Stare II

6.4K 421 68
                                    

Owe no one anything, except to love each other, for the one who loves another has fulfilled the law

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Owe no one anything, except to love each other, for the one who loves another has fulfilled the law.
~Romans 13:8

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ikalawang Kabanata

MAGHAHATING gabi na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Napagpasyhan kong tapusin na ang pag-e-edit ng social experiment. In our group, Sixth of Ace, I am the editor. 

Each of us has a role. Mayroon nga kaming kasabihan na 'We work as one'. Sea games lang ang peg. Lahat ay kikilos, lahat ay magkakaisa. 

Sa isang grupo hindi pwede 'yung isa o dalawa lang ang gagawa. Dapat lahat kayo. And we believe that team work is the key to success.

Si Alextair Pythos 'Stair' Monteasul, ang aking kambal. Siya ang 'Madiskarte' sa grupo. Kapag mayroong mga technical problems sa vlog, siya ang bahala rito. And sometimes he helps me with editing our vlog.

While Keister Amadeus 'Keist' Yakama, he's our 'Financier'. Kapag kinapos ang grupo sa pera, siya na ang sumasagot sa kulang. Ayos lang naman ito kay Keist because he's rich and his parents were very supportive to him in terms of vlogging.

And Titus Axle 'Axti' Meneses ang lalaking laging may regla, maarte daig pa ang babae, moody, sa madaling salita nakakainis ang ugali niya. Ngunit kahit ganun ang kaniyang ugali, siya ang 'Leader' ng grupo. Siya lang ang may kaya na pasunurin kaming lahat.

Si Aeralyn Keisha 'Aera' Alianza, siya ang pinakamaliit at sobrang kulit sa grupo. Aera was the 'Problem Solver' of our group. Kapag may issue si Aera ang gumagawa ng paraan upang mawala ito.

And then, Asterisk Colene 'Coast' Favilla, she's the 'Handler' of the group. The chubby girl. Kidding. Siya ang taga-promote, post and taga kalat ng mga videos namin sa iba't ibang social media applications. At siya rin ang promotor na maging 'Vloggers' kami.

Lastly, Alexeidrine Praise 'Xeidrine' Monteasul, of course me, just like what I said, I am the editor. Ang pinakamasipag at pinakamatiyaga 'raw' sa grupo. Hindi raw kasi nila kayang mag-edit ng mga photos and videos na kinakailangan sa vlog. Kaya nila nasabi 'yun.

Habang nag-e-edit, na-realize ko na ang bawat tao ay mayroong pagkakaiba sa pakikipag usap, gawi at ugali. Even we have differences we cannot change the fact that we're all made by God.

Mayroong taong hindi nakikipag usap sa hindi nila kakilala, mayroon din namang kahit hindi pa lubusang kilala ay pinagkakatiwalaan kaagad.

Nang in-e-edit ko na ang parte ko, pinanuod ko kung paano ako niligtas ng lalaki. Napatingin ako sa nameplate na nahulog niya. Ito lang ang tanging impormasyon na meron ako sa kanya. Binasa ko ulit ang nakalagay dito.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon