SUGA'S POV...
"Salamat sa paghatid." Sabi ni Lisa nang makarating kami sa Dorm nila.
Nginitihan ko siya pabalik, "Wala yun. Mas mabuti nga't hinatid kita keysa maulit na naman yung paga-ambush sainyo ng mga fans." Ani ko.
"Gusto mo bang pumasok muna? Gusto mo ng maiinom? May kape kami sa loob." Pagiimbita niya pero umiling ako.
"Hindi na. Gabi na rin kasi tsaka... hindi ko pa nakikita si Yana pagkarating ko dito." Sagot ko.
Nawala ang ngiti sa labi ni Lisa saka nalang siya tumango. Pilit siyang ngumiti sa akin saka sinabing,
"Ingat ka, Yoongi." Pamamaalam niya saka niya ako biglang niyakap. Nagulat ako ng bahagya sa kilos niya kaya hindi ko siya yinakap ng pabalik.
Humiwalay na siya sa yakap namin at pumasok na sa loob ng dorm niya.
Simula nang dumating kami galing Japan, nakatanggap ako ng text sa members ni Lisa na na-ospital daw siya dahil pinagkaguluhan siya ng mga fans. Kaya agad akong nadatnan ng pagaalala at dumiretso sa ospital para ihatid si Lisa pauwi.
At pakiramdam ko, mas lalong bumibigat ang kasalanan ko kay Yana.
Imbes na sakanya ako dumiretso, si Lisa ang inuna ko. Siguro naman maiintindihan ni Yana ang lahat dahil mas kailangan ako ni Lisa.
YANA'S APARTMENT...
Excited akong bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa pintuan ng apartment ng girlfriend ko.
Sobrang miss na miss ko na siya at hindi ko na mapigilan ang sarili kong pigain siya ng yakap.
Nang makatayo ako sa harap ng pintuan niya, huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.
At halos gumuho ang mundo ko sa nadatnan ko.
Naghahalikan si Taehyung at si Yana.
"Yah! Kim Taehyung!" hindi ko mapigilan ang mapasigaw kaya napapitlag ang dalawa.
Napalingon sila sa akin at nanlaki ang mga mata ni Yana. Pero hindi ko na namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa harap nila saka ko kwinelyuhan si Taehyung.
"Halika rito, gag* ka!" Hindi ko na napigilan ang mga kamay ko at hinatak ko si Taehyung palabas ng apartment niya saka ko siya tinulak palabas na dahilan para mapahiga siya sa damuhan.
"Hyung! Nagkakamali ka ng-"
"Pinagkatiwalaan kita, Taehyung!" Hindi ako nakuntento sa galit ko kaya nilapitan ko ulit siya at di ko namalayang napadugo ko ang labi niya sa suntok ko.
Sa tatlong beses kong suntok.
"Suga! Ano ba! Tama na!-" Sinubukan akong pigilan ni Yana pero parang blanko na ang utak ko. Naitulak ko si Yana sa pintuan na dahilan para mapa-upo siya sa sahig.
"Sabi mo wala ka nang nararamdaman sa kanya! Sabi mo okay lang sayo! Sabi mo masaya ka para sa amin! Eh ano 'to?!" At sinapak ko siya ulit na halos mapaupo siya sa damuhan.
"H-Hyung... Hindi ko intensyong saktan ka-"
"Hindi mo intensyon?! Eh ano yung nakita ko?! Halos naguubusan kayo ng laway sa sala kanina!" sigaw ko.
"A-Ano?!" Nakakunot ang noo ni Yana na nakatingin sa akin.
"Huwag kang magkunwaring wala kang alam! Isa ka pa! Ginusto mo naman! Ano, masarap ba?! Mas magaling ba siya sa akin?! Sabihin mo ang totoo! Pinaglalaruan niyo ba ako?! Plinano niyo ba to?!" Sigaw ko ulit, halos mapaos na din ako.
BINABASA MO ANG
My Secret You | m.yg
Fanfiction[UNDER REVISION] "Senior Citizen." "Sadako." -SG. "Dwarf ni Snow White." "Kamag-anak ni Kokey." -SG. "Matandang magilagid." "Mukhang langaw." -SG. "Kakambal ni Satanas!" "Oh, thanks for the compliment." -SG. "AaaArgh!!!" Si Yana at Suga magbabati...