Final Stare

2.7K 52 45
                                    

Whatever has come to be has already been named, and it is known what man is, and that he is not able to dispute with one stronger than he

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Whatever has come to be has already been named, and it is known what man is, and that he is not able to dispute with one stronger than he.
~Ecclesiates 6:10

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

AFTERWORD

NANG mamatay ang aking mga magulang halos pagsakluban na ako ng langit at lupa. Mabuti na lamang nasa tabi ko ang aking kakambal at mga kaibigan upang ako'y damayan.

Tuwing ako'y nalulungkot at mayroong mabigat na pinagdaraanan, nandiyan din sila para sa akin. Kinaya ko dahil hindi ko naramdaman na nag-iisa ako sa aking buhay.

Tunay nga ang kasabihan na 'Ang tunay na kaibigan ay palaging nandiyan sa anumang oras at panahon.'

Kahit na minsan ay kami'y nagkakalabuan, naayos din naman ito kinalaunan.

Mas naging masaya pa ako nang nadagdagan ang aking kaibigan at sandigan sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

Isa sa mga taong ito si Nash. Ang lalaking mayroong kakaibang abong mga mata. At mahilig siyang magsuot ng long sleeves.

Akala ko noong una ay hindi ko siya makakasundo. Lalo na't tuwing nakikita ko ang kaniyang mga abong mga mata, nagugulumihanan ako.

Subalit isang araw nabigla na lamang ako na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. Nagiging espesyal ang mga araw kapag kasama ko siya. Ang lahat ng aking problema ay gumagaan dahil sa kaniya.

Ang kaniyang mga corny na banat, siya sa aki'y nagpapasaya. Noon, wala na akong mahihiling pa kung hindi ang maging masaya kaming dalawa.

Nang umamin siya sa akin na ako'y gusto niya, hindi maibsan ang aking nadaramang saya. Pero sabi nga nila, ang kaligayahan ay may kapalit na kapighatian.

Nang pagtagpuin ulit kami ng tadhana ni Nash pagkaraan ng pitong taon, nanumbalik muli ang sigla sa aking puso. Akala ko ay bumalik siya para sa akin, para maituloy na namin ang naudlot naming pagmamahalan... subalit hindi pala.

Ilang buwan na ang nakakalipas nang ipakilala niya ang kaniyang mapaang-asawa. Si Micaiah.

Kahit buwan na ang nagdaan, sariwa pa rin ang sugat na kaniyang iniwan sa aking puso. Ang hiling ko lang ay matanggap na ang katotohanan ng aking sarili.

Kahit na hindi ko pa rin lubos maisip na ang lalaking minahal ko ng lubos ay siya pa lang dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang.

Sadyang mapaglaro ang tadhana. Pinagtagpo lamang kami ng Panginoon ngunit hindi kami ang para sa isa't isa...

"Xeidrine, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Sike sa akin pagkasakay namin ng kaniyang kotse.

Tumango ako ng tipid at tumitig muli sa kawalan. He started the engine at he did not remove his stare at me.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon