14

43 3 0
                                    

Nagising ako dahil narin sa liwanag.. pag kadilat ko sa mga mata ko ay nakita ko agad si Esteban na naka upo sa sahig, habang nakatuon ang likod nito sa dingding.. nakapikit ang mga mata nito..

Tinitigan ko ang magulo niyang buhok, kilay na katamtaman ang kapal, mga amtang isang titig ay agad na makakapag papintig ng puso ko.. mga labing napakapula.. at mukha ring malambot, kinagat ko ang labi ko at umiling iling..

Bumaba ang tingin ko sa leeg niya at makikita mo dun ang adams apple niya na visible na visible, may mga namumuong pawis sa noo niyang tumutulo sa may leeg niya.. napansin ko din na may nunal siya sa leeg niya malapit sa adams apple.

"Miss, staring is rude" nang laki ang mga mata ko ng makitang marahang dumilat ang mga mata niya! Agad kong pinikit ang mga mata ko at rinig ko ang mahina niyang pag tawa "Good morning, miss" biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya dinilat ko na ito.. ang kalahati ng mukha ko ay na ko-coveran ng kumot habang ang mga mata ko ay naka titig sa mga mata niya..

"B-Bakit ka dito natulog?" Taka kong tanong "bakit hindi ka umuwi?" Muli kong tanong

"Wag mo nako tanungin niyan miss, may pasok kapa" nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon..

"Baba muna ako. Ipag luluto kita" bumaba siya at agad naman akong naligo..

~

Bumaba ako makalipas ang halos isang oras at pumunta sa kusina pero laking dismaya ng makitang wala siya dun at mga kasambahay lang "asan po si Esteban?" Tanong ko sa kasambahay

"Ay.. nasa cr po si sir" tumango lang ako at nag lakad papunta sa sala at sa gilid nun ay ang cr, bahagya akong sumilip sa nakasaradong pintuan at laking gulat ko ng makitang lumabas si Esteban dun ng basa ang katawan, kita mo ang pag tulo ng mga tubig sa buhok niya na gulong gulo. At ang malala ay wala siyang pabg itaas, tapos twalya lang ang nasa baba niya. Agad akong tumalikod at akmang mag lalakad na

Dahil ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko pero agad akong natigilan "miss, sabay na tayong kumain, intayin mo nalang akong mag bihis" hindi ko alam kung lilingunin ko ba siya o hindi.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at piniling huwag ng lingunin pa "s-sige" utalk kong sabi at nag madaling mag lakad paalis sa sala.. ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko..

"Hihihi, ampogi ni Esteban no?"

"Oo! Nakita mo ba yung katawan, kahit walang abs hihihi"

"Hindi ko na masisi na pati si miss Klara eh mahulog jan tignan mo may sariling kwarto sa mansyon"

"Sana sakin nalang si Esteban"

"Alam mo ba, na mayaman talaga si Esteban?"

"Ha?"

"Kapatid niya si Spencer, totoo niyang pangalan Greyson hihihi"

"Ampogi naman ng pangaln hihihi, Greyson" pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at nilingon sila. Bat ba kasi napaka tanga ni Esteban na lumabas ng naka tapis ngayon tuloy pinag aanuhan na siya ng mga kasambahay.

Inis akong pumunta sa kusina at kumain na "Hey.. bakit inunahan moko akala ko ba sabay tayo--"

"Gutom ako" walang emosyon kong usal at ramdam ko parin ang inis

Umupo siya sa harap ko at kumain.. natapos ko ang pag kain at akmang aalis na "hindi mo ba alo iintayin?"

"Hindi." Walang emosyon kong usal at akmang aalis na muli pero mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at tumayo "Intayin moko huhugasan ko lang ang mga platito"

"Esteban, hihihi ako na.." napairap ako sa kawalan ng ngumiti ang isa sa mga kasambahay at nginitian din ni Esteban ito, akmang tatanggalin ko uli ang hawak niya sa kamay niya pero masyado siyang malakas, nakita ng kasambahay na hawak ni Esteban ang kamay ko at kita mo ang pag ka disappoint sa mukha nito pero inis kolang tinignan si Esteban

Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon