11

46 3 0
                                    

"Umayos ka Celestine." Mariing sabi ni mama pag ka baba ko

"Alam niyo na ba?" Tanong ko sakanya

"Ang alin?" Naka pamewang to at handa nanaman akong saktan kaya bahagya akong lumayo.. "Si Esteban--"

"Ay isang Saunders." Pag tapos niya at humlakhak "Oo, at kung sakaling ayaw mong ikasal kay Spencer, ako ang mag papakasal kay Esteban" agad na itong umalis kaya bumuntong hininga ako.

I'm not even sure if I like Esteban or mabye I'm just confused.. wala akong ganang nag lakad patungo sa sasakyan at si Spencer ang mag hahatid sakin.

Pupunta kami sa party dahil birthday niya. "Happy Birthday" usal ko at ngumiti naman siya

"Thanks, mamaya.. tuturuan kitang gumawa ng carbonara--"

"No thanks. I'm not interested anymore" pinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog pero hindi ako makatulog..

"Hello?" Pinili kong huwag imulat ang mga mata ko "babe.."

Babe?

"Uhm i'm sorry, I can't.... Baby.. no i.. I just need to get over this." Tumawa siya "Trust me baby.."

Anong kalokohan to? Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko na hindi nag bago ang ekspresyon niya..

"Nakatulog kaba ng mabuti Celestine?"

Hindi ko siya pinansin, so he wants to marry me.. para mas yumaman sila? Son of a bitch.

Pag kadating namin sa party ay sabay kaming pumasok sa bahay ng mga Saunders, agad na nag tama ang tingin ng aking ina at nag malala kasama niya pa si Saunders.

Nag iwas nako ng tingin at isinukbit ang kamay ko sa braso ni Spencer "This is new"

"Ikaw din bago" bahagya siyang nagulat sinabi ko.

Hindi.. ikaw si Spencer na kilala ko, at sigurado akong. Kasinungalingan lang ang lahat

"What do you mean?"

"Yung damit mo, bago" nakita ko na nakalma siya

"Ah.. yeah" estupido. Nag lakad kami palapit kay nala mama "Hi mrs. Williams"

"Hello din Spencer, bagay na bagay kayo ng anak ko" galak nitong usal at wala kong emosyon siyang tinignan "Bagay din kayo" tinignan ko si Esteban at si mama.

Namula pa ng bahagya ang pisngi ni mama pero hindi ko pinansin yun at ininom ang wine sa table

"Here" nang makaupo kami ay kinover ni Spencer ang americana niya sa legs ko

"Salamat" ngumiti ako ng pag ka peke peke.

Mag pekean tayong lahat dito. Nais niyong mag laro? Edi makikipag laro ako.

Nakita ko na madilim ang paningin ni Esteban. Pero hindi ko pinansin at ininom muli ang wine

"Miss Williams." Liningon ko siya at tinignan habang iniinom ang wine.

"Bakit?" Walang emosyon kong usal. Laro lang din ba ang pagiging bodyguard ni Esteban at bukod dun ay nag sinungaling din siya na anak siya ni mang Irnesto kahit hindi.

Huminga ito ng malalim at nag iwas na ng tingin.

"Celestine, gutom kana ba?"

"Hindi."

"Esteban kumain kana" usal ni mama, at pinaikot ko nalang ang mga mata ko.

"Ayos na ho ako mrs. Williams"

"Nako! Tawagin mo nalang akong Klara.."

"Tita Klara"

"Wag na ang tita.." pinaikot ko nanaman ang mga mata ko sa pandidiri. Tanga ba si Esteban para hindi mapansing linalandi siya ng ina ko?

Nagulat ako ng hawakan ni Spencer ang gilid ng labi ko "May dumi.."

"Dapat sinabi mo nalang sakin."

"Mabuti at gumagaling na ang sugat mo"

Ngumiti ako at pinag mamasdan ang reaction ni Esteban sa peripheral vision ko. "Syempre, ikaw ng lagay ng gamot niyan" nakangiti kong usal

*Blag*

Nagulat ako ng tumayo si Esteban ng padabog

"Esteban" usal ni mama at hindi ito liningon. Hindi ako umimik at nag patuloy nalamang sa pag kain

Huminga ako ng malalim at nag patuloy nalamang sa pag kain.

"Mag c-cr lang ako"

"Sige" usal ni Spencer kaya tumayo nako patungo sa cr..

Pero bago pako makapasok sa cr ay may humarang nasakin.

"Miss Williams"

"Bakit?" Walang emosyon kong usal habang nakatingin sakanya at liningon ang dalawa niyang kamay na naka tuon sa may pader.. liningon ko ang paligid at wala gaanong tao..

Hinawakan niya ang labi ko "Siya.. ang nag pagaling nito?"

"Oo. Bakit? Sino ba dapat?"

"Ako miss Williams. Ako.."

"Lumayo ka sakin. Mag c-cr ako"

"Miss Williams nag seselos ako.." agad akong natigilan sa sinabi niya at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko

"Miss Williams nag seselos ako.." para itong sirang plaka na nag paulit ulit sa utak ko..

Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon