"Hindi ako si Esteban.." nag iwas siya ng tingin at kinuha ang mask para muling suotin..
"Sino ka?"
"Spencer Saunders."
"Sino si Esteban?" Tanong ko habang kagat ang labi ko
"My twin brother" agad akong natahimik..
"My brother likes you, but.. I like you too" muli kong narinig ang mga katagang sinabi niya..
Umiling iling ako at pinag masdan siya ng mabuti "bakit.. siya nag tra-trabaho samin?"
Kagat ko ang labi ko habang tinitignan naman iyon ni Spencer.
"Wag mong kakagatin ang labi mo Celestine." Mariin niyang sabi kaya nangunot ang noo ko "pinalayas siya ni papa sa bahay. Dahil narin sa pagiging tarantado niya, hindi ko nga alam na sa lahat pa ng bahay dito siya napunta" nag tangis ang bagang niya "Gusto niyang kunin ang dapat sakin." Mariin niyang sabi at tinignan akong muli "So please.. marry me, aalagaan kita."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko
Pumasok nanaman sa isip ko ang mga sinabi ni Esteban "You dont. Need him, kaya kitang protektahan at tulungan, wag mo siyang pakakasalan. Nag kakaintindihan ba tayo.. Celestine?"
"K-Kaya mo ba talaga akong tulungan?"
"Yes Celestine.. kayang kaya ko.. pag pinakasalan moko aalagaan kita, mamahalin kita--"
"Kahit hindi kita mahal?" Taka kong usal. Ayokong maging masama. Pero pag pinakasalan ko siya, ay siguradong hindi ko siya mahal at gagamitin kolang siya para maka takas sa mga magulang
"Oo.. kahit hindi moko mahal" huminga ako ng malalim at tinignan siya ng mabuti..
Tahimik kaming dalawa sa byahe at pinag buksan niya ako ng pintuan at tinignan ko siya "Tanggalin mo na mask mo."
"Ayoko"
"Bakit?"
"Isipin nila ako si Esteban."
Hinawakan ko parin ang mask niya at tinanggal ng kaunti iyon. "I thought you look exactly like Esteban pero hindi.." bulong ko at tinignan ang panga niya na may kaunting sunod at marahan iyong hinaplos
"Anong nangyari dito?"
"Nasunog ang bahay namin nuon" tumango nalang ako at nagulat ng napaka lapit na namin sa isa't isa kaya agad akong napahakbang patalikod pero andun ang sasakyan. Ngumiti lang siya at tinignan ako ng maigi
"You look really pretty miss Willams" hindi ko alam pero nagulat ako sa pag tawag boya saaking ng miss Williams..
"H-Hindi ako s-sanay.. a-at masyado tayong malapit"
Hinawakan niya ang labi ko "Kanina ko pa napapansin ang sugat mo rito.. sinaktan ka nanaman ba?"
"A-Ayos lang" dapat ay tatapikin ko na ang kamay niya ng biglang mag salita ang kung sino
"Well. Andito ka pala Spencer"
"Yes tita Klara hinatid ko po siya" buti nalang at suot suot na niya ang mask niya.. nagulat ako ng makita si Esteban sa gilid niya. Mukhang maayos naman ang lagay niya pero kita ko na madilim ang tingin niya.
So mag kapatid sila.. at siguradong hindi sila good terms.. at pinalayas pa siya.
Napapikit ako ng mariin habang iniisip ang lahat. Agad ko siyang liningon na ngayon ay nakatitig sakin kaya nag iwas ako ng tingin dahil natatakot ako sa titig niya
"Hey" liningon ko si Spencer, hinawakan niya ang kamay ko at ng akmang bibitaw ako ng mas hinigpitan niya pa..
"Gusto mo bang ipag luto kita--" agad na napigilan sa pag sasalita si Spencer ng sumapat si Esteban
"Trabaho ko yan."
"Bodyguard kalang" kita ko ang pag tatangis ng bagang niya..
"Ano bang gusto mo Celestine--"
"Ang gusto ni miss Williams ay itlog."
"Hindi kita kinakausap. Gusto mo ba?" Tumango ako para matapos na
"Ako na mag luluto, Spencer."
"Ako na mag luluto"
"Mas masarap ako mag luto"
"Mas masarap akong mag luto!"
"Mas masarap nga sabi ang akin--"
"Mas masarap ang akin--"
"Mas masarap ang itlog ko!"
"Mas masarap ang akin--"
"A-Ano ba?!" Sigaw ko dahil naiinis ako at nahihiya sa mga sinasabi nila
"Miss Williams, Celestine" sabay nilang usal
"K-Kung gusto niyo n-ng itlog e-edi mag luto kayo! M-Matutulog nako."
Napapikit ako ng mariin dahil sa ramdam ko ang hiya, really? Pinag aawayan nila ang itlog. What's wrong with them!