"Ikaw. Layuan monalang si Spencer kung gusto mong hindi ka muling masasaktan!" Sigaw nito sakin.
Mag katapos nila ako saktan at pahirapan ay iniwan nadin nila ako.. masyado akong nanghihina pero pinili kong tumayo, oras na ng klase pero minabuti kong hindi na pumasok pa..
Nag lakad ako palabas sa school, mabuti nalang at tulog ang gwardiya.. naramdaman ko nanaman ang dahan dahang pag tulo ng mga luha ko
Napatingin ako sa langit ng maramdaman ang biglang pag buhos ng ulan.. agad kong yinakap ang sarili ko dahil sa lamig na nadarama.. mag lalakad na muli ako ngunit bigla nalang akong namanhid at hindi na makagalaw..
~
Nagising ako sa isang kwarto st sigurado akong hindi ko ito kwarto.. agad akong napatayo at nagulat ng iba na ang suot kong damit!
Isang malaking tshirt na kuya grey, at boxer?! Kaamoy pa ni Esteban.. Agad akong nag lakad palabas sa kwarto ngunit natigilan dahil ng dilim ang paningin ko. Napalunok ako ng makita ang lalaking nag luluto at naka topless pa siya..
"S-Sino ka?" Lumingon ito sakin at sigurado akong si Esteban ito "E-Esteban.."
"Bakit miss Williams?"
"B-Bakit ako n-nandito?" Kagat ko ang labi ko habang ramdam ang kaba..
Si Esteban lang ang may kakayanang iparamdam sakin na hindi parin ako manhid.
"Bakit sino bang gusto mo makita yung Spencer mo?"
"W-Wala naman akong sinabing gusto kong makita s-si Spencer.." kagat ko ang labi ko habang nahihiyang lumapit sakanya.. "E-Esteban?" Liningon niya ako at pinatay ang kalan.
Napalunok ako dahil lumapit siya sakin ng sobrang lapit ang malala ay wala pa siyang pang itaas.
"P-Pinaltan mo b-ba ako?"
"Oo?" Nanlaki ang mata ko at namula. "Wag kang mag alala. Hindi kita minanyak kung ganun ang iniisip mo, Baka mag kasakit ka"
Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na siyang muli sakin "Kumain kana miss Williams, huwag kang mag alala ang mga suot mo ay bagong bili lang at hindi ko pa nasusuot.." umalis na siya patungo sa kwarto niya, tinignan ko ang loob ng tshirt at suot ko panaman ang bra ko.. pero.. binihisan niya talaga ako? Damn it, dapat hinayaan niya nalang akong mag kasakit! Nakakahiya..
Ramdam ko na pulang pula na ang pisngi. Pero umiling iling lang ako. Galit siya sayo.. umupo ako sa upuan at ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.
Masyadong madaming pumapasok sa utak ko.. kagat ko ang labi ko habang pinipigilan maluha.. alam ko naman na galit siya sakin pero sana naman sabihin niya ang dahilan.. ang hirap.. ang hirap nung paulit ulit kang mag tatanong na
Kasalanan koba kaya siya ganyan?
Oo kasalanan mo.
Yumuko ako at kinain ang pasta na ginawa niya, tulad ito ng ginawa ni Spencer..
Get yourself together, stop crying..
Masyadong masakit ang dibdib ko sa di malamang dahilan, hindi naman ako naiyak nuon pag sinasaktan ako ni mama at papa pero simpleng pag iisip palang na galit sakin si Esteban ay naninikip ng agad ang puso ko.
//Flashaback//
"Bata kapa.. wag kang mag aasawa na papaiyakin ka, sasaktan ka tulad ng mga magulang mo, dahil bilang babae ay deserve mo ng lalaking rerespetuhin at mamahalin ka"
"Wala naman pong ganun sakin" napanguso ako
"Aba'y syempre bata kapa! Wala pa talagang manliligaw agad sayo pero tignan mo pag lumaki ka ay siguradong maraming mahuhulog sayo"
Ngumiti ako ng abot langit hinayaan ko si Aling Lidya na tirintasin ang buhok ko
"Pero hindi lahat ng mahuhulog sayo ay totoo, malay mo yung iba ay gagamitin kalang at sa dulo ay iiwan, dapat mag hanap at mag mahal ka ng lalaking mas mamahalin ka ng higit sa pag mamahal mo." Muli itong ngumiti sakin at hinaplos ang buhok ko "At dapat pag mag mamahal ka, mag tira ka ng pag mamahal sa sarili mo"
//End of flashback//
Huminga ako ng malalim at tinignan ang pintuan.. at nakita ko na lumabas na siya dun at naka suot na ng usual niyang suot pag mag tra-trabaho samin..
"Esteban" nakatitig ako ng diretso sakanya
"Pag katapos mong kumain aalis na tayo, ihahatid kita sa mansyon. At baka hinihintay nako ng mama mo" nanlumo ako at tumayo nalang
"Umalis na tayo. Wala nakong ganang kumain"
"Ok" agad kong linampasan siya pero hinila niya ako at kita ko ang inis sa mukha niya "Lalabas ka ng naka ganyan? Halos parang naka panty kalang?"
Namula ako dahil sa pagiging blunt niya kaya agad akong lumayo "A-Ah eh.. ano bang susuotin ko?"
Marupok ka Celestine, hindi ba't sinaktan ka ng isang to tapos!
"Suotin mo nalang uli ang palda mo, siguradong tuyo nayun"
Tumango lang ako at pumunta sa kwarto niya, sinuot ko ang palda at tinuck in ito upang maging maayos..
Pag kalabas ko ay tinignan niya ako ng maigi at nag iwas ng tingin. Huminga ako ng malalim at naramdaman ng unti unting pag piga nanaman sa puso ko..
Siguradong crush lang naman to, hindi ko pa naman siya mahal, masyadong.. masyadong komplekado ang salitang mahal at hindi ko iyon kayang bigkasin sa harap niya kung sakaling dumating na sa puntong.. mahal ko siya
Parehas walang naimik samin, parang wala siyang paki sakin.. naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko pero pinili ko nalang wag isipin pa.
Nakarating kami sa mansyon at kita ko agad si Spencer. Hindi siya naka mask..
Bumaba ako ng sasakyan at tinitigan siya agad naman itong lumapit sakin at yinakap ako "pinag alala moko.."
Hindi ako umimik.. hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng umalis siya ng tuluyan at puntahan si mama.. alam kaya ni mama na Saunders si Esteban? Gusto din kaya ni mama si Esteban?
P-Paano kung gusto ni Esteban si mama?
"Hey.. wag kanang umiyak, anong nangyari"
Umiling iling lang ako "W-Wala"
"Sinaktan kaba nila?" Kagat ko ang labi ko at umiling muli.. agad akong yinakap ni Spencer at hinayaang umiyak sakanya..
Dapat.. dapat si Spencer nalang