!WARNING!
Madaming pictures, load-load/connect sa wifi din bes ;)~♥~
YANA'S POV...
Nakatayo kami ngayon dito sa labas at hinintay na lumabas si Zeira at Rm.
"Manager Oppa, salamat sa van at sa kotse hah?" Tinapik ko sa balikat yung Manager ng BTS. Mas close ko pa ata siya kesa sa mga Bangtan e.
Sa wakas, lumabas na rin si Zeira at RM oppa. Sila JHope oppa naman at Jungkook ang naglagay ng mga bagahe sa likoď ng van.
"Dinala mo ba buong apartment mo? Ang bigat nito a." Pagrereklamo sa akin ni JHope habang binubuhat yung maleta ko.
Eh one week daw kami sa Jeju kaya dinala ko na halos kalahati ng wardrobe ko. Mahirap na, baka maubusan pa ako.
Nagkibit balikat nalang ako at humarap kay V.
"San ka sasakay?" Tanong ko sa kanya.
"Sa kotse. Magkakasama kami nina JHope hyung at Jimin doon." Sagot niya. Tumango nalang ako as a response.
"Ayusin mo nga yang bestida mo." At biglang hinatak ni V pababa yung dulo ng dress ko.
"Ang OA mo. Ang haba na nga neto." At inagaw ko nalang sa kanya yung bestida ko pabalik.
"Lez gow!" Sigaw ni Jiwoo at sumakay na siya sa Van.
"Sige, sakay na ako." Pagpapaalam ko kay V at nagngitian lang kami bago kami naghiwalay. Pinagmasdan ko nalang si V na sumakay sa kotse at kinawayan ko siya.
"Yana! Tara na!" Tawag sa akin ni Jin oppa at sumakay na siya sa loob ng Van. Ako nalang pala ang 'di pa nakakasakay.
Pagpasok ko sa loob ng Van, nadatnan kong nagaagawan ng pwesto si Jin oppa at Suga sa one seater na upuan.
"Nauna ako!" Pagrereklamo ni Jin oppa na parang bata.
"Ayoko ng may katabi." Reklamo naman ni Suga.
"Your problem, not mine." Pangiirap ni Jin oppa at ipinikit na niya ang mga mata niya.
Umupo nalang ako sa two seater na upuan at linabas ang cellphone ko para magearphones. Wala na kasing ibang upuan dahil na-occupy na ni Jungkook yung isang seater na upuan at si Zeira at Rm naman ang magkatabi sa two seater.
Biglang umupo sa tabi ko si Suga.
"Bakit ba kasi ang dami-daming bagahe dito." Bulong ni Suga sa sarili niya.
[A/N: Heto po yung seating arrangement nila para di po kayo malito XD]
BINABASA MO ANG
My Secret You | m.yg
Fanfiction[UNDER REVISION] "Senior Citizen." "Sadako." -SG. "Dwarf ni Snow White." "Kamag-anak ni Kokey." -SG. "Matandang magilagid." "Mukhang langaw." -SG. "Kakambal ni Satanas!" "Oh, thanks for the compliment." -SG. "AaaArgh!!!" Si Yana at Suga magbabati...