Chapter Thirty One

105 13 4
                                    

YANA'S POV...

Kakagising ko palang ng umaga at agad ko nang nakita ang mukha ni Suga na nakatitig sa akin at napalawak ng ngiti.

"Umagang-umaga sinisira mo araw ko, eh!" Pagrereklamo ko saka ko binalot ang sarili ko sa kumot.

Hindi ko naman mapigilang mangiti sa loob ng kumot dahil buong-buo agad yung araw ko nang makita ko si Suga.

"Bumangon ka na jan. Nagluto na si mama ng almusal." At biglang hinatak ni Suga yung kumot ko na parang hinubaran ako.

Nagtama ang tingin namin. Nakatayo na si Suga ngayon hawak hawak yung kumot ko at naka-bulsa naman sa sweatpants niya yung isang kamay niya.

"5 minutes? Please?" Pagmamakaawa ko with aegyo. Syempre para effective.

"Hindi pwede. 10am na, Yana." Sabi ni Suga saka binitawan yung kumot ko.

"Argh!" Padabog akong bumangon at dumiretso sa banyo.

Napangiti ako agad nang ma-realize kong ito na yung pinaka-maagang gising ni Suga tuwing wala siyang schedule. At dahil sa akin yun! Mainggit kayo!

Pagkatapos na pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko doon yung Mama at Papa ni Suga na naguusap.

Nahiya tuloy ako kaya tatalikod na sana ako para umalis pero tinawag nila ang pangalan ko.

"Yana?" Rinig kong tawag ng Mama niya. Dahan dahan akong napalingon sa kanila saka ako ngumiti.

"Goodmorning po, Tita." Pagba-bow ko. Nagtama naman ang tingin namin nung Papa niya kaya agad ko din siyang binati.

"G-Goodmorning po." Bati ko sa papa niya.

Hindi ako tanga para hindi ko mapansin na ayaw ako ng papa ni Suga. Kaya awkward kapag tinawag ko siyang Tito.

"Halika, kumain na tayo." Tawag ng mama niya saka ako hinikayat na umupo.

Napakagat naman ako sa labi at napatingin sa paligid para hanapin si Suga. Asan na ba ang lalakeng yun?! Bakit niya ako iniwan dito?!

"Naligo lang saglit si Yoongi, hija. Susunod rin siya." Nakangiting sabi ng Mama niya. Napangiti nalang ako pabalik at tumango.

Nakayuko akong naglakad at umupo sa dining table. Mahirap na, baka mamaya duguan na ako dahil sa matatalim na tingin ng Papa niya.

"Ayaw mo ba ang niluto ko, Yana? Ipagluluto kita kung---"

"Ah hindi po! Masarap po ang luto niyo, Tita." Pagpuputol ko.

Hindi kasi ako makakain ng maayos dahil nararamdaman ko ang pagtitig ng Papa ni Suga sa bawat galaw ko.

"Yana?" Agad akong napalingon nang tawagin ako ng Papa niya.

"Po?" Sagot ko agad. Napabuntong hininga siya saka ulit ako tinignan.

"Pasensya ka na sa inasal ko kahapon. Hindi ko lang kasi maiwasang mag-alala para sa anak ko. Ayokong namang... mapunta siya sa iba ng basta-basta." Sabi nito. Napayuko nalang ako at tumango.

Atleast nag-sorry.

"Ako nga po dapat ang hihingi ng pasensya. Naiintindihan ko naman po iyon. At pasensya po kung naka-abala ako sa inyo." Sabi ko. Umiling-iling naman silang dalawa sa akin.

"Hindi ka abala sa amin, hija. Sa katunayan nga, gustong-gusto naming magkaroon ng babae sa pamilya. Eh itong asawa ko kasi, masyadong na-attach kay Lisa kaya pagpasensyahan mo nalang." At napahawak sa kamay ko ang Mama ni Suga.

"Naiintindihan ko po." Ngiting sabi ko. Nginitian namin nila akong dalawa pabalik.

Wala nang mas sasaya pa sa pagtatanggap nila sa akin. Lalong lalo na't magulang sila ni Suga.

"Ma, nawawala yung bomber jacket ko. Saan mo nilagay?" Nagkakamot sa ulo na dumating si Suga saka umupo sa tabi ko.

