Madaling araw nun at hindi ako makatulog knowing na nasa labas ng kwarto ko si Esteban.. kaya pinihit ko ng kaunti ang pintuan at sinilip siya dun..
Nakaupo lang siya sa gilid habang nakatuon ang ulo sa dingding.. lumabas ako ng tiluyan at umupo sa gilid niya para tignan siya..
Nagulat ako dahil sa mga mata niyang dahan dahang bumukas kaya napaurong ako patalikod.. agad naman siyang lumingon sakin "Miss.."
"W-Wala to.. k-kuha dapat ako n-ng tubig" dapat tatayo nako ng hawakan niyaang kamay ko.. nanlaki ang mga mata ko dahil narin sa napaka init niya "Esteban.." hinawakan ko ang noo niya at leeg niya "m-may lagnat ka.."
"Ayos lang ako miss" nakagat ko ang labi ko dahil napaka lalim ng boses niya..
"Esteban.."
"Yakapin moko miss, para hindi ako lagnatin" napatingin ako sa mga mata niya
Ganun ba talaga para hindi lagnatin? Hindi ba dapat kailangan ng gamot yun? Kung nandito lang sana si aling Lidya ay naka hingi ako ng tulong..
"P-Pero diba dapat g-gamot ang iinumin mo?"
"Oo, at ikaw ang gamot ko miss" tumayo ako at tinitigan siya ng maigi. "Ang lakas talaga ng tama mo."
Bumaba ako at laking gulat ko ng makita si mama.. "bakit ka nandito?"
"Linalagnat p-po si Esteban--"
"Pano mo nalaman?"
"Nasa labas po siya ng kwarto ko--"
*Pak*
"Malandi ka talaga eh no? Pati bodyguard mo ay nilalandi mo!" Tahimik lamang ako at nag simula nanaman ang pag dudugo ng labi ko pero hindi kona inisip pa yun at sumunod sa pag akyat ni mama. Agad niyang pinabuhat si Esteban. Agad na lumingon sakin si mama
"Dating bodyguard kona si Esteban. Pero ikaw, hinayaan mo siyang lamigin dito!" Dinuro duro niya ako at linayuan na..
Hindi ko alam kung malungkot bako sa lagay ni Esteban o dahil sa galit ni mama..
"May gusto ata yang si miss Klara kay Esteban" bulong ng mga kasambahay at pakiramdam ko ay mas ng hina ang katawan ko.
~
Pag kalabas ko ay nakita ko si Spencer.. tinitigan ko siya at ngumiti naman ito "Hey.."
"Asan si Esteban?" Kita ko ang inis sa kanya
"Sabi ng mama mo na ako na ang mag hatid sayo.. nag papagaling si Esteban" tumango nalang ako at sasakay dapat sa back seat pero pinag buksan niya ako at pinaupo sa front seat.
Tinignan ko ang mga mata niya dahil naka mask nanaman siya. "bakit ba laging naka mask ka"
"Ayoko sa mukha ko."
"Bakit?"
"At siguradong aayaw ka din" nag iwas siya ng tingin at nag simula ng mag drive. Pag kababa ay agad na nag tinginan ang lahat dahil bakit kami mag kasama..
"Gusto mo ba kumain? Ililibre kita" tumango nalang ako nasa canteen kami at masyadong sosyalin ang mga luto nila dito.
Hindi tulad ng binigay sakin ni Esteban. Simple at mura lang "Anong iniisip mo?" Tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko
"Wala.."
Natapos kami na tahimik na nakain.. "ihahatid na kita sa klase mo"
Huminga ako ng malalim at sumunod.. lumipas ang oras at mag kasabay kami mag lunch. Parang napaka boring. Lumipas muli ang oras at kasalukuyang nag lalakad na kami papunta sa sasakyan
Lumapit ako sakanya at kita ko ang gulat kaunting pamumula ng may pisngi niya pero nako-coveran iyon ng mask..
"Sino kaba talaga"
"Celestine.." lakas loob kong hinawakan ang mask niya at agad itong tinanggal at nakita ko siya.. agad na nanglaki ang mga mata ko dahil kita ko na ngayon na pulang pula siya
"Esteban.."