4

104 3 0
                                    


"Miss Celestine." Hindi akonumimik at nag tungo na sa banyo upang maligo. Nakaramdam ako ng gutom at sakit ng katawan dahil sa pang yayari kagabi. Hinawakan ko ang hita ko at kita mo dun ang marka ng sigarilyo.

Pilit akong nag lakad kahit ika ika.. matindi ang pag kakasapa saaking ni mama at this time.. mas malala

Binukas ko ang pintuan at nag lakad na palabas ng mansyon "Miss Williams"

Liningon ko si Esteban, nakita kong nakatitig siya sa labi ko kaya nangunot ako noo ko "Miss Williams.. may sugat--"

Linampasan ko siya at sumakay na sa sasakyan.

Binuksan niya ang pintuan at sinarado ito at nag tungo na sa driver seat. "Kumain kana ba miss Williams?"

Hindi ako umimik. Tahimik ang byahe at nag taka ako ng makitang itigil niya ang sasakyan sa kung saan "Tara"

"S-Saan?"

"Kakain tayo miss Williams, narinig ko na hindi ka naka kain kagabi"

"Male-late nako--"

"Eight ang simula ng klase mo miss, six palang"

"Wala akong pera--"

"Ililibre kita miss Williams"

"Makikilala nila ako--"

"Edi.. mag suot ka neto" pinakita niya ang cap

"A-Ayoko.."

"Dali na miss Williams!"

"Asan ba ang tatay mo? Sabihin mong bumalik nalang siya sa pagiging bodyguard ko."

"Ang sama mo naman sakin miss Williams, gust kolang naman na kumain kana" inis akong tumitig sakanya at nakaramdam ako ng pag kalam ng aing sikmura. Ngumisi siya "Libre ko miss Williams huwag kang mag alala"

~

Napahalukipkip ako ng isuot niya ang americana niya sakin. "Ilugay mo ang buhok mo miss."

"Para san?"

"Para hindi ka makilala" lumunok ako at linugay ang buhok ko, kita ko ang mga mata niyang titig na titig sakin napalayo ako ng bahaya ng hawakan niya ang pisngi ko "Hindi kita sasaktan miss Williams" sinuot niya ang cap saakin at tinignan ako ng pag kaigi-ige. Nag iwas ito ng tingin na pinag taka ko "M-May problema b-ba?"

Hindi ito umimik at hinawakan ang kamay ko, agad ko naman yun hinila

"Ay.." tinignan ko siya.

"Hindi naman kailangan hawakan mo ang kamay ko" tumango siya at sinunod ko nalamang

Siya "Anong gusto mo misis?" Agad na nanlaki ang mga mata ko

"A-Anong misis ka jan?"

Nag maang maangan lang siya at tinignan ang mga laman ng kaldero.. "Anong gusto mo?" Nakagat ko ang labi ko

"S-Sinigang.." tumango siya at umorder ng sinigang at agad naman itong binigay samin

"Kain na misis"

"Mga bata pa kayo, ang aga niyo naman ikasal?" Taka na usal ng ale.. na pilit na sinisilip ang mukha ko agad akong nag iwas ng tingin.

"Mahal na mahal kasi ako--"

"Ano?!" Inis kong usal. Sinungaling!

"Joke lang hehe, kumain kana" bumuntong hininga ako at binigay sakanya ang americana niya at kumain na ako..

Naiirita ako sa buhok ko at sa cap na ito, akmang tatanggalin ko ng mag salita ang ale "May kamukha ka hija.." agad ko ko ito muling sinuot at yumuko

"Misis ko.. tara na. Salamat ho" agad niya akong hinawakan sa kamay.. kaya hinayaan ko siya.

Pumasok na ako ng sasakyan at nakahinga ng maluwag.

"Ayos kalang ba miss Williams?"

"Bakit moko tinatawag na misis?"

"Alangan namang tawagin kitang miss Williams--"

"Kahit na." Nag iwas nako ng tingin at tinignan ang oras 7:20 na.. mabuti nalang at nag simula na siyang mag drive.

Mabilis kaming nakarating sa school, pinag buksan niya ako ng pintuan kaya agad din akong lumabas. "Miss Williams" liningon ko siya at lumapit siya sakin "Wag kang gagalaw lalagyan kolang ng gamot ang labi mo" bago pako makapag salita ay hawak hawak na niya ang gilid ng labi ko at linalagyan yun ng kung ano "ayan.." bulong niya at tinignan ako, ilinayos niya muli ang buhok ko at iginilid iyon sa tenga ko, tinabig ko ang kamay niya.

Marahan akong lumapit na ikinagulat niya kaya unti unti siyang nag lalakad patalikod "Esteban, alamin mo ang lugar mo. Sinong nag bigay sayo ng permisyo upang hawakan ang labi at buhok ko?!" Inis kong singhal.

"S-Sorry.. Miss Williams" napayuko ito at marahas ako napa buntong hininga

"Ayokong makikita na ikaw ang mag dra-drive sakin, sabihin mo kay mang Irnesto na bumalik na siya. Masyado kang pakielamero.. Esteban"

Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon