Ilang araw ang lumipas at nag simula na siyang maging cold, masyado siyang tahimik. At mabuti nalang hindi rin ako sinasaktan ng aking mga magulang, siguro ay napagod na sila
Papunta nako sa parking lot para mag lunch ng makita kong nag sisigarilyo siya, hindi ko pinansin ang ginagawa niya at kumain sa loob ng sasakyan
"Esteban.." liningon niya ako at walang kareaksyon reaksyon ang mukha niya "Gisingin moko.." tumango lang siya
Nagising ako ng may marinig na kumatok. Agad akong bumangon at binuksan ang pintuan. Ika ika akong nag lakad ngunit mabuti nalang at naayos ko narin ang pag kalakad ko, daredaretso ako habang papikit pikit ng
*Bump*
That scent. Napatingin ako sa taas "Celestine" naka mask nanaman siya at may glasses pa. Hindi ko tinanggap ang kamay niya.
Dito rin nag aaralang isang yun? Napailing ako at naalala ang sinabi niya. Magagawa niya ba talaga ang mga yun? Mabilis akong nag lakad palayo at mabuti nalang ay hindi ako nalate
Huminga ako ng malalim at umupo sa upuan ko..
Spencer.. Saunders..
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. At muling dumilat at nakinig na sa teacher.
Lumipas ang mga oras at ng uwian ay minabuti konang mag lakad pabalik sa parking lot "Celestine.." nangunot ang noo ko.
"Ihahatid na kita" hindi ako umimik at linampasan siya.
"Celestine.." hindi ako umimik at tinignan si Esteban na nag sisigarilyo nanaman.. lumingon siya sakin at agad na nangunot ang noo niya at lumapit.. agad niyang hinarang si Spencer kaya napalingon ako
"Celestine.."
"Stop bothering miss Williams" tinignan lang ng masama ni Spencer si Esteban
"Celestine let's talk--"
"Tigilan mo na." Mariin na sabi ni Esteban
"Esteban, tara na."
Pinag buksan ako ni Esteban, at umikot na papunta sa driver's seat. "Kanina paba kayo ginugulo ng lalaking yun?"
"Hindi naman"
"Bodyguard mo ko, kaya dapat sinasabi mo kung ginugulo kana ba nung kung sino. Ayokong masasaktan ka miss Williams" napalingon ako sakanya at nag simula na siyang mag drive, hindi ako nakatulog sa byahe.
Napabuntong hininga ako ng pag buksan na niya ako ng pintuan nag taka ako ng makitang nasa gilid ko parin siya. Akmang mag sasalita ako ng unahan niya ako "Kumain kana muna miss Williams, at lulubayan na kita"
"Ano bang paki mo?"
Bumuntong hininga lang siya at hinila ako papasok sa kitchen. "m-miss Celestine.. wala pong pag kain d-dahil akala n-namin hindi kayo k-kakain"
"It's okay, I'm not hungry--"
"Umupo ka" nangunot ang noo ko at tinignan ng maigi si Esteban
"Ipag luluto kita" usal niya
Narinig ko ang yabag ng aking ina. Agad akong napayuko "Esteban. Bakit ka naririto?"
"Ipinag luluto kopo si miss Williams ng pag kain"
"Napaka bait mo naman saaking anak." Nakita ko ang masama niyang titig kaya mas nanahimik ako. Napahinga ako ng maluwag ng hindi na muling umimik si mama at umalis na..
Natapos ang pag luluto ni Esteban at pinag masdan ko ang mukha niyang pawisan, namumula ng kaunti ang pisngi niya dahil na siguro sa init. Kahit man naninigarilyo siya ay mapula parin ang mga labi niya, kitang kita mo ang adams apple niya.. kahit man naka suot siya ng suit ay kita mo ang ganda ng katawan niya--
"Kumain kana.."
Tumango ako tinignan muli siya, nakita kong nakatitig siya sa labi ko dahilan para matigilan ako.. napalunok ako ng mag katitigan kami muli..
"Pag katapos mong kumain gagamutin uli natin yang labi mo, pati narin ang iba mong sugat--"
"Wala ako.. ibang sugat--"
"Nag dudugo ang pala pulsuhan mo at bumabakat iyon sa tela." Nakagat ko ang labi ko at yumuko dahil hindi ko na kayang makipag titigan pa sakanya "H-Hindi naman masakit"
Umupo siya sa harap ko at pinag ka tititgan ako. "Kumain kana miss Williams"
"Ikaw b-ba?"
"Bakit? Gusto mo ba ng kasabay--"
"W-Wala akong sinabi.."
"Sige, kakain din ako" gusto long ngumiti pero pinigilan ko, first time ko mag karoon ng kasabay na kumain. Itlog lang yun pero nakakatuwa na.. pero pinili kong hindi ipakita ang saya na aking nadarama.
Tahimik kaming kumain kaya lumunok ako, nasaktan ba siya sa sinabi ko? Kaya siguro sa mga nakalipas na araw.. "E-Esteban.." hindi siya umimik "S-Sorry.." tinignan ko ang mga mata niya at kanina pa pala siya naka titig..
"Ayos lang.. miss Williams"
Napayuko ako at nag patuloy sa pag kain.. ng makatapos ay hinugasan ni Esteban ang mga platito at inutusan akong huwag na munang umalis.
Kumuha siya ng upuan at inilapit ito saakin, umupo siya sa gilid ko "Harap sakin miss Williams." Humarap ako sakanya at naramdaman ko ang pag didikit ng hita ko sa hita niya, ang malala ay naka palda pako.. pero hindi ako nag react
(Gets niyo ba, diba nakaawang ng kaunti yung legs ni Estaban sa gitna nun andun yung right leg ni Celestine, tas yung left leg niya nakadikit sa other leg ni Esteban)
Marahan niyang hinahaplos ang gilid ng labi ko na nakaawang ng kaunti.. tinignan niya ako ng diretso sa mata at animo'y may kung ano siyang gawin "B-Bakit?"
"Wala.." usal nito at tumingin uli sa labi ko dahilan para mamula ang pisngi ko "Akin na ang pala pulsuhan mo" ilinahad ko ang left arm ko at tinaas niya ang sleeves ko.. marahan niyang hinawakan ang mga laslas dun.. "Wag monang gagawin tong muli miss Williams.." muli siyang tumingin sa mga mata ko at seryoso na ito. Nasanay ako sa makulit na Esteban pero sa nakalipas na araw lagi na siyang cold. "Ayokong nasasaktan ka miss Williams" ginamot niya na ang pala pulsuhan ko.. at ng matapos ay tumayo na siya at inayos ang upuan
"Good night miss Williams"
"G-good night.. E-Esteban" ang sama sama ko sakanya pero eto siya, tinutulungan ako.
Nag tungo nako sa kwarto ko at huminga ng malalim..
Muling pumasok sa isip ko si Spencer.. siguro nga.. matutulungan niya ako