Chapter Twenty

102 15 13
                                    

~♥~

YANA'S POV...

Kakatapos ko lang magluto at tapos na din mag-grocery yung dalawa. Samantalang si Jungkook naman, umalis. Ewan ko sa batang yun kung saan pumunta.

Dumiretso ako ng sala at nadatnan si V na nanonood ng TV. Pinapanood niya yung pelikula ni Zeira.

Speaking of that bruha, namimiss ko na naman sila ni Jiwoo. Dapat pala nag-salon nalang kaming tatlo ngayon. Kaso baka busy din sila sa mga sarili nilang buhay.

"Asan si Jimin?" Tanong ko kay V. Umupo ako sa tabi niya at inagaw yung chichiryang hawak niya.

"Nagvi-Vlive." Sagot ni V. Tumango nalang ako at nanood.

"Nag-usap na ba kayo ni Suga hyung?" Tanong bigla ni V. Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa TV habang ngumunguya ng chichirya.

Ano sasabihin ko?! Oo o Hindi?! Baka kung 'oo' ang isagot ko, itatanong na naman niya sa akin kung ano. At baka mag-away na naman sila dahil hindi ako pinapansin ni Suga. Kung 'hindi' naman ang sagot ko baka kausapin ni V si Suga. Magmumukha pa akong sinungaling.

"A-Ahh..." Hindi ako makasagot! Pucha naman oh! Biglang humarap si V sa akin at tinignan ako ng diretso na parang naghihintay ng sagot.

"Oo naman. Palagi naman kaming naguusap." Casual na sagot ko. Kalma! Baka makahalata si V!

"Ano namang pinagusapan niyo?" Kumunot ang noo ni V. Heto na nga bang sinasabi ko e. Hindi ako makakalagpas sa tsismosong 'to.

"Mga bagay-bagay." Sagot ko at naglagay ng chichirya sa bunganga ko.

"Be specific." -V. Wow! Nakakagulat naman yung english niya? Porener! Dumugo ilong ko don!

"Mga bagay bagay, mga ano... mga... alam mo na. Lagi namang walang kwenta yung pinaguusapan namin ni Suga kaya 'wag ka nang magtanong." Sagot ko. Sana naman, umubra!

Nagkibit balikat lang siya at nanood ulit. Nakahinga naman ako ng maluwag at maginhawa.

"Ano palang balak niyo bukas sa birthday ni Suga?" Tanong ko kay V.

"Sina Jin hyung na bahala dun. Bumibili na siguro si Hobi hyung at Jin hyung ngayon para birthday niya." Sagot ni V. Tumango nalang ako sa kanya.

Naalala ko tuloy yung ireregalo ko kay Suga. Hindi ko naman na siguro siya kailangang bigyan ng regalo. Baka itapon niya lang din. Hindi ko naman kasi afford magbigay ng Gucci, LV, Chanel, Ralph Laurent, Ferragamo, or kahit ano pa jan.

Linapitan ko si V at yinakap ko siya. Halatang nagulat siya sa kinilos ko pero isinubsob ko nalang yung mukha ko sa dibdib niya. Baka makita pa niya akong umiiyak.

"Oh, gwaenchanha? (Are you okay?)" Tanong niya at niyakap ako pabalik.

Umiyak na ako ng husto sa dibdib niya dahil sa wakas, natauhan na din ako.

"Nakakaiyak naman yang pelikula ni Zeira." Sabi ko sa gitna ng paghihikbi ko. Mas hinigpitan pa ni V ang yakap niya saka niya hinaplos ang buhok ko.

"Manahimik ka at umiyak ka nalang." Sabi ni V saka ko naramdaman ang mga labi niya sa noo ko. Hindi talaga ako makakalusot sa pagpapanggap pagdating kay V.

Siguro nga oras na din para bigyan ko ng chance ang sarili ko para I-appreciate si V. Although, ayaw ko pang makipag-relasyon, pero hindi ko na irereject yung pagmamahal na ibibigay niya sa akin.

Nagdecide na din akong umuwi pagdating nina Jin oppa. Gusto ko na ding magpahinga e.

KINABUKASAN...

My Secret You | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon