Whoever goes about slandering reveals secrets, but he who is trustworthy in spirit keeps a thing covered.
~Proverbs 11:13. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .
Ika-Dalawampu't Anim na Kabanata
NANG sumapit ang bakasyon, naging abala kami sa pagba-vlog at sa t-shirt printing business namin.
Ganoon din si Nash, naging abala siya sa pagpa-part time job. Kailangan daw niya kasing makaipon ngayong bakasyon.
Halos wala na nga kaming oras sa isa't isa. Ngunit kahit ganoon ay nananatili kaming matatag. Mayroon naman akong tiwala kay Nash at alam kong hindi niya ako lolokohin.
Subalit hindi ko makakaila na parang nagbago siya nitong mga nakaraang linggo. Minsan na lamang kaming mag-usap at magkita. Lagi niyang sinasabi na busy siya sa trabaho. Inintindi ko na lamang siya.
Ang hirap ng sitwasyon naming dalawa. Pareho kaming kumakayod para sa ikabubuhay namin. Imbes na sulitin namin ang bakasyon na magkasama, puro kami trabaho upang makapag-ipon.
Wala naman akong problema rito, dahil para sa kinabukasan din namin itong pareho.
Parang isang pitik nga lang lumipas ang bakasyon at pasukan na naman. Sa wakas ay makikita ko na rin si Nash matapos ang ilang linggo. Wala siyang naging paramdam sa akin eh.
"That's all for today. Good bye STEM 12 - Beta!"
Nang nakalabas na ang aming guro, sumunod naman ang nga kaklase ko. It was already break time. So, I decided to approach Nash.
Hindi ako nagkaroon kanina ng pagkakataon na kausapin siya sapagkat muntik na kaming ma-late ng pasok ni Bal. Hindi namin narinig ang alarm ng cellphone. I miss Nash so much. Dalawang linggo na kasi ang nakaraan noong huli naming usap.
"Nash, what's up?" I said, but I think he didn't hear me because there's an earphone in his ear.
Kakalabitin ko na sana siya ngunit tumingin na siya sa akin. Nginitian ko siya ngunit dali-dali siyang lumabas ng room. Naiwan naman ako sa kinatatayuan ko. Para lang akong hangin na dinaanan niya.
Ni hindi man lang siya nagbitiw ng kahit anong salita. Ni hindi niya ako nginitian pabali. Parang nagbago na siya at hindi ko alam ang dahilan.
"Hoy Xeidrine. Bibig mo sarado mo, baka pasukan ng langaw," wika ng aking pinsan.
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Aera. I was pre-occupied because of Nash. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ako pinapansin ngayon ni Nash.
"Tara na sa canteen," aya niya.
Nagpatianod lamang ako kay Aera. Habang kami ay naglalakad, hindi ko maiwasan isipin kung mayroon ba akong nagawa kay Nash or what. Why does he ignore me?
BINABASA MO ANG
His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓
RomanceVLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology Engineering and Mathematics, that is what STEM stands for. In this strand, scientific information and mathematical equation matters. What i...