Chapter Eleven

135 19 10
                                    

YANA'S POV...

Uminat-inat ako ng maigi sa kama at bumangon. What a nice day! It's Saturday! Ano kayang pwedeng gawin? Ah! I have to go to spa today! This is it, Yana! Makaka-relax ka na din sa wakas!

Lumabas na ako ng kwarto para magluto. Paglabas na paglabas ko ng kwarto ko, para akong nabagsakan ng libu-libong timba ng yelo dahil sa nakita ko.

"Good morning!" Nakangiting bati ni Jin oppa habang nagbabasa ng magazine sa sofa.

"Noona, nagzuzumba ka pala!" Sabi ni Jungkook habang ginagaya nilang dalawa ni V yung zumba instructor sa TV.

"Ubos na pala yung kape mo, Yana. Eto na yung last scoop." Sabi ni JHope oppa habang humihigop ng kape sa paborito kong tasa na kulay purple!

Napatingin ako kay Suga na walang ibang inaatupag kundi mag-twitter habang nakahiga sa sofa.

Hindi pa ako nasisikatan ng araw, sira na ang araw ko!

Nanghina yung mga binti ko at napa-upo ako sa sahig. Hindi ko pa nasisimulang magrelax, mukhang masusubok na naman ako.

"Tumayo ka na jan! Pupunta ulit tayo kela RM hyung." Sabi ni Jimin na kalalabas lang galing kusina at may hawak na chichirya.

Napatayo ako at napakunot ang noo ko.

"Akala ko ba may schedule kayo?" Nagtatakang tanong ko. Ngumisi lang silang anim sa akin. Ewws, parang mga manyakis. Gwapong manyakis.

"Binigyan kami ni PDnim ng 2 months vacation bago namin sisimulan yung World Tour namin." Masayang sagot ni Jin oppa. Ah... so, kailangan ko munang mag-tiis ng 2 months bago ako makakapagpa-spa? Ok, gets ko na.

"Ang saya... sobra." Nag-fake smile at nagfake-laugh nalang ako at dumiretso na sa banyo para maligo.

Ano bang kasalanan ang nagawa ko sa past life ko at nagsa-suffer ako ngayon ng ganito?

Lumabas na kami ng apartment ko at dumiretso sa condo nina RM oppa. Sana nga't meron na si RM oppa.

Pagdating na pagdating namin sa condo, pinagbuksan kami ni Jiwoo ng pinto na ipinagtaka naming lahat. Lalo na ako. Agad kong nakita yung mukha ni JHope oppa nang magtama ang tingin naman ni Jiwoo

Ito na yung pangalawa naming pagkikita. Laging kinukwento sa akin ni JHope oppa kung gaano kami kaparehas ng pagkadaldal at pananamit ni Jiwoo.

Nung una kaming nagkita ni Jiwoo, we're okay. Wala namang naging problema dahil never naman kaming nag-usap or nagpakilala sa isa't-isa. Pansamantala lang din kasi yung una naming pagkikita. Sa backstage kasi iyon at nag-goodluck lang siya kay JHope oppa bago sila nagperform.

"Oppa? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Jiwoo kay JHope oppa.

"Ikaw dapat tanungin ko. Sinong kasama ni eomma sa bahay?" Tanong ni JHope oppa.

"Malaki na si eomma, Oppa." Sagot lang ni Jiwoo at pumasok na kaming lahat.

Narinig namin yung boses ni RM oppa mula sa kusina kaya agad kaming dumiretso doon. Nadatnan naman naming nagaaway yung dalawa dahil binato ni Zeira yung pancake.

"Huwag!" Sigaw bigla ni Jungkook. Nagulat si Zeira at RM oppa dahil nakatayo na kami sa harapan nila.

"Bakit mo naman binato noona. Sayang huhu. Binigay mo nalang sana sa akin kung itatapon mo lang rin." Sabi ni Jungkook. Ang baboy na 'to talaga. Hindi na nabusog!

"Mas grabe pa pala sila sa magpinsan na sina Jin at Yana." Sabat ni JHope oppa at nakatikim agad siya ng batok mula sa akin at kay Jin oppa.

"Parang sina Suga hyung lang at Yana--- aray naman Yana! Hindi naman masakit eh no?" Sarkastikong sabat ni Jimin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Sige, magsalita pa siya. Hindi lang batok aabutin niya.

My Secret You | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon