~♥~
SUGA'S POV...
"Lisa! Sandali!" Hinablot ko ang kamay ni Lisa na pasakay sa kotse.
"Suga, I've had enough of that girl! She's crazy!" Sigaw ni Lisa nang hinarap niya ako.
"Give it a time. Ganyan din si Zeira at Yana dati. They started off as enemies." Pagpapaliwanag ko. Pero hindi ko maikukumpara ang level ng pagaaway ni Zeira at Yana sa pagaaway ni Lisa at Yana ngayon.
"No, Suga! It's either you get rid of that trash or I'll get rid of her myself. At hindi mo magugustuhan kapag ako ang gumalaw!" Pagbabanta ni Lisa. Kilala ko si Lisa at alam kong kaya niyang gawin ang mga sinasabi niya.
"Huwag kang gagawa ng kalokohan. Kapag ginalaw mo siya, hindi ako magdadalawang isip na tapusin kung anong meron tayo." Pagbabanta ko rin. Hindi ko pwedeng i-tolerate ang masamang ugali ni Lisa.
"Now your choosing her over me?! Wow, Min Yoongi! Nung nagbreak tayo, halos magpakamaty ka na sa pagpipilit mo sa aking balikan ka. And now you have the guts na makipag-break sa akin?!" Sigaw ni Lisa.
"Time changes people, Lisa. Ang daming nangyari after ng break up natin. Don't expect me to be the same guy na nagpakatanga sayo at iniwan mo 4 years ago." Sagot ko. Napatawa naman siya ng sarcastic na parang pinilit na ewan.
"Time changes people, huh? Well, guess what? I've changed too. Hindi ako basta basta nagpapatalo sa mga piputchuging basura! That girl will get her karma at kung hindi man siya masampal ng karma, it would be an honor for me." Sabi ni Lisa. Napabuntong hininga naman ako ng maluwag.
"Lisa, tama na. Kulang nalang magpatayan kayo. And you're fighting over me for no reason at all! Kaya utang na loob, itigil mo na yan." Sabat ko.
"For no reason? She clearly likes you, Suga! Bulag ka ba?! Do you see her face na nagseselos sa tuwing magkasama tayo? And on top of that, she hates me for being your girlfriend." Ani ni Lisa. Gusto ako ni Yana? Imposible yun.
"Kung ano mang dahilan ang pinagmulan ng away niyo, fix it. Seryoso ako sa sinabi kong tatapusin ko ang relasyong 'to kapag ginawa mo ulit yung ginawa mo sa kanya kanina." Matalim na tingin ko kay Lisa.
"Gusto mo na din ba siya, Suga?! Are you in love with her now? Kasi pinagtatanggol mo siya sa akin. That clearly means na you're on her side instead on me." Sabi ni Lisa. Napa-facepalm naman ako. Bakit ba ang dadaldal ng mga babae?!
"Tama na----"
"Mahal mo ba ako, Suga?" Serysong tanong ni Lisa.
Natigilan ako at napatingin kay Lisa. Gustong gumalaw ng dila ko pero pinipigilan ako ng utak ko. Matutuyo na din yata ang bunganga ko dahil hindi man lang ako makapag-salita.
"Kita mo na? Mahal mo siya, Suga. Dati dati kapag tinanong ko sayo yung ganyang tanong, ang bilis mong sumagot, halos di mo pa ako mapatapos magtanong." Ani ni Lisa.
"I'm... I-I'm sorry." Yun lang ang tanging lumabas sa mga bibig ko.
All this time, totoo pala yung nararamdaman ko para kay Yana.
"I guess, eto na yung oras para maulit yung nangyari sa atin 4 years ago. Pero this time... ikaw ang pumili." Sabi ni Lisa na dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"At pinili mo siya." Kasabay ng mga salitang lumabas sa bibig ni Lisa ang pag-agos ng luha niya.
Masakit para sa akin na makita si Lisa na umiiyak, nasasaktan, at malungkot. Pero mas masakit para sa akin na hindi ko piliin ang magpapasaya sa akin.
