12

43 2 0
                                    

Bodyguard
By Iowa Kimkimiro
Part 12

Hinatid ako ni Esteban pero agad din niya akong iniwan, parang kanina ang saya saya ko kase kasama ko siya lalo na at andun din ang mga kaibigan niya..

Bahagya kong binuksan ang pintuan at nakita ko si mama na nakaupo sa may sala at nainom ito ng alak, sa kabilang kamay ay may sigarilyo itong hawak "Dumating ka na pala." Narinig ko na bahagya siyang tumawa. Wala reaksyon ang mukha ko.

Lumapit agad sakin si mama at agad akong sinampal. Ramdam ko ang pag landas ng luha sa mga mata ko, i'm crying again..

"Gusto ko lang naman.. mahalin ako" narinig kong usal ni mama habang naiyak, napaigtad ako ng bigla niyng ihagis ang wine glass sa gilid ko "Hindi na nga ako minahal ng tatay mo.." lumapit ito sakin at hinawakan ang mukha ko "Ano bang meron ka.. si Esteban.." tumawa ito at tinignan ako "pati si Esteban gusto mo! Hindi ba't may Spencer kana!" Naka ramdam muli ako ng sampal sakanya.

Sinong mag aakala na pati ang ina ko magiging kaagaw ko sa taong gusto ko. Oo tanggap ko na..

Nagulat ako ng tumigil siya at umiyak "bakit ba ang hirap hirap kong mahalin?" Tanong niya "ginawa ko naman ang lahat para mahalin ako ng ama mo pero tignan mo nga naman.. iniwan muli ako"

//Flashback//

"Alam mo hija.. mabait si Klara" sabi nito at habang tinatalian ang buhok ko

"Pero.. sinasaktan niya po ako" naluluha kong usal ngunit ngumiti lang si Aling Lidya

"Kasi lumaki din siyang sinasaktan, lumaki siyang hindi pinaramdam sakanya ng magulang niyang hindi siya mahal ng mga ito.. ayokong lumaki ka hija ng ganun. Na puno ng galit, hinanakit, at sakit.. intindihin mo nalang ang mama mo"

//End of flashback//

"Gusto ko lang naman makaramdam ng pag mamahal.. ng taong aalagaan ako.. ng taong.. ipaparamdam saking kamahal mahal ako.. m-masama bang.. g-gusto ko lang.." humagulgol na si mama at kahit galit ako sakanya, kahit kinamumuhian ko siya, kahit ayoko sakanya..

Alam kong mahal ko si Mama

Lumapit ako upang yakapin siya "t-tahan.. na ma"

~

Lumabas ako ng kwarto ko at ramdam ko ang pang hihina ng katawan ko tulad nuon.. sunday.. napaka boring hays

Tumulala ako sa kisame at naramdaman ko ang unti unting pag piga sa puso ko habang inaalala ang mga sinasabi ni mama..

"Gusto ko lang naman makaramdam ng pag mamahal.. ng taong aalagaan ako.. ng taong.. ipaparamdam saking kamahal mahal ako.. m-masama bang.. g-gusto ko lang.." muli kong naalala ang mukha niya kung paano mo makikita ang sakit at pighati sa mga mata niya.. ang lungkot at pag kadesperadang makahingi ng pag mamahal..

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pilit na pinakalma ang puso ko, parang pinipiga nanaman siya. Hinawakan ko ang puso ko at pilit itong pinakalma--

"Miss Celestine.." nakarinig ako ng katok kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko

Bahagya ko itong binuksan "bakit po?"

"Si Esteban nasa baba, miss Celestine" biglang bumilis nag tibok ng puso ko

"A-Anjan po siya?" Tumango ito at agad naman akong napangiti..

Bumaba ako at pumunta sa sala at nakita ko siya dun.. "Esteban.." napa buntong hininga ako ng makitang wala manlang emosyon ang mukha niya, kaya agad ding bumagsak ang balikat ko at ganun narin ang ngiti ko.

"Celestine" gusto kong matuwa na binagit niya ang pangalan ko pero hindi ko magawa, pakiramdam ko.. parang napilitan lang siya..

"Mag bihis ka"

"Para san?" Walang gana kong usal

"Aalis tayo."

"Saan?"

"Friendly.. date" gusto ko mag tatalon sa saya pero dahil may 'friendly' sa una ay ayoko ng umasa pa. At bukod dun.. mukhang napilitan lang siya kaya tinignan ko siya sa mata at nilapitan, kita ko ang pag kagulat sa mga mata niya..

Napangiti ako dahil ganito din ang senaryo nung una naming pag kikita "Mukhang napilitan kalang." Halata mo ang disappointment sa boses ko pero agad naman siyang nag iwas

"Bakit naman ako mapipilitan?"

"Hindi ko alam. Wag nalang.. kung parang--"

"Hindi ako napilitan gusto kitang idate-- i mean friendly date.." huminga ako ng malalim at tumango nalamang dahil wala din akong magagawa.. alam ko sa sarili kong gusto ko din, tumalikod ako at pinag lapat ang mga labi ko at pinigilan mapangiti

"I'm imagining things.. it's a friendly date Celestine!"

~

Nag suot ako ng simpleng damit.. pantalon at polong puti, nakatali din ang buhok ko at nag lagay ng kaunting pampapula ng labi upang hindi ako mag mukhang patay..

Ayoko mag dress dahil tulad ng sabi niya huwag akong mag suot ng maikli.. at bagay naman siguro ang suot namin sa isa't isa. Pinag lapat ko ang mga labi ko at pinilit na huwag mapangiti pero wala.. napangiti parin ako, naka black siyang polo.. at ako white..

"Bagay.. kami? Damn.. ano bang meron sayo Esteban.." kagat ko ang labi ko at lumabas na ng kwarto. At nag tungo sa labas ng kwarto niya

Nakita ko siya na nakangiti na ngayon kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. hindi ko alam kung kaba o kilig ba ang nararamdaman ko, sa kabilang kamay niya ay may hawak siyang bulaklak.. "Hey.. let me introduce myself to you.." ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko "Greyson Saunders."

Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko ng halikan niya ang kamay ko at ibigay ang bulaklak.. pero.. may kung anong nag sasabi sakin na.. may kung anong mangyayari

~

"So uhm.. saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nakatingin sa daan..

Hindi siya umimik at nalungkot nanaman ako.. bigla akong kinabahan sa hindi malakang dahilan..

"Matulog ka muna Celestine." Naramdaman kong tumayo ang balahibo ko dahil napaka cold ng boses niya pero pinili kong huwag itong pansinin..

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na matulog pero ramdam ko parin ang kaba sa puso ko.

Pero wala hindi ako makatulog kaya dinilat ko na ang mga mata ko "ahm.. saan ba tayo pupunta?"

"Stop asking questions" napasimangot ako. Pilit na tinatanggal ang kabang nararamdaman sa puso ko.

"Greyson." Hindi niya ako pinansin. "Greyson.." hindi niya nanaman ako pinansin "Esteban!" Inis kong sigaw.

Liningon niya ako at kita ko ang galit sa mga mata niya "Shut up!" Sigaw niya saakin dahilan para matigilan ako, tinigil niya ang sasakyan sa lugar kung saan wala gaanong tao..

"Esteban.. bakit.." pinikit ko ang mga mata ko "Spencer.. bakit tayo nandito?" There I said it, I can see how shocked he was

"So alam mo?"

"Yes. It's obvious and why are we here--" nagulat ako ng bigla siyang lumapit at takpan ang mukha ko ng panyo..

Gusto kong mag pumiglas pero hindi ko magawa, unti unting nanghihina ang katawan ko

Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon