A/N:
This is brought to you by Jeju Island. Charrot!!! Gusto ko lang po ipakita yung interior ng Jeju para ma-imagine niyo kung saan, at ano ang itsura ng setting ng estoryang ito! ;*
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●~♥~
YANA'S POV...
Paggising ko sa umaga, napangiwi agad ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
Ow.
Bumangon ako at nadatnan kong wala na sa kwarto si Jiwoo at si Zeira. Inabot ko yung cellphone ko sa bedside table at chineck ang oras.
9:07 am.
Ang late ko nagising. Bakit ba kasi ako uminom ng soju kagabi?! Dapat kasi hindi sila nagbebenta ng soju di----
Bakit nga ba ako uminom...?
"Ssshhh*t." Pagmumura ko sa sarili ko nang magflashback lahat sa akin kung anong kabaliwan ang ginawa ko kagabi. I face palmed myself at sumigaw internally.
ISA KANG MALAKING KAHIHIYAN, HWANG YANA!
Napakagat ako sa mga kuko sa daliri ko at pinagsisihang sumama sa vacation na ito. To the point din na sana, nagtrabaho nalang ako at hindi sumama!
Napahawak ako sa labi ko ng bigla at naramdaman kong pumapawis na naman yung mga kamay ko.
Binasted ko ulit si V kagabi, nilasing ko pa yung bangtan at ang pinakamalupit sa lahat... hinalikan ko si Suga.
F*ck my life.
Pinagpapawisan akong nakatayo ngayon sa harapan ng pintuan na papuntang main hall. Siguradong magkikita na naman kami ni Suga.
Nanginginig ang mga kamay kong itinulak ang pintuan pabukas. Nadatnan kong naka-upo si Jiwoo sofa ng main hall at katabi niya si Jin oppa. Samantalang naka tayo si V habang umiinom ng bottled water at kausap naman ni Suga yung receptionist sa counter.
"Yana! Akala ko 'di ka na magigising e. Kaninang madaling araw pa kita ginigising." Pagrereklamo ni Jiwoo at hinatak ako para umupo sa tabi niya.
"Ano bang plano ngayon?" Tanong ko sa kanya. Busy si Suga sa counter at nakatalikod siya sa amin kaya maluwag luwag ang pakiramdam ko ng kaunti.
Teka lang...
Hindi ko naman kailangang maging awkward sa kanya diba? Hindi ko naman siya kailangang iwasan. Kasi in the first place, siya ang may kasalanan. Napaka-unpredictable niya at wala siyang konsiderasyon sa nararamdaman ko sa mga kinikilos niya. Siya ang lalake kaya siya ang dapat managot!
"Pupunta daw tayo sa isang Falls! Sama ka dapat hah?! Si Zeira kasi umalis ng maaga. Namasyal ata sila ni Rm." Sabi ni Jiwoo. Napatingin naman ako sa suot kong tsinelas, black denim shorts at loose gray tshirt.
"Sige. Pero magpapalit lang muna ako a? Ayokong umakyat ng kabundukan na puro sugat ang paa." Sabi ko at tumango agad si Jiwoo.
Saktong pagkatayo ko, humarap si Suga sa amin kaya nagtama ang tingin namin. Agad siyang umiwas ng tingin at ganon din ako.
Ano ba?! Bakit hindi ko maiwasang maging awkward?! Kagagawan mo 'to Yana e! Di mo nalang kasi dapat siya hinalikan!
Dali dali akong bumalik sa kwarto at pinalitan ang tsinelas ko ng comfortable black sneakers. Bumaba na ako agad at nadatnang nakatayo na silang lahat sa main hall at hinihintay.
"Let's go!" Sigaw ni Jiwoo at hinatak na ako palabas ng resort.
Sumakay na kaming lahat sa kotse para pumunta sa Jeongbang Waterfalls. Syempre, katabi ko sa loob ng kotse si Jiwoo at V. Si Suga ang driver at katabi niya si Jin oppa.
BINABASA MO ANG
My Secret You | m.yg
Fanfiction[UNDER REVISION] "Senior Citizen." "Sadako." -SG. "Dwarf ni Snow White." "Kamag-anak ni Kokey." -SG. "Matandang magilagid." "Mukhang langaw." -SG. "Kakambal ni Satanas!" "Oh, thanks for the compliment." -SG. "AaaArgh!!!" Si Yana at Suga magbabati...