Stare III

5.1K 358 41
                                    

Therefore, be careful how you walk, not as unwise men but as wise,~Ephesians 5:15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Therefore, be careful how you walk, not as unwise men but as wise,
~Ephesians 5:15

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ikatlong Kabanata

"WOW. Ang sarap yata niyan Bal?" Sabay amoy ni Stair sa niluluto ko. Tanging white sando at school pants lamang ang suot nito dahil kakalabas lang niya sa banyo.

I was preparing our breakfast when he was taking a bath. Today is our first day of school.

Ito ang unang pagkakataon na papasok kami sa eskwela na wala na 'yung nakasanayan naming bumubungad na amoy ng sinangag galing sa kusina. Wala na rin ang kapares nitong mainit na kape na gigising sa aming diwa. At higit sa lahat ay wala nang sumalubong sa amin na malalapad na ngiti galing sa aming mga magulang tuwing umaga.

Pinakahihintay lagi nila ang unang araw ng pasukan namin. Sabi ni Mama, ito raw ang isa sa pinakaimportante at pinakaespesyal na araw sa isang mag-aaral.

Bakit? Sapagkat ito ang unang pagkakataon na makakakilala ka ng mga bagong tao na magiging parte na ng iyong buhay.

"Sus! Nambola pa nga. Scrambled eggs with potatoes lang naman 'to! Kumain na nga tayo," saad ko at inihain na ang pagkain. Umupo si Bal sa akin at sumulyap.

"Huwag mong ma-lang lang iyang luto mo. Tandaan mo iyan ang paborito nila Papa." My twin was right. Scrambled eggs with potatoes was my father's all-time favorite ulam.

Naging paborito itong ulam ni Papa dahil ito raw ang kauna-unahang ulam na niluto ni Mama noong kinasal sila. I missed them so much. Kapag naaalala ko sila hindi ko maiwasan ang malungkot.

"Oh, wag ka ng sumimangot diyan. magagalit lalo sila Papa kung ganyan mukha mo. Kumain nalang tayo."

Ngumiti naman ako ng tipid. Gaya ng sinabi ni Stair ay kumain na kami at naghanda para pumasok.

Binilisan namin ang kilos sapagkat ayaw naming mahuli ngayon unang araw ng pasukan. Malaki pa man din ang West Wood Academy at baka maligaw pa kami.

"Bal, ako na mada-drive nang hindi tayo malate. Akin na ang susi," prisinta ko. Binigay naman niya ito at hindi na umangal.

Alam kasi ni Stair na kapag siya ang nag-drive male-late kami. Mabagal siyang magpatakbo ng motor kasi takot siyang maaksidente.

Hindi tulad ko na daig pa ang race car driver sa bilis. Kidding. Hindi ako 'yung kaskaserong driver, mas mabilis lang talaga akong magdrive kaysa kay Stair. Minsan nga iniisip ko na ako talaga ang lalaki sa aming dalawa at si Bal ang babae.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon