Stare XIV

1.7K 80 6
                                    

So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.
~

Isaiah 41:10

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Apat na Kabanata

"ANAK ikaw nga!" nasasabik na sambit ni Tito Nike at niyakap niya ang kaniyang anak. Bakas sa mukha ni Nash ang pagkabigla.

Maging ako ay nagulat sa pangyayari. Napakaliit ng mundo. Hindi ko akalain na ang lalaking tumutulong sa amin at ang matapat na kaibigan ng aking mga magulang ay tatay pala ni Nash.

"Ang tagal nating hindi nagkita," wika pa ni Tito na nanggigilid na ang luha.

Alam kong mayroong anak si Tito Nike ngunit hindi ko pa ito nakikilala. Noong araw na dapat papakilala niya ito sa amin ay nangyari nga ang sunog sa mall. Ang sunog na halos gabi gabi ay binibigyan pa rin ako ng bangungot.

Mula noon wala nang nabanggit si Tito Nike tungkol sa anak niya. Kaya pala pamilyar ang apelyido ni Nash na Waquin sa akin, kasi kay Tito Nike mismo nanggaling ito. How can I forget that?

"I don't know what to say..." may bakas pa rin nang pagkabigla na saad ni Nash.

Nag-iwas siya ng tingin sa kaniyang ama at napadako siya sa akin. Napalunok ako ng ilang beses nang magtama ang aming mga mata ni Nash.

Napakamot din ako ng ulo dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang awkward ng sitwasyon at para bang hindi ako nararapat pang manatili sa harapan nilang dalawa. Kaya naman napagdesisyunan kong magpaalam na sa kanilang dalawa.

"Ahhmm... Maiwan ko muna po kayong dalawa ni Nash. Mukhang kailangan n'yo pa pong mag-usap. Salamat po rito."

Gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko muna ginawa. Mukhang ang tagal kasi nilang hindi nagkita at alam kong kailangan nila ng oras upang makapag-usap.

"Bye Tito Nike! Bye Nash." Kumaway ako sa kanilang dalawa sa huling pagkakataon at tuluyan na silang iniwan.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NANG dumating ang araw ng Linggo, gaya ng dati ay sumamba kami ni Bal. I need to ask God for His guidance on our midterms and cluster meet. Aaminin ko, kabado ako sa darating na mga event, ngunit alam kong hindi ako pababayaan ng Panginoon.

Pagkaraan ng preaching ng aming Pastor ay nagkaroon kami ng life group. Pumunta kami sa kani-kaniyang grupo upang magkamustahan.

I saw Ate Natrix waving at me, so I go to her side. Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ang dalawang linggo. She looks like blooming today.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon