Stare XXV

1.2K 53 2
                                    

But the plans of the Lord stand firm forever, the purposes of his heart through all generations

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

But the plans of the Lord stand firm forever, the purposes of his heart through all generations.
~Psalms 33:11

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampu't Limang Kabanata

DAYS passed like a blur. Foundation week went so fast. Bukod sa pagbabantay ng mga booth, inubos ko ang aking oras sa paggawa ng Research. 

Malapit na kasi ang defense kaya kailangan ko nang maghanda. Mahirap na at baka magisa kami ng panelist. Si Nash ay nasa Regional Meet na ngayon at wala pa akong balita sa kaniya. Hindi pa niya ako tinatawagan.

One the second to the last day of foundation week, we watched Arts & Design play, where Axti belongs. He is performing even he gets hospitalized a few days ago. Axti was getting sick the past week. I don't know what's going on with him because he doesn't want to open up.

Today, the last day of foundation, we are watching the basketball game of Keist. Kahit na magkaiba kami ng strand at magkalaban ang team namin, siya pa rin ang aming sinuportahan. Oo na, mga taksil kami sa aming strand, pero loyal naman kami sa aming kaibigan.

Axti is not here with us. He needs to rest because he still sick.

Champioship game na ngayon at magkalaban ang HUMSS at Sports Track. Dahil laglag na ang mga strand namin, siyempre mas todo support kami ngayon kay Keist. Gumawa pa kami ng banner para sa kaniya.

Nag-edit kami ng picture niya kasama ang favorite basketball player which is Stephen Curry. Mayroon nakalagay ditong 'Go Keister Amadeus!'. Matino ang pagkakalagay namin dito, kaso hindi niya nagustuhan.

Mayroon nga siyang banner kasama si Stephen Curry, kaso ang mukha niya ay nasa bola. Oo na, malakas ang trip naming magkakaibigan.

"Flagrant foul for Yakama!" dinig kong sambit ng sports commentator.

Napatingin kaming magkakaibigan sa court. Nakita ko si Keist na kumakamot ang kaniyang ulo at namomroblema sa nangyari.

"One more foul from Yakama, he will be foul out on the game."

Pumuwesto na ang player na na-foul ni Keist sa free throw line at nag-umpisa na siyang tumira. Unang shoot nito at pasok kaagad, hiyawaan ang mga manunuod. Limang puntos na tuloy ang lamang ng Sports sa HUMSS.

Napabagsak ang aking balikat nang marinig ko ito. Mukhang ito ang dahilan kung bakit hindi maganda ang timpla ni Keist. Last quarter na ito at sana naman ay hindi na siya matanggal sa laro.

Wala kaming alam kung anong nangyayari sa kaibigan namin. Masaya naman namin siyang nakausap bago ang championship. Marahil ay napapagod lang siya kaya puro foul ang kaniyang nagagagawa.

"Go Keist! Go Keist! Go! Go! Go!" we cheer him up.

Napatingin naman siya sa gawi namin kahit sobrang ingay sa loob ng court. Nginitian niya kami at nag-thumbs up siya. Bumalik na sila sa paglalaro dahil natapos na ang free throw ng kalaban.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon