Stare XVI

1.8K 73 26
                                    

For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. 
~Jeremiah 29:11

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Anim na Kabanata

WE go to the hospital after I packed all my things. Nash came with me. While walking in the hospital hallway, we saw Aqui standing in the nurse station.

"Aqui!" I called him.

Hinanap niya kung saan nanggagaling ang boses. Nang makita niya ako, lumapad ang kaniyang ngiti. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako.

Ang higpit ng pagkakayakap niya at para niya akong pinipipi. Grabe si Aqui, anong nakain niya at ganito siya umakto?

"Praise! Na-miss mo ang gwapo kong mukha noh?" tanong niya at sabay papogi.

Hay nako, hindi pa rin siya nagbabago. Dalawang araw pa lang kaming hindi nagkikita, kala mo isang taon na sa kaniya. Saka, siya nga itong makayakap ng napakahigpit sa akin!

"Miss mo mukha mo," I hissed and rolled my eyes.

"I heard the news about your twin brother. Why you didn't tell me that huh?"

I forgot to tell him that! Wala na kasi akong ibang iniisip kung hindi ang mapabuti ang kalagayan ni Bal.

"You're not asking," sabi ko na lang.

"Ginaganyan mo na ako ngayon? Dalawang araw lang tayong hindi nagkita, ang laki na ng pinagbago mo." Wika niya na para bang nasasaktan.

Hindi na ako magtataka kung balang araw mag-artista na lang si Aqui. Ang hilig niyang umarte daig pa ang artista.

"Ewan ko sa iyo!"

He just mocked at me. Our conversation interrupted when we heard someone cough. I look behind and I saw Nash with his stare. I almost forgot that I'm with him because of Aqui.

Blanko lamang siyang nakatingin sa amin at mukhang naiinip na. Nginitian ko siya ng hilaw at nag-peace sign.

"Nash nandiyan ka pala pre! Hindi kita napansin."

"Yeah." Tipid na sagot ni Nash.

Inakbayan siya ni Aqui at ngumiti. Mukhang hindi komportable si Nash sa ginawa ni Aqui kaya naman inalis niya ang pagkaka-akbay nito.

"Bakit ka ba nandito Aqui?" I asked.

Imposible namang napadaan lang siya rito dahil nagtatanong siya sa Nurse Station kanina. Hindi naman sila close ni Bal upang bisitahin niya ito, pwera na lang kung ako ang sadya niya.

"Binibisita ka. Miss mo na yata ako eh."

"Hangin mo!"

I hit him with my bag. Mas kumapal 'ata ngayon ang mukha niya. Lalo rin siyang prumesko!

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon