For they loved the glory that comes from man more than the glory that comes from God.
~John 12:43. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .
Ika-Labing Dalawang Kabanata
"FINALLY! We survived the Prelims!" masayang wika ni Aera.
Kakatapos lang ng last subject ng exam ngayon at nandito kaming magkakaibigan sa mini forest. Hindi ko masisisi si Aera kung bakit ganoon siya kasaya. Achievement na 'yun maituturing para sa amin. From hell week to heaven kumbaga.
"Nakakadugo ng utak ang CSS." reklamo ni Bal.
"Isama mo na 'yung Pre-Cal." dugtong ko.
"Pati 21st Century Lit, hindi lang utak ko ang dumugo, pati ilong." Keist said.
Naglabasan na kami ng sama ng loob sa mga subject namin upang gumaan ang aming loob dahil sa stress na binigay nila.
"Wow. Nagsagot ka ng exam Keist? Akala ko hinuhulaan mo lang." pasaring ni Coast.
Sa aming anim, si Keist kasi ang pinakatamad mag-aral. 'Yung tipong uunahin pa niyang mambabae at kumain kaysa magbasa ng libro.
"Ano ako si Madam Auring?" patanong na bwelta ni Keist.
Nagtawanan kaming lahat bukod kay Axti. Pinutol pa nga niya ang kasiyahan naming lima. Badtrip yata siya kanina pa.
"Ang ingay n'yo." Reklamo niya sa amin.
Kanina pa siya nakayuko sa table, masakit daw ang ulo niya. Hindi dahil sa exam kundi sa mga babae. Ang haba talaga ng buhok ni Axti.
Hindi namin siya pinansin at nag-iba kami ng topic. Wala naman siyang magagawa dahil hindi rin kami titigil sa pag-iingay kahit anong suway niya. Minsan lang kaming maglabas ng stress eh.
"Tara! Gala tayo. Since half day naman ngayon," aya ni Coast.
Isiningit niya ito sa gitna ng aming pagkukuwentuhan. Pasimple pa siya pero alam kong kanina pa niya kami gustong ayain.
"Ikaw talaga Coast puro gala ang alam," puna ni Keist.
"Ikaw nga puro kain at babae ang alam," pasaring naman nito.
"Sana all may alam," singit ni Bal.
Hindi ko na alam ang nangyayari sa mga kaibigan ko. Malala na ang tama nila sa ulo. Nabaliw na 'ata dahil sa prelims. Puro inisan ang nangyayari sa amin.
Sa bandang huli, napapayag kaming lahat ni Coast na gumala. Nahila na rin namin si Axti dahil gusto rin naman niyang makaiwas sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya.
"Sa Robinsons tayo, apos bumili nalang tayo ng pagkain sa supermarket," Suhestiyon ni Aera.
"At kainin sa food court." me and Bal said in chorused.
BINABASA MO ANG
His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓
RomanceVLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology Engineering and Mathematics, that is what STEM stands for. In this strand, scientific information and mathematical equation matters. What i...