindi sila pinag aral ng aking mga lolo at lola dahil narin sa lubos na ka estupidohan nila.

Hindi ko masasabing mahal ko ang magulang ko, dahil sa nakalipas na taon. Mga taon na pamumuhay ko sa mundong to. Nakaranas at nakaramdam naman ako ng pag mamahal sa aming katulong nuon. Ngunit tulad niya ay iniwan niya lang ako.

May mga katulong kami ngunit mas pinipili nilang hindi ako ipag tanggol, hindi katulad ni aling Lidya. Pinag tatanggol niya ako sa tuwing sinasaktan ako.

Pero lahat nga naman ay nag tatapos iniwan niya ako.

Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon