Bumalik nako sa upuan at tumabi kay Spencer.. huminga ako ng malalim habang pinilit na palakmahin ang sarili ko..
//Flashback//
"Miss Williams nag seselos ako.."
Naririnig niya ba nag kinakabahan ako? Kinagat ko ang labi ko at tinignan siya sa mata
"P-Para saan.. at bakit mag seselos ka?" Sagutin mo na sagutin mo na..
Lumayo na siya ng makitang may taong papalapit..
//End of flashback//
Damn it, hindi niya sinagot. Huminga ako ng malalim at pilit na pakalmahin ang sarili ko, bumalik na siya at tumabi kay mama. Nag iwas ako ng tingin at piling tinignan ang mga tao.
Dahil hindi parin ako makalma ay uminom ako ng wine-- "Celestine"
"Y-Yeah?"
"Are you okay?"
"Of course I am.." kagat ko ang labi ko ng muling uminom
"Anak, nakakahiya." She acts as if she cares.
Hindi ako nakinig at uminom muli hanggang sa mahilo nako..
"Hey, Celestine.. tita.."
"You should send her home Spencer"
"Sige tita.."
Nakaramdam ako ng hilo pero agad akong inalalayan ni Spencer "Let me--"
"Esteban, kaya na ni Spencer yan--"
"Tita, mas gusto ko po kung ako sana ang mag aalaga kay Celestine"
"Esteban.."
"Hindi ho Esteban ang tunay kong pangalan." Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Spencer dahil masusuka nako.
"Let go Spencer."
"Why would I do that?"
"Bitaw."
Pinikit ko ng mariin ang mga mara ko at pinilit tumayo.. "bitaw bago kita masapak."
"Bakit? Aagawin mo nanaman sakin--"
"I'm not in the mood to ride with your bullshits let go of her. Akin siya" naramdaman kong marahan akong kinuha ni Esteban-- wait hindi siya si Esteban-- fuck nasusuka ako..
~
"Ayos kalang ba?"
"Yeah. Thank you for helping me earlier" usal ko habang hawak ang ulo ko dahil nahihilo parin ako.
Naligo ako at kasalukuyang kakatapos kolang. Binigyan niya ako ng tshirt at mayroon naman ako short dahil narin sa maikliang suot kong dress kanina. Pinag lapat ko ang labi ko at dumungaw sa ginagawa niya..
Pinag lapat ko ang labi ko at dapat na may sasabihin pero wag nalang. Umiling ako at palakad lakad sa condo niya..
"Nakakahilo ka"
"Ahm, sorry.." umupo ako sa sofa at tinitigan siya.. gusto ko siyang kausapin pero parang hindi ko magawa. Kinagat ko ang labi ko at aking gulat ng mag tama ang mga mata namin "Ano bang sasabihin mo?"
"W-Wala" liar! Of course meron meron! Ugh. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis
"Kumain kana, maliligo lang ako. Ihahatid na kita sainyo" agad siyang tumalikod at parang nanlumo ako.. napaka cold. Parang wala siyang pake sakin
Hindi naman ganyan si Esteban-- eh hindi naman kasi siya si Esteban diba? Sino ba kase siya? Malay ko!
Nakakainis, bakit ba ganto ang epekto mo sakin? Kaya mokong pasayahin at galit sa saglit na segundo!