Stare XIII

1.9K 94 34
                                    

"Hear, my son, your father's instruction, and forsake not your mother's teaching, for they are a graceful garland for your head and pendants for your neck

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hear, my son, your father's instruction, and forsake not your mother's teaching, for they are a graceful garland for your head and pendants for your neck."
~Proverbs 1:8-9

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Tatlong Kabanata

IT'S Monday morning and it was not a normal day. I feel so uncomfortable with the gazed of the people.

Kanina nga pagkarating namin ni Bal sa parking lot, ang daming nagpa-picture sa amin. Hinahanap pa nila si Nash.

Last Friday, mayroon na naman ngang nag-post sa West Wood Secret Files na pictures namin ni Nash. Hindi ko malaman kung sino ang kumukuha noon.

Also Known As, iyan lagi ang nakalagay sa name ng sender. Hindi na nga ako makatulog kakaisip kung sino ang taong nasa likod noon.

I tried to ask the admin of the page who's sending those pics using my dummy account, but they said it was confidential.

Si Bal naman paniwalain sa issue. Ilang beses na akong pinagsasabihan na dapat dumaan muna si Nash sa kaniya bago maging kami. As if naman na nanliligaw si Nash. We're just friends.

Nakaabot na nga sa church namin ang issue. Buti na lang nga at dalawang linggong wala si Ate Natrix. Kung hindi baka na-hotseat na niya ako. Syempre kapatid niya si Nash. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit parang wala lang ito kay Nash.

Natapos ang klase namin sa umaga at papunta na sana akong canteen upang mag-lunch. Hindi ko kasabay ang mga kaibigan ko ngayon. May kani-kaniyang lakad at gawain sila.

Kahit si Aera kahit kaklase ko siya , hindi sumabay sa akin dahil busy siya sa practice sa Lakan at Lakambini. Ilang araw na lang kasi ay pageant na nila.

"PRAISE!" napahinto ako sa paglalakad ng mayroong tumawag sa akin. As usual kilala ko na kung sino ito dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin nito. Si Aqui.

Minsan na lang din kami magkausap. Busy kasi kami sa mga projects, activities at marami pang iba na ipapasa next week before midterms. Kakatapos lang ng prelims tapos midterm agad. I hate senior high. Kidding.

Dumagdag pa ang whole day training namin for cluster meet. Aqui was also a player. He was a part of West Wood Volleyball Team. Nalaman ko lang na volleyball player siya nang mag-umpisa na ang training nila at nakita ko siyang naglalaro sa court.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kaagad pagkalapit na pagkalapit niya sakin.

"Wala kang kasamang mag-lunch 'di ba? Tara, libre ko," aya niya at ginulo ang buhok ko. Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil sa ginawa niya.

"Hindi mo kasabay 'yung pinsan mo?" