13

46 2 0
                                    


NOTE; Sa dulong part hehe bagay yung kantang sleep tonight ng  december avenue :>

Naramdaman ko ang malamig na semento na hinihigian ko.. marahan kong binuksan ang mga mata ko..

Ramdam ko ang pangangalay ng likod ko dahil narin siguro sa matagal ba pag hinga luminga linga ako sa paligid at nakita ko na gabi na..

Pilit kong itinayo ang sarili ko pero hindi kona ito nagawa dahil narin sa may tali ang mga kamay ko ganun narin ang mga paa ko, at kung gugustuhin ko mang mag salita ay hindi ko rin magagawa dahil narin sa may nakatali sa bunganga ko.

Sasaktan ba nila ako? Tanong ko sa sarili ko at gustong matawa. Nabuhay nalang ba ako para paulit ulit na saktan? Gusto kong matawa na maiyak dahil pagod na pagod nako, papatayin ba nila ako? Ano bang ginawa ko?

Andaming pumapasok sa utak kong maaring dahilan kung bakit ako naririto pero agad ding nawala ang lahat ng yun ng makita ko si Spencer..  gamit ang tissue ay pinapahiran niya ang leeg niya upang ipakita dun ang marka ng sunog.

"Gising kana pala" ngumisi ito at lumapit, tinangal niya ang telang naka takip sa bunganga ko at nginisian

"Spencer bakit ako narito?" Ngumiti lang si Spencer at tinulungan akong tumayo

"Mahal kita.. Celestine" nangunot ang noo ko sa sinabi niya, iiwas sana ako pero agad niya ng nahawakan ang buhok ko at marahan itong hinaplos

Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi talaga ako natatakot, ramdam ko ang kaba pero hanggang dun lang yun.. "Mahal kita pero ayoko" kita ko ang lungkot ang sakit sa mga mata niya.. pilit kong sinalubong ang mga titig niya at pinakalma ang sarili ko

"A-Ano bang.. ginawa ko?" Lumunok ako ng ngumiti siya at tumawa habang hinahaplos parin ang buhok ko

"Ang papa mo ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay namin!" Sigaw nitong bigla dahilan para mapaigtad ako at lalong kabahan.. hindi ko lubos na kilala si Spencer at dapat ko siyang katakutan pero nangingibabaw ang lungkot na nararamdaman ko "A-Ayaw ni papa at ni Grey gumanti.. Kaya ako ang gaganti--"

"Satingin mo ba mahal nila ako?" Nakita kong natigilan sila sa sinabi niya "Kahig saktan moko Spencer wala ng bago dun dahil maski ang mga magulang ko sinasaktan ako!" Hindi ko alam pero napataas ang boses ko dahil sa inis at galit.

"I'm gonna make it public, your mother and father have a good image and I can ruin that using you. Celestine" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama siya.. maari akong gamitin.. kasi.. ang akala nila ay perpekto ang pamilya ng mga Williams. "Kung pinakasalan mo lang sana ako kakalmutan ko ang kagaguhan ng papa mo." Muli itong tumawa ngunit sumeryoso muli ang mukha nito habang hinahaplos ang buhok ko "Pero wala eh.. baka nga hindi lang talaga ako kamahal mahal."

Nakaramdam ako ng lungkot, at simpatya para kay Spencer.. alam kong nasasaktan siya dahil sa pag panaw ng kanyang ina at ngayon mag isa siyang nag hihiganti dahil ayaw ng lumaban ng pamilya niya..

Napapikit ako ng mariin.. matapang si Spencer para gawin ang kasalukuyang ginagagawa niya ngayon, na ipag laban ang gusto niya pero mali naman to. "Ano bang gusto mo?" Nakita ko ang gulat sakanayang mga mata "You want to marry me tapod my girlfriend ka?"

"W-What?"

"I heard you talking to someone kahapon." Kung ang pagpapakasal sakanya ang maari kong magawa para ma save ang reputasyon ng mga magulang ko ay gagawin ko.. naramdaman ko ang kaunting pag piga sa puso ko dahil sa naalala ko ang mga sinabi ni mama, masyado na siyang nasaktan.. at hindi niya deserve ang kung ano man dun

"Dahil gusto kong limutin ka--"

"That's why your using her?" Nakaramdam ako ng inis.

"Look Celestine--"

"I'll marry you. Wag mo nang gamitin pa yung babaeng yun at higit sa lahat huwag.." pinikit ko ng mariin ang mga mata ko "huwag mong sisirain ang reputasyon ng mga magulang ko" ngumiti siya ng pag ka lapad lapad..

"So there's no need to hide me here.. umuwi na tayo" rinig mo na kalmado ako pero hindi mo alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.

~

Mabuti nalang at inuwi niya ako, alam kong mali ang desisyon na ginawa ko. Alam ko sa sarili ko na ayoko siyang pakasalan dahil ang talagang gusto ko ay si Esteban.. pero hindi ko panaman mahal si Esteban.. maari naman siguro ito malipat kay Spencer..

At kung hindi ako papayag sa pag kakasal sakanya ay maaring ilathala ni Spencer ang 'baho' ng pamilya namin. Yes I'm aware how fucked up are family is kase kasama ako rito.

Ang hindi ko lang alam ay.. paano magagawa ng papa kong ipasunog ang bahay ng mga Saunders noon dahilan ng pag kamatay ng nanay ni Spencer at Esteban.. bukod dun, bakit kailangan ipalayas si Esteban sa bahay nila?

Damn it, you should start calling Esteban.. Greyson.. that's his real name, not Esteban for fuck sake Celestine.

Pag katapos ng pag iisip ay nakita ko na nasa harap na kami ng mansyon. Nasa isip ko parin na.. paano yun magagawa ni papa, masydong imposible kahit man nagign masama siya sakin.

Binukas ko ang pintuan "Salamat.. mag ingat ka" kita ko na madumi na ang puti kong polo dahil narin sa lapag ako nahiga kanina..

Ramdam ko ang pang hihina at pananakit ng katawan ko sa di malamang dahilan.. hindi ko alam pero bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko, hindi kona ito napigilan at nag unahan na silang tumulo.. kagat ko ang labi ko at pilit na pinapatahan ang sarili..

Bakit ganto? Bakit ganto yung buhay ko? Matutulad bako kay mama? Na.. pinilit ikasal? Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil sa ayoko ng umiyak..

Ramdam ko ang pag kalam ng sikmura ko dahil hindi pako nag la-lunch o hapunan, pero mukhang tulog na ang mga katulong kaya mas mabuti nalang rin kung itulog ko nalang ito..

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko kahit man may panibago muling tutulo, umakyat ako sa taas at marahang binuksan ang pintuan at laking gulat ko ng makita si Esteban na nag babasa ng libro.. habang nakahiga sa kama ko, lumingon siya sakin at kita ko ang pag kunot ng noo niya lalo na ng makitang may tumulong luha sa mga mata ko kaya agad ko itong pinunsan.. tumayos siya at marahang lumapit sakin habang tinitignan ang mukha ko at ang polo ko..

"Anong nangyari?" Narinig ko ang mahinang pag mumura niya "sinaktan kaba ni Spencer?" Rinig ko ang galit sa boses niya pero umiling lang ako at nakayuko habang tinitignan ang mga daliri ko. "Hey.." kumalma ang boses niya at naramdaman ko nalang na yinakap niya ako, gamit ang kabilang kamay niya ay marahan niyang hinaplos ang buhok ko..

"Kumain kana ba?"

"H-Hindi.. p-pa" hindi ako makapag salita ng maayos dahil narin sa kakaiyak ko..

"Shh" linuwagan niya ang pag yakap sakin at pinunasan ang luha sa mga mata ko "shh, wag kanang umiyak" bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng ilapat niya ang labi niya sa noo ko..

Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon