Stare VIII

2.4K 160 16
                                    

"Joyful are people of integrity, who follow the instructions of the Lord

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Joyful are people of integrity, who follow the instructions of the Lord. Joyful are those who obey his laws and search for him with all their hearts. They do not compromise with evil, and they walk only in his paths."
~Psalm 119: 1-3

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Walong Kabanata

KINABUKASAN, pumasok kami ni Bal ng maaga sapagkat mayroong meeting ang bawat tribe ngayon. At election na rin ng mga officers, mapa-tribe o classroom man.

Ito ang sistema sa West Wood, sabay-sabay ang election. Sa hapon lamang kami may klase. Ngayong umaga ay puro botohan lamang ang mangyayari.

Alas-siyete pa lamang ng umaga nang nakarating kami ni Bal sa silid ng Azure. Kaunti pa lang ang tao dahil 7:30 pa ang start ng meeting. Pinag-attendance kaagad kami pagkapasok namin ng Tribe.

Pagkatapos noon ay umupo kami ni Bal sa isang sulok malapit sa bintana at aircon. Perks of being early, ikaw lagi ang may pagkakataong pumili ng pwesto mo. Nagkwentuhan muna kaming dalawa since matagal pa ata bago mag-start ang election.

"Bal, nakapagdesisyon ka na ba? Lilipat ka pa ba ng strand?" Tanong sa akin ni Stair.

"I think I have a decision already. I won't leave STEM," tugon ko sa kaniya.

Buong gabi ko itong pinag-isipan at halos hindi na nga ako nakatulog dahil dito. Napagdesisyunan kong hindi na mag-shift ng ABM because I think mas mahihirapan pa ako kapag lumipat pa ako. Kailangan ko pang humabol sa mga lessons nila sa mga specialized subjects.

Isa pa ang sinabi ni Nash na I need to chase my dream and I cannot leave my classmates anymore. Na-attach na ako sa kanila. Mahirap na ulit makahanap ng section na kasing solid nila.

"It was a good thing Bal. Saka, pasensya na at hindi kita nakausap tungkol diyan kagabi, nakatulog ako kaagad. Napagod ako kaka-practice." Nginitian niya ako.

"Wow. Bait mo yata ngayon Bal? May sakit ka ba?" pabirong tanong ko. Sobrang seryoso niya kasi ngayon.

I hate serious atmosphere between us. Maloko kaming pareho pero kapag nagseryo siya, its either nag-aalala siya sa akin or hindi niya gusto ang ginagawa ko.

"Porket seryoso may sakit na? Hindi ba pwedeng concern lang ang pogi mong kakambal?" Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Dumatin na rin isa-isa ang mga miyembro ng Azure. Kaya naman ay napatahimik na kami ni Bal at umayos ng upo.

Ilang sandali pa ay nag umpisa na ang election and Bal got a position. Sana all. Ako support lang sa kaniya. Hindi ko trip maging officer sa Azure eh. Marami kasing responsibilidad ang nakaakibat dito.

Hindi ko na nga mapagsabay ang pag-aaral ko at business namin.

Pagkatapos dumeretso kami sa mini forest upang kitain ang iba pang Sixth of Ace. Napagkasunduan namin na sabay sabay kaming pupuntang auditorium kung saan gaganapin ang election ng Alabaster, ang student council ng paaralan.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon