Chapter Seven

155 18 11
                                    

~~♥~~

YANA'S POV...

Kakatapos lang ng fansign at nasa dressing room na kaming lahat. Tahimik parin at walang nagsasalita. Si Jimin at Jungkook ay abala sa paglalaro sa cellphone nila. Samantalang si Jin oppa at JHope oppa ay abala sa pagkukwentuhan.

Napalingon naman ako sa dalawang lalake na nakaupo sa harap ng vanity mirror habang nagpapatayan sa pamamagitan ng pagtitinginan.

Biglang tumayo si Namjoon oppa, "Tara sa bahay? Libre ko pagkain!" Pagiimbita ni RM oppa.

Nabasa ko agad ang intensyon niya at tumayo din ako. "Tara! Masaya yun!" Sigaw ko.

Sinenyasan ko naman sina Jungkook at Jimin na magsalita para hindi tuluyang magpatayan si Suga at V.

"A-Ah, Oo! Gusto ko yan!" Agad na sabat ni Jimin at sumunod sina Jin oppa at JHope oppa.

"Tara na!" Sigaw ko at hinatak ko na si V palabas ng dressing room samantalang si Jimin naman ang humatak kay Suga.

Nakatayo na kaming lahat dito sa parking lot at nagdedesisyon kung anong gagawin. Bigla akong sinundot ni RM oppa at tumabi siya akin.

"U-Uhh... Guys! Bili muna kami nina Yana at V ng drinks hah? Diba alam niyo naman kung nasaan yung unit ko?" Sabi bigla ni RM oppa. Na-gets ko agad siya. Hinatak ko naman ang braso ni V na ipinagtataka niya.

"A-Ah oo! Bibili muna kami. Sige mauna na kami." Sabi ko at nginitian ko nalang sila para hindi mahalata.

Sumakay na kaming tatlo nina RM oppa sa kotse at nagdrive na si RM oppa papuntang convenient store.

Kailangan naming paglayuin muna si V at Suga. Papalamigin muna namin yung dalawa para naman hindi sila tuluyang magpatayan.

Nakarating na kami sa convenient store at dumiretso sa pagpipilian ng drinks. Hanggang ngayon ay nakakunot parin ang mga noo ni V sa inis.

Linunok ka nalang ang hiya ko at agad ko siyang inakbayan. "Hoy! Last time na nakita ko ang mukhang yan, nung binasted pa kita a!" Sabi ko.

Patayin niyo na ako...

Sa dinami dami ng pwedeng sabihin! Bakit 'yon pa?! Wow, Yana! Ang laki ng tulong nun a! Kabobohan level 999999!

Agad kong tinanggal ang akbay ko nang maramdaman kong hindi siya nagreact sa sinabi ko. Instead, napabuntong hininga lang siya. Liningon ko si Rm oppa at sinesenyasan niya akong ipagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

Kinagat ko nalang ang labi ko sa sobrang nerbyos. "U-Umm... Gusto mo ng sprite?" Kinuha ko sa loob ng ref yung sprite at iniharap sa kanya.

"Alam ko paborito mo 'to!" Ngumisi ngisi ako na parang bata at napangisi ko din siya. Sa wakas!

"Ayan! Dapat ganyan! Pangit mo kaya kapag naka-busangot ka. Akala mo naman pasan mo ang mundo." Pangaasar ko. Napatawa lang siya at kinuha yung sprite sa kamay ko.

"Ikaw nga dipa bumubusangot, pangit na." Asar niya pabalik. Ayun! Huli ka! Hayaan ko nalang muna siyang asarin ako. Atleast, napapatawa ko ang bestfriend ko.

Medyo puno na yung basket na hawak ni V kaya dumiretso na kami sa counter.

Sumakay na kami ng kotse at dumiretso sa condo ni RM oppa. Pero nasa labas palang kami ng condominium building, nahagilap na ng mata ko ang isang colorful na store. Agad akong tumakbo papunta roon at tama nga hinala ko!

"Ice cream!" Sigaw ko at dumiretso na sa loob ng Ice cream store. Narinig ko naman ang mga yapak nina V at RM oppa mula sa likod ko.

"Yana! Ang dami na nating nabiling snacks kanina." Reklamo ni V. Si Rm oppa naman, kinakamot lang yung batok niya at tinatawanan kami.

My Secret You | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon