Stare XXXVIII

1.2K 49 51
                                    

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.
~Romans 8:28

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Tatlumpu't Walong Kabanata

"HI Architect Monteasul," bati niya sa akin habang mayroong dalang sanggol.

I cannot believe what's happening. Lahat ng taong nawala noon, siyang bumabalik ngayon. Pinaglalaruan yata ako ngayon ng tadhana.

"Mommy Aunt!" sigaw ni Thalene.

Nang makalapit siya sa gawi namin, agad binigyan ni Quias ng isang mabilis na halik si Milk. My eyes widened when I saw that.

"You two are..." hindi ko makapaniwalang wika.

"Yep, we're married, last year and he's our baby." Milk said and she's showing her wedding ring and their baby.

"He's Nicolace Quer," pakilala naman ni Quias.

Halos malaglag ang aking panga. Ni minsan kasi ay hindi ko naisip na sila ang magkakatuluyan. I thought Milk likes Nash. But now, Quias and her were in front of me.

Ang daming nangyari  sa loob ng pitong taon at hindi ko ito inaasahan. Sadya ngang hindi mo mapepredikta ang hinaharap dahil maraming nababago paglipas ng panahon.

Sumulyap ako sa anak nilang dalawa. Agad naman niya akong ngitian. Napakagaslaw niya at nakakatuwa siya.

"Such a cute baby," I said.

"Sperm ko 'yan eh." pagkasabing pagkasabi nito ni Quias, agad siyang binatukan ni Milk.

Napatawa ako rito. Mahangin pa rin pala siya. Paano kaya siya natiis ni Milk? Biro lang.

"Kailan pa kayo uma-attend dito? Ngayon ko lang kasi kayo nakita rito." I asked.

I've been here at our church for five years and I don't see them. Kaya nga nakakabiglang makikita ko sila rito ngayon.

"Two weeks ago? Kakabalik lang kasi namin dito galing US."

Napatango naman ako. Nagkumustahan pa kaming tatlo nang hindi namin iniinda ang nakaraan. Tapos naman na ito, ayoko na ring balikan.

Masaya akong nakita ko ulit sila kahit na medyo hindi naging maganda ang samahan namin. Lalo na sa parte naming dalawa ni Milk.

"May lakad ka ba ngayon Xeidrine? Kung gusto mo, sumabay ka na sa aming mag-lunch," usal ni Milk.

"Sige na. Na-miss kita Xeixei," pilit pa ni Quias.

Tatanggi pa sana ako sa kanila ngunit mapilit silang dalawa. Sa bandang huli, napapayag din nila ako. Besides, wala naman akong lakad ngayon.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon