SUGA'S POV...
Matapos ang mahaba-habang kainan, sinamahan ko na si Yana sa kuwarto niya na dating kwarto ni Kuya.
"Kwarto mo?" Tanong ni Yana nang umupo siya sa kama. Binaba ko naman yung maleta niya at tinabihan siya.
"Ani (No). Kwarto 'to ni Kuya." Sagot ko. Napatango lang siya at napatitig sa kawalan.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa tulalang itsura ni Yana. Ang cute niya talaga. Ang swerte ko.
"Bakit? Gusto mo ba akong makatabi?" Pagaasar ko saka ko siya kiniliti sa tagiliran.
Agad naman niya akong binatukan kaya napatigil ako sa pagkikiliti at napahawak sa ulo ko. Swerte nga ako, malas naman ako sa bigat ng mga kamay niya. Bayolente.
"Mangarap ka sa paniginip mo, Suga." At binelatan niya ako na parang bata. Natawa nalang ako sa sobrang kakyutan niya at may bigla akong naalala.
"A-Ah... Yana?" Napalingon sa akin si Yana at tinaasan ako ng kilay na parang sinasabing 'bakit?'
"Naaalala mo pa yung naglaro tayo ng Truth or Drink sa Jeju?" Tanong ko sa kanya. Bigla namang namula ang mga pisngi niya. Siguro una niyang naisip yung nagkahalikan kami.
"B-Bakit 'yon?" Tanong niya. Napabuntong hininga ako at hinarap siya ng seryoso.
"Diba... tinanong mo ulit ako ng Truth or Dare?" Tanong ko. Lalong namula ang pisngi niya at tumango nalang siya.
"Nung pinili ko yung Dare, pinilit mo akong halikan ka---"
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo. Hindi kita pinilit 'no! FYI, dare 'yon kaya inutusan kita. Magkaiba ang pinilit sa inutusan." Defensive na sabi ni Yana. Napangisi ako dahil sa sagot niya at sa sobrang pula ng mukha niya.
Jusko, ano bang kabutihan ang nagawa ko dati at pinagpala ako ng Diyos ng napaka-cute at gandang girlfriend?
"Basta nung pinili ko yung Dare, inutusan mo akong halikan ka. Pero curious lang ako sa isang bagay kaya dapat sagutin mo ako ng tapat, hah?" Tanong ko kay Yana at agad naman siyang tumango saka ako tinignan ng seryoso.
"Kung pinili ko yung Truth, anong tanong sana ang tatanungin mo sa akin?" Tanong ko.
Napapikit siya at napadilat ng ilang beses saka lumunok. Napatingin siya sa sahig at ibinalik ulit sa akin ang atensyon.
"Itatanong ko sana kung... kung..." Nararamdaman ko ang kaba ni Yana kaya hinawakan ko ang mga kamay niya at nginitihan siya.
"Kung?" Panggagaya ko.
"Kung ano bang meron si Lisa na wala ako at siya ang pinili mo." Sagot niya.
Parang bula na nawala yung mga ngiti sa labi ko at napatingin sa mga mata ni Yana na punong-puno ng lungkot.
Wala akong magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit.
"She's not better than you. She will never be better than anyone. She's just nothing. At ikaw... You mean everything to me, Yana. You're better than anybody else. Mahal kita and that's what makes you the best part of me." Bulong ko sakanya habang yakap yakap ko siya.
Napapikit ako saka ko ulit siya niyakap ng mas mahigpit.
Kahit pa kalaban namin ang mundo, kahit pa iwanan ako ng entertainment, kahit pa ibasura ako ng mga magulang ko. Si Yana ang buhay ko.
Halos sampung taon ko siyang naka-sama at ngayon ko lang na-realize na all this time, nasa tabi ko lang pala yung hinahanap ko. At hinding-hindi ko na sasayangin ang mga pagkakataong kasama ko siya dahil lang sa mga walang kwentang kasinungalingan.
"Ipangako mo sa akin. Ipangako mo na kahit paulanan tayo ng pagsubok, hindi ka bibitaw." Bulong ko sa kanya. Agad naman siyang tumanho at humiwalay sa yakap ko.
Nanlambot agad ang pakiramdam ko nang makita ko na namang basang-basa ng luha ang mga mata niya.
"Pangako." Sabi niya saka niya ako nginitian despite sa tumutulo niyang luha.
"Pangakong hindi din ako bibitaw." Sabi ko saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"I love you." Saka ko siya hinalikan na agad naman niyang tinugunan.
Cherry mint. Ang pinakamasarap na halik na ako lang ang makakatikim.
Pagkatapos naming mag-usap ni Yana sa kwarto ni Kuya, iniwanan ko na siya doon para makapag-ayos. Gusto ko pa siyang makasama e, kaso pinapalayas na niya ako dahil lang maliligo na siya. Huhu.
Sayang.
"Yoongi." Rinig ko. Napalingon ako sa terrace ng sala at nakita doon si Papa na naka-hawak ng kape. Alas singko ng hapon at nagkakape siya? Aish.
Napakamot nalang ako ng ulo at tinabihan siya sa terrace habng nakatayo. Syempre, masama parin ang loob ko dahil sa inasal niya at sa pagtatrato niya kay Yana kanina.
"Umamin ka nga sa akin." Ani ni Papa. Napalingon ako kay Papa at nakatingin lang siya sa kape niya.
"Saang lugar mo ba napulot yang babaeng 'yan? At ilan ba ang binayad mo para hut-hot siya ng hut-hot sayo?" Pagsisimula niya. Agad uminit ang dugo ko at napa-lock ang panga ko sa sobrang pagpipigil ko ng galit.
"O baka naman nabuntis mo siya at wala kang choice kundi makipagrelasyon sa kanya?" Patuloy pa niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap siya ng seryoso. Parang wala na akong natitirang respeto sa kanya.
"Ano bang nagawa ni Yana sa'yo, Pa? Meron ba siyang nagawa? Binastos ka ba niya? Ninakawan? Pinag-sungitan?" Nagtatakang tanong ko.
"H-Hindi... pero---"
"Wala naman pala e. Sana kung gaano niya kayo nirerespeto, ganun din sana ang pagrespeto niyo sa relasyon namin. Mahal ko si Yana, Pa." Sabi ko na dahilan para mapatikom ang bibig ni Papa.
"And if you think that Lisa is better than her, sana inisip niyo rin na hindi bobo ang anak niyo para pumili ng mas cheap kesa kay Lisa." Pagpapatuloy ko. Halatang galit na rin si Papa at masamang nakitingin sa akin.
"Kung talagang concerned kayo sa love life ko, kilalanin mo si Yana ng maigi and I will consider breaking up with her kung may makitang kahit isang mali lang sa kanya." Sabi ko saka ko na iniwanan si Papa doon.
Kailangan kong umalis dahil kung hindi, baka masasapak ko ng 'di oras ang sarili kong ama. Pasalamat siya at may konting respeto pa akong natitira.
●●●●●●●●●●●●●●●●
A/N:
Short update pero keri na 'yan! Anyways, gusto ko lang sabihin na YOONMIN Shipper na po ako. Although Taekook parin ang paborito ko pero YOONMIN is lifeu.
YOONMIN ♥♥♥
BINABASA MO ANG
My Secret You | m.yg
Fanfiction[UNDER REVISION] "Senior Citizen." "Sadako." -SG. "Dwarf ni Snow White." "Kamag-anak ni Kokey." -SG. "Matandang magilagid." "Mukhang langaw." -SG. "Kakambal ni Satanas!" "Oh, thanks for the compliment." -SG. "AaaArgh!!!" Si Yana at Suga magbabati...