Akala ko si Esteban na ang mag dra-drive sakin papunta sa school pero si Spencer parin pala.. huminga ako ng malalim at nakipag titigan sakanya
"You look disappointed that i'm here."
"H-Hindi ah.." I lied.
"You are." Huminga lang siya ng malalim at pinag buksan ako ng pintuan.
"Did.. your mom hurt you?"
"Hindi na.. wala siya lagi sa bahay"
"Probably with Esteban." Usal niya kaya lumingon ako sakanya "since ako nanaman ang nag hahatid sundo sayo, sa mama mo nalang si Esteban" huminga ako ng malalim.
Esteban lied, he told me na anak siya ni mang Irnesto. Huminga ako ng malalim. Bodyguard kolang siya at hindi ko talaga siya tuluyang nakilala.
Sabay kaming kumain muli ng lunch time at tulad kahapon ay linibre niya ako.
"Come here"
"Bakit?"
"Lalagyan ko ng gamot ang labi mo" tumango lang ako at lumapit. Halatang nag papabango si Spencer habang si Esteban ay hindi, magulo lagi ang buhok ni Esteban habang si Spencer ay nakaayos lagi. Parehas ang tangkad nilang dalawa pero iba ang pananalita nila--
"Done" nakangiti niyang usal at tumango lang ako
Tinitigan niya ako at narealize ko nalang na nasa canteen kami dahil ang ingay ng paligid namin, kaya lumayo na ako "Ihahatid na kita sa klase mo" wala akong nagawa kung hindi tumango nalang
Nakita ko ang mga titigan samin at this time mas malala na. Huminga ako ng malalim "Ayos kalang ba?"
"O-Oo"
"Bakit namumutla ka?"
Ayoko ng mga tingin nila satin "W-Wala lang."
"Sure?"
"Oo"
Hinawakan niya ang noo ko kaya agad akong napaigtad
"Chill im not gonna hurt you"
"Nagulat l-lang ako"
Nag lakad na uli kami patungo sa classroom ko at pumasok dun, tahimik at tulad ng dati walang kumakausap sakin
Huminga ako ng malalim. Asan ba si Esteban? Kasama ba talaga siya ni mama? May gusto ba talaga si mama kay Esteban? Hays.
~
"Anong gusto mong kainin?" Tanong sakin ni Spencer
"Sa bahay nalang.."
"Iluluto kita?" Wala akong nagawa kung hindi tumango nalang at sumakay sa sasakyan.. pag kadating namin sa bahay ay pumunta kami sa kusina at nag luto siya ng pasta.
Sa katotohanan nakaka mangha na marunong siya mag luto "Pano ka natutong mag luto?"
"Tinuruan ako ni mom" natahimik ako sa sinabi niya.. ibig sabihin close sila ng nanay niya.. kaya natuto siyang maluto, nakaka ingit. Ano bang pakiramdam ng may nag aalaga at may tao may pake sayo?
"Gusto mo bang turuan kita?" Nakangiti niyang sabi.. hindi ko alam pero napangiti din ako
"Sigurado ka?"
"Oo, sa sabado." Nakangiti niyang sabi.. tumango ako at titignan ang linuluto niya pero napatingin ako sa mukha niya habang nag luluto siya. Bahagyang naka kunot ang noo niya at animo'y seryosong seryoso sa ginagawa.. napaigtad ako ng mag katitigan kami.. "What?" Tanong niya
"W-Wala.. ang s-seryoso mo kasi mag luto" tumango lang siya at nginitian ako, mag kaiba.. mag kaiba talaga ang ngiti niya at ngiti ni Esteban..
Huminga ako ng malalim at tinignan ang ginagawa niya "Ano bayan?" Kagat ko ang labi ko dahil ang bango ng ginagawa niya.
"Carbonara" tumango ako at muling tinignan ang mukha niya "Hindi kaba naiinitan? I mean naka mask ka--"
"Makikita nila ako" napanguso nalang ako, para kasing pawis na pawis siya..
Kaya gamit ang kamay ko ay pinay payan ko siya, nakit ko na nagulat siya sa ginawa ko. "B-Bakit?" Ngumiti lang siya at nag patuloy sa ginagawa..
Lumipas ang oras at natapos din, "masarap pala ang carbonara" nakangiti kong sabi habang kinakain ang ginawa niya.
"Bakit first time mo ba?"
"Oo.. hindi naman kasi nag luluto ng mga ganito ang kasambahay namin."
"Ano bang linuluto nila dito?"
"Canned foods. Frozen.. yun yung mga nakakain ko habang.. habang sila mama hindi" nakita ko na parang naiinis siya "pero masarap din naman kumain ng canned foods at frozen" nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya mukhang galit..
"Spencer"
"Hmm?"
"Bakit ka nag kagusto sakin?" Halatang natigilan siya sa sinabi ko.. "a-at totoo bang gusto din ako ni Esteban?"
Hindi siya umimik at tinitigan lang ako "hindi ko alam.. unang.. kita ko palang sayo nag kagusto nako"
"Una nating nakita ang isa't isa nung dumating kayo ng papa mo"
"Nah, we saw each other months ago. Mabye it's love at first sight"
"Kelan??" Taka kong usal
"At a birthday party."
Nanlaki ang mga mata ko "A-Andun kadin?"
"Yeah.. and Esteban" nakagat ko ang labi ko at napailing iling
"Pano ka mahuhulog sa isang tao ng hindi mo lubos na nakikilala.. that's.. impossible Spencer"
"It is. Pakiramdam kolang gusto kitang protektahan, lalo na ng nakita kong bulungan ka ng mama mo na kung gusto mong makatulog ng maaga ay ayusin mo ang gagawin mo."
"Narinig mo yun?"
"Yeah, nasa gilid ako nun na ninigarilyo."
Pinag dikit ko ang labi ko at tinignan siya "E-Eh si Esteban?"
"I don't know. Baka hindi ka niya gusto" nanlumo ako sa hindi malamang dahilan..
"Tapusin mo na ang pag kain mo"
"S-Sige" tumango nalamang ako at pinag patuloy ang pag kain hanggang sa naubos ko ito, at ganun narin siya "Ihahatid na kita sa kwarto mo--"
"Wag na.. gabi narin at kaya ko na ang sarili ko" tumango lang siya at tumingin sa likod ko, akmang titingin ako sa likod ko ng bigla niyang halikan ang noo ko dahilan para mang laki ang mga mata ko, agad niyang sinuot ang mask niya muli at tinitigan ko lang siya na makalayo..
Para saan yun?!
Agad nakong lumingon sa likod ko at nakita ko si Esteban na naka pamulsa.. "Miss Williams, magandang gabi"