~♥~
YANA'S POV...
9:44 pm.
Bumaba na kaming lahat sa sasakyan nang makarating kami sa resort. Binaba na nina Manager at Jungkook yung mga bagahe kaya nagsipasok na kami sa resort.
Dumiretso kami sa counter para kunin yung mga susi ng kwarto namin.
"Yana, right?" Turo sa akin ni Jiwoo. Tumango nalang ako.
"Lika na. Share tayong tatlo nina Zeira ng room." Tawag niya sa akin ng naka-ngiti. Madali din palang pakisamahan si Jiwoo. Parang si JHope oppa lang.
Sumakay na kaming lahat sa elevator. Samantalang, si RM, Zeira, Manager at Jungkook ang naiwan. Nahuli kasi silang bumaba.
"Saang floor kayo?" Tanong ni V sa amin.
"7th floor." Sagot ko. At pinindot na niya yung number 7.
Medyo natahimik na ako dahil kasama ko na naman si Suga dito sa elevator. Hindi naman siya malapit sa akin pero hindi lang ako kumportable.
Lalo na yung... nangyari kanina.
Bumukas na yung pintuan ng elevator at lumabas na kaming lahat. Magkatabi lang pala yung room nina Suga sa room namin.
Una ng pumasok si Jiwoo sa kwarto at susundan ko na sana siya nang tawagin ako ni V.
"Yana." Tawag niya. Napalingon ako sa kanya.
"Goodnight." Ngiti niya at nginitian ko nalang siya pabalik.
Pumasok na ako sa kwarto at nadatnang nagaayos na si Jiwoo ng mga damit niya sa cabinet.
"Share na tayo ng bed, Yana. Buntis kasi yung isa, baka mamaya masiko pa natin yung tiyan niya." Sabi ni Jiwoo. Tumango nalang ako sa kanya.
"Ganyan ka ba talaga katahimik? Kasi base on JHope oppa's kwento, we're similarly madaldal daw." Natatawang tanong ni Jiwoo. Napangisi ako sa tanong niya. Madaldal nga talaga si Jiwoo.
"Inaantok lang." Sagot ko. Biglang pumasok si Zeira at sumalampak sa kama na parang wala sa mood.
"Nangyari dun?" Bulong ko kay Jiwoo. Nagkibit balikat lang sa akin si Jiwoo at nagpatuloy na sa pagaayos ng damit niya.
"Zeira, ayos ka lang? Mukhang wala kang gana ah." Tinabihan ko siya sa kama at tinaas niya ang ulo niya para lingunin ako.
"I'm fine." Sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako.
"Basta kung may problema ka, andito lang ako. Andito lang kami." Sagot ko nalang. Hindi man buwan ng Marso ngayon, we, women still have to empower each other.
Tumango nalang si Zeira at natulog na kaming tatlo. Sino pa bang katabi ko kundi si Jiwoo.
KINABUKASAN...
Pinipilit gisingin ni Jiwoo si Zeira dahil ang itong gisingin. Mamaya baka kasi malipasan ng breakfast, makakasama sa baby niya.
"Bumangon ka na kasi jan!" Pagrereklamo ni Jiwoo.
"Eonnie! Bumangon ka na jan. Magbebreakfast na tayo." Sabi ko at automatic siyang bumangon. Gutom na siguro.
"Hintayin niyo ako! Sabay na tayo magbreakfast!" Sabi nito at kumaripas na ng takbo sa banyo para maghilamos.
Bumaba na kami ng kwarto after naming mag-ayos at dumiretso na sa dining hall ng resort.
Nadatnan naming kumakain na yung Bangtan at bago pa man kami makapasok, may apat na ibang imahe ang nakita kong naka-upo sa di kalayuang table.
BINABASA MO ANG
My Secret You | m.yg
Fanfiction[UNDER REVISION] "Senior Citizen." "Sadako." -SG. "Dwarf ni Snow White." "Kamag-anak ni Kokey." -SG. "Matandang magilagid." "Mukhang langaw." -SG. "Kakambal ni Satanas!" "Oh, thanks for the compliment." -SG. "AaaArgh!!!" Si Yana at Suga magbabati...