Mabilis na tumulo ang mga luha ni Klara. "WHERE IS MY DAUGHTER?!" Hiyaw nito agad na nag kanda-ugaga ang mga tauhan sa pag sasalita ngunit ni isa ay hindi nag lakas loob na mag sabi ng nagawa nila.
"Wala?" Humalakhak ito "mga walang kwenta! Estupido! Mga walang silbe!" Sigaw nito at pinag tatapon ang mga bagay na kung anong makuha niya
"Calm down" rinig kong bulong ni papa habang hinahagod ang likod nito
Tumitig ito saakin "Greyson.. si Celestine, n-nag mamakaawa ako hanapin mo ang anak ko"
Unti unti ko siyang liningon at tinignan ng maigi. Kita ko ang pagka desperada niya na hanapin ko ang anak niya.
Gustong gusto konang umalis kanina pa pero hindi ko magawa, siguradong agad na gagalaw ang mga trabahador ni Spencer para kuhain ako.
Ngumiti ako at tinignan si papa, ganun narin is tita Klara
"Yes mrs. Williams"
Tinitigan ko si Spencer at kita ko ang matalim niya titig, huminga lang ako ng malalim at sinenyasan siya
"Ikaw na ang mag hanap kay Celestine." Nag iwas ako ng tingin, hindi na siya umimik at nag patuloy, tinitigan ko siya at sunod sunuran ang mga trabahador nitong nag lakad patungo sakanilang mga kotse.
Uto uto, kahit man sa pag tanda ay napaka daling uto-in ni Spencer.
~
//Celestine's pov//
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at napatingin sa paligid at gulat na makitang nasa kwarto ako. Kita ko ang kaunting pag lipad ng kurtina dahil narin sa bukas ang veranda. Kita ko dun ang dagat at mga buhangin.
Pero kahit ganun ay hindi ako mapakali, tinaas ko ang kumot ko at kitang naka uniform parin ako, nakagat ko ang labi ko at dahan dahang lumabas ng kwarto, para narin wala pang makarinig sa mga yabag at galaw ko.
Agad nalang akong tatakas akmang tatakbo nako dahil nakita kona ang pintuan palabas ng biglang may amg salita
"Aalis kana agad hija?" Gulat akong napatingin sa matandang babae. "Nakita kita sa may dagat na tulog na tulog, kaya naisipan kong dalin ka rito. Kumain ka muna at dun umalis" nakatitig lang ako sa matandang babae, kahit man kulubot ang kanyang mukha ay kita mo parin ang kagandahan niya.
Ang kulot nitong buhok ay sadyang napaka ganda, bahagya pa itong umaalon dahil sa hangin. "Aling Lidya" bulong ko at agad naman itong napangiti. Yinapos ako nito ng yakap
"Kamusta?" Lumayo siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko "Napaka laki mona hija, nakuu siguradong marami kanang manliligaw!" Hiyaw nito at nakangiti
"S-San ka nanggaling?" Bulong ko at naluluha pa dahil sa lungkot, sakit, galit, ngunit maski isa dun ay hindi ko masabi sakanya, dahil mas nangingibabaw ang kasiyahan na nakitang safe siya.
"Kumain ka muna at mag uusap tayo tungkol jan" ngumiti ito at hinaplos ang pisngi ko.
At tulad ng sinabi niya ay pag katapos kong kumain ay kwinento niya na ang pangyayari.
Gabi daw nuon ng pinalayas siya ng aking ina, at bago mangyari iyon ay nag karoon sila ng usapan na hindi nako muling gagambalain pa ni aling Lidya. Hindi ko alam kung dapat kobang paniwalaan na kaya siya pinaalis ni mama dahil ayaw ni mama na may iba akong tawaging "nanay" o ipalit sakanya. Mabuti nalang at hindi siya nito sinaktan.
Talagang mahirap daw ang pamumuhay lalo na at mahirap lamang siya, ang mga anak ay may sarili ng mga pamilya at ang asawa niya ay pumanaw na. Kahit man may mga anak siya, ay pakiramdam niya mag isa na siya sa buhay. Dahil kahit man may tatawag siyang anak, parang wala rin dahil inabando na siya nito. Hanggang sa napunta siya sa pagiging waitress at nagulat daw siya ng may lalaking tumulong sakanya, binigay ang bahay na ito at linggo linggo siyang binibigyan ng pera. Kapalit nito ay ang pag babantay sa isang hotel at pag papanggap na may ari nito. Sa una ay siguradong mahirap talaga dahil, hindi naman siya nakapag tapos ngunit may naging tutor daw siya nuon hanggang sa masanay na sa mga bagay at sa mga nakalipas na taon ay siya na ang namamahala sa hotel ng lalaking iyon