YANA'S POV...
SEOUL...
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung maka-uwi kami ni Suga mula sa Daegu. And as usual, full sched na naman sila.
Bilang girlfriend ni Suga, naiintindihan ko naman kung minsan hindi siya nagrereply sa mga messages ko. Eh ikaw ba naman magkaroon ng Jowang sikat? Aba, pasensya ang kailangan. Lalo na't nakatago yung relationship namin sa public.
"Ngumiti ka nga! Ang pangit mong sumimangot!" Pagrereklamo ni Jiwoo.
"Alam mo maging masaya ka nalang kasi nagpapractice sila para sa MAMA." Sabi ni Zeira.
"Buti nga ikaw, emcee ka sa MAMA. Nakikita mo lagi si Namjoon oppa." Pag-iirap ko kay Zeira.
Sana nga't artista nalang din ako para kasama ko din si Yoongi.
*ding!*
Napapitlag ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at chineck kung sino ang nag-message. Umaasang nangangamusta yung boyfriend ko.
———————————
From: Kris WuKamusta? Naka-uwi ka na ba, Yana~ssi?
———————————Napatingin ako kay Zeira at Jiwoo na abalang kumakain ng french fries dito sa sala ng apartment ko.
———————————
To: Kris WuOo. Naka-uwi na ako.
———————————Nakaramdam ako ng konting guilt sa ginagawa ko. Alam kong hindi na ako single pero wala naman sigurong masamang kaibiganin si Kris. Tsaka alam ko namang malinis yung intensyon niya sa akin.
———————————
From: Kris WuGanun ba? Free ka ba mamayang gabi?
———————————Napakagat ako sa labi nang mabasa ko ang reply ni Kris. Mali na yata 'to.
———————————
To: Kris WuOkay lang ba kung isasama ko yung boyfriend ko?
———————————Sa tingin ko naman walang schedule si Suga mamayang gabi at ayoko na ding maglihim sa kanya.
Wait...
Di naman ako naglihim diba? Hindi ko nga lang binaggit yung pangalan ni Kris.
Ilang oras pa ang lumipas bago nagreply si Kris ng 'Sige'. Busy din siguro 'to dahil artista siya.
SUGA'S POV...
Saktong pagpasok ko sa loob ng apartment ni Yana, naabutan ko siyang nagtutupi ng mga damit niya.
"Hi!" Ngiting bati ko at umupo sa sala.
Agad niya akong napansin at nginitihan pabalik. Parang nawala tuloy yung pagod ko nang makita ko yung ngiti ni Yana.
"Nagmeryenda ka na ba?" Tanong niya. Tumango nalang ako kahit ang totoo ay wala pa akong nakakain simula umaga.
BINABASA MO ANG
My Secret You | m.yg
Fanfic[UNDER REVISION] "Senior Citizen." "Sadako." -SG. "Dwarf ni Snow White." "Kamag-anak ni Kokey." -SG. "Matandang magilagid." "Mukhang langaw." -SG. "Kakambal ni Satanas!" "Oh, thanks for the compliment." -SG. "AaaArgh!!!" Si Yana at Suga magbabati...