And the world is passing away along with its desires, but whoever does the will of God abides forever.
~1 John 2:17. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .
Ika-Labing Walong Kabanata
"ANG boring naman!" reklamo ni Aera.
Nandito kami ngayon sa auditorium at kasalukuyang nakikinig sa speaker ng STEM Seminar. This seminar focused on what we'll gonna take on college.
Totoo naman ang sinasabi niyang boring talaga. Nakakaantok ang boses ng nagsasalita sa harapan at wala naman kaming magawa kung hindi ang makinig.
"Bili tayo ng pagkain dali. Nagugutom na ako," aya sa akin ni Aera at hinila ako patayo sa upuan.
Napakamot ako ng ulo. Hindi talaga mapakali ang aking kaibigan. Mabuti na lang at walang ang adviser at nakatinging guro sa gawin namin, kung hindi ay mapapagalitan kami.
"Aqui, bantayan mo muna upuan namin. Saglit lang kami," utos niya kay Aqui.
"May bayad serbisyo ko! Libre ninyo ako ng pagkain." Inirapan lang siya ni Aera at hinila ako palayo.
Tinatamad akong sumamang bumili ng pagkain ngunit hindi na ako nakapalag pa kay Aera, kaya sumunod na lang ako sa kaniya.
Mayroong nagbabantay sa pintuan ng auditorium ngunit naisahan ito ni Aera. Ang sabi niya ay magbabanyo lang kami ngunit sa canteen naman talaga ang punta naming. Ibang klase talaga 'tong kaibigan ko.
"Xei, birthday na bukas ni Aqui, may regalo ka na ba?" she asked and I just nodded as an answer.
Ang regalo ko kay Aqui ay isang scrapbook na puno ng mga epic and childhood pictures niya na hinalungkat ko pa sa baul. Ako kasi 'yung tipo ng tao na kapag nagreregalo, gusto ko 'yung ine-effortan ko.
Bukod dito, wala na akong pambili ng mamahaling regalo. Kaya dinadaan ko na lang sa effort ang lahat.
"Sana all! Mamaya pa lang ako bibili nung akin. May pa-party pa kasing nalalaman 'yung lalaking 'yun."
Nang makarating kami sa canteen, bumili kaagad kami ng pagkain ni Aera. Binili rin niya si Aqui. Nakakahiya naman daw kasi sa mahangin na lalaking 'yun.
Pabalik na sana kami sa auditorium ngunit biglang huminto sa paglalakad si Aera. Sinabihan niya akong tumahimik at nagtago kami sa isang pader.
Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ano bang trip niya? Baka mamaya mahuli pa kami ng student patrol at sabihing nag-cu-cutting kami.
BINABASA MO ANG
His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓
RomanceVLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology Engineering and Mathematics, that is what STEM stands for. In this strand, scientific information and mathematical equation matters. What i...