"Bye, Suga." Pamamaalam ni Lisa at tuluyan na siyang umalis gamit ang kotse niya.
Walang duda... mahal ko na ang timang na yun.
YANA'S POV...
Kakatapos ko lang maligo at andito na ako ngayon sa apartment ko. Bigla namang nag-ring ang phone ko kaya inabot ko iyon sa bedside table ko.
"Yeoboseyeo? (Hello?)" Sagot ko sa tawag.
"Yana?! Buhay ka pa ba, gurl? Jusko, nabalitaan ko yung nangyari sayo!" Nakilala ko agad yung bises ni Zeira.
"Malamang, kung patay ako di sana nakikilamay ka na ngayon." Sagot ko. Tsaka OA na naman siguro pagkakakwento ni Jiwoo kay Zeira.
"Naku, girl! Baka mamaya hindi lang sabunot aabutin mo sa babaeng yun. Napaka-harsh!" Ani ni Zeira.
"Nageexpect naman ako ng mas malala, Zei. Kahit ipa-ambush pa niya ako, 'di ako magpapatalo." Sagot ko. Narinig ko naman ang pabuntong na paghinga ni Zeira.
"Jusko Yana, mag-ingat ka. Mahirap awayin ang mga Ex. Tignan mo ako, retarted na dahil jan sa ex girlfriend ni myloves!" Reklamo naman ni Zeira na dahilan ng pag-tawa ko.
"Nakita ko pala yung ultrasound mo! Naku, nakakagigil! Parang gusto ko nang hatakin palabas yang sanggol mo tsaka ko pigain ng yakap!" Gigil na sabi ko.
"Gaga! Basta ikaw ninang hah? Kayong dalawa ni Jiwoo!" Excited na sabi ni Zeira at napatango naman ako. As if na nakita niya kaya sumagot ako ng 'oo'.
Binaba na namin ang tawag at blinower ko na yung buhok kong nalagyan ng mantika. Buti nga't effective sa grease tong shampoo'ng prinopromote ng Blackpink. Atleast may isang katotohanan tungkol sa kanila.
*ding-dong*
Natigilan ako nang may mag-doorbell sa pintuan ko. Agad kong chineck ang oras at magaalas dose na ng gabi. Sino namang baliw ang pupunta sa apartment ko ng gantong oras?
Siguradong hindi ang Bangtan dahil alas otso palang, nagsisiesta na sila. At hindi rin ang land lady dahil next week pa naman ang bayaran.
Hindi kaya... magnanakaw?! Budol budol?! Kidnapper?!
Dahn dahan akong naglakad papuntang front door. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang taong nakatayo sa harapan ko ngayon.
Bakit siya...
"S-Suga?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakatayo siya sa harapan ko at naghahabol ng hininga. Tumakbo ba siya?
"Bakit ka nandito? Anong ora---"
Naramdaman ko nalang ang paglalapat ng mga labi namin habang hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko na parang isang fragile na delivery box.
Nagsimulang gumalaw ang mga labi ni Suga na parang gutom na hayop. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang iwasan yung mga halik niya. Yung mga labi niyang ubod sa lambot at pula.
Jusko, nanghihina na ang tuhod ko sa pagsasayaw ng dalawang labi namin. Para akong nakalutang sa langit.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari nang ipasok niya ako sa kwarto ko habang hawak hawak ang mga bewang ko at naghahalikan kami na tila wala nang bukas.
Sana nga talaga hindi na mag-umaga kung si Suga lang din naman ang kasama ko buong gabi.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
A/N:
Just normal Min Yoon Gi in the multimedia ♥
BINABASA MO ANG
My Secret You | m.yg
Fanfiction[UNDER REVISION] "Senior Citizen." "Sadako." -SG. "Dwarf ni Snow White." "Kamag-anak ni Kokey." -SG. "Matandang magilagid." "Mukhang langaw." -SG. "Kakambal ni Satanas!" "Oh, thanks for the compliment." -SG. "AaaArgh!!!" Si Yana at Suga magbabati...