"Nilagay ko sa kwarto ng Kuya mo. Akala ko kasi kay Yana iyon dahil suot-suot niya nung dumating kayo dito." Sabi ng mama ni Suga. Tumango nalanh si Suga at nagsimula nang kumain.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagprisintang naghugas ng pinggan. Syempre nung una, ayaw ng mga magulang niya pero ako ang pinakamapumilit na nilalang kaya wala na silang nagawa.

Dumiretso na ako sa kwarto para magpalit ulit. Sabi kasi ni Suga, mamamasyal daw kami. Hindi niya sinabi kung saan dahil surprise daw.

Habang nagbibiyahe kami papuntang 'si-Suga-lang-nakakaalam', hinawakan ni Suga ang mga kamay kong nakakubli sa lap ko.

"Sabi ko sayo e. Gusto ka ni Papa." Ngiting sabi ni Suga habang diretso parin ang tingin niya sa daanan.

"Mas gusto ako ng Mama mo." Pagaasar ko naman.

"Mas masipag at mas mabait daw ako sayo." Patuloy ko. Imbes na asarin din ako ni Suga, hindi siya kumibo at tinawanan lang ako.

"Andito na tayo." Sabi ni Suga nang itigil niya ang kotse at nag-park sa isang building.

Bumaba na kaming dalawa ng kotse saka tumayo sa harap nung building.

"Arcade? Really?" Taas kilay kong tanong kay Suga.

"Bakit? Hindi naman masamang mag-arcade a. Tsaka hindi lang 'to arcade, may indoor sports at games din sa loob." Sabi ni Suga.

"Gaya ng?" Tanong ko at nagsimula na akong pumasok sa building.

Pagpasok ko palang, rinig mo na ang ingay ng mga gamers sa arcade area at hindi din gaanong crowded sa skate boarding area.

"May computer games, may indoor skate boarding, may billiards, may bowling, at may table tennis." Sabi ni Suga saka tinuro isa-isa yung mga tinutukoy niya.

Napatango nalang ako in satisfaction. Nanirahan ako dito sa Daegu for 6 years dati pero hindi ko man lang 'to alam. Infairness, maganda tong surprise ni Suga.

"Anong gusto mong unahin?" Tanong ni Suga saka ako inakbayan habang pinagmamasdan ang paligid.

Humiwalay ako sa kanya saka ko siya hinarap.

"Pustahan muna tayo." Confident kong sabi na ipinagtaka ni Suga.

"Sigurado ka? You wan't to make a bet with me? Bibigyan muna kita ng isang chance para pag-isipan ulit yan." Pagloloko ni Suga. Agad akong umiling at binatukan siya.

"I'm serious." Diretsong tingin ko kay Suga. Tumango lang siya at tinignan ulit ako.

"Ano naman ang pusta mo?" Tanong ni Suga at agad akong napangisi.

"Kung sino ang matatalo sa limang larong 'yan..." Tinignan ko ng diretso si Suga para bigyan siya ng takot.

Pero imbes na mag-nerbyos siya o matakot, tinignan niya lang ako na nagkukunot ang noo.

"Maliligo sa dagat ng naka-underwear lang." Sabi ko.  Agad namang nanlaki ang mata ni Suga.

"Seryoso ka? Sa ganitong panahon? 7°C ang temperatura sa labas, Yana. Balak mo bang magpakamatay?" Tanong ni Suga.

"Babe, it's only 7°C. Hindi iyon enough para makapatay ng tao. And besides, naka-hubad naman kaya convenient ang body heat." Tumango-tango pa ako. Umiling-iling lang siya at tinignan ako na parang baliw.

"I'm sure wala sa atin ang gustong gawin 'yon. Kaya tara! Unahin natin yung computer." Sabi ko saka ko hinatak si Suga sa arcade area.

"Baliw ka na." Sabat ni Suga nang umupo siya sa harap ng computer na katabi ko lang.

"Siguro." Sabi ko saka ko siya kininditan.

Hindi kumpleto ang date na 'to kung walang halong kalokohan.

●●●●●●●●●

A/N

Malapit ko nang I-publish yung Series #4 ni Kim Taehyung guys. Abang-abang ;)

My Secret You | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon