Chapter Thirty Two

83 15 2
                                    

YANA'S POV...

"OOOOKAY!!!" Sigaw ko nang malamangan ko si Suga sa table tennis. Last game na 'to at 2:2 ang score.

Natalo ko siya sa billiards, at sa bowling. Samantalang natalo niya naman ako sa arcade at sa skate board racing. Last na ang table tennis at kung sino ang matatalo, lalangoy sa dagat ng hubad.

At wala ni isa sa amin ang may balak na matalo.

"Yah! Madaya ka! Sa akin mo ituro yung bola!" Sigaw ko dahil dinadaya ako ni Suga.

Tinatamaan niya kasi yung bola kung saan hindi ko abot.

"Hindi ako nandadaya. It's called strategy, babe." At kinindatan niya pa ako.

Napa-irap nalang ako sa hangin saka nagfocus sa laro. Kailangan kong manalo!

Matapos ang parang walang bukas na table tennis...

Ito na siguro ang pinakamalaking desisyon na pinagsisihan ko sa buhay.

"I love you, babe!" Pang-aasar ni Suga saka niya pinisil ang mga pisngi ko.

"Argh! I hate you!" Sigaw ko saka ako tumadyak.

Natalo ako...

Nakakainis! Bakit pa ako ang nakarma sa pusta ko?! Kailan pa naging magaling si Suga sa table tenis?!

Hindi na kami nag-aksaya ng panahon at dumiretso sa pinakamalapit na dagat. Bumaba na ako ng sasakyan at agad kong naramdaman ang lamig ng hangin sa dagat.

Kung sa Guinness World Record 'to, mananalo ako ng Dumbest Person Alive.

Nakatayo lang si Suga sa likod ko at nakabulsa ang mga kamay niya sa jacket niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay na parang sinasabing ano pa ang hinintay ko.

"Hubad ka na." Utos ni Suga na naka-ngisi. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Agad akong pumulot ng bato sa buhangin at ibinato iyon sa kanya. Iniligan niya ito saka tumawa.

"Tumalikod ka! Manyakis!" Utos ko sa kanya. Tumawa-tawa pa siya bago siya tumalikod.

Napakagat ako ng labi at nagdadalawang-isip kung gagawin ko ba 'to. Eh Kaso pusta 'to ih! At wala akong pustang inuurungan.

"'Wag kang sisilip! Pag sumilip ka, huling araw na ng buhay mo!" Pagbabanta ko. Narinig ko siyang tumawa at umiling-iling.

Napabuntong hininga ako ng malalim at dahan-dahang tinanggal ang jacket ko. Ngayon, yung panloob ko nalang ang suot ko at grabe! Nanginginig na ako sa lamig, paano nalang kapag nag-hubad ako?!

Tinanggal ko na yung tuck-in ng damit ko sa pantalon ko. Dahan-dahan ko itong itinaas at agad akong napapikit nang maramdaman ng tiyan ko ang lamig ng hangin.

Holy Yana! Parang akong nasa ref!

Pero bago ko pa man matanggal yung damit ko, napapitlag ako nang bigla akong binalot ni Suga ng yakap mula sa likod ko at binalot niya din sa akin yung jacket ko.

"Gutom na ako. Tara na." Bulong ni Suga sa tenga ko. Agad tumaas ang mga balahibo ko sa init ng hininga niya.

"P-Pano yung pusta?" Nagaalangang tanong ko. Ano ba?! Bakit biglang umiinit?!

"GUTOM-NA-AKO o baka naman gusto mong ikaw nalang ang kainin ko?" Pag-uulit niya na nakatanggap siya ng batok mula sa akin.

"Gusto mong ipakain kita sa pating, hah? Tara na nga!" Sabi ko at nauna na akong sumakay sa loob ng sasakyan.

SKIP...

Matapos kaming kumain, napagdesisyonan naming umuwi nalang at magnood ng disney.

Ilang beses akong pinilit ni Suga na mamasyal nalang dahil hindi siya fan ng movies pero the girlfriend is always right kaya wala siyang choice kundi sundin ang gusto ko.

I'm the boss!

"24 years old ka na pero nanonood ka parin ng disney." Sabi ni Suga habang inaayos yung cable ng TV.

"May sinasabi ka?" Tinaasan ko siya ng kilay at akmang babatuhin ng tsinelas kong panloob. Napabuntong hininga nalang siya at nginitian ako ng pilit.

Nagsimula na ang movie at wala pang sampung minuto, humihilik na ng malakas yung katabi ko.

Kinurot ko si Suga sa tagiliran na dahilan para magising siya sa sakit.

"Ow!" Sabi nito saka niya hinimas-himas yung tagiliran niya.

"Sabi ko manood. Hindi matulog." Sinamaan ko siya ng tingin. Napakamot lang siya sa batok at hinarap na ang TV.

Last day na nga lang namin dito sa Daegu tapos matutulog pa siya?! Magiging busy na naman siya at mawawalan na siya ng time sa akin tapos ganyan pa ugali niya?! Pasalamat siya at cute siya. Hmp.



••••••••••••••••

A/N:

Short update but made it anyways! So thank you for the patience lol! Super tagal ng panahon since nag-update ako. Namiss ko rin po si Yana hahahahaha at si Suga.

Anyways! Thank you for the 1k reads! Trully appreciate the effort and support you poured on this book! Mwa ❤

My Secret You | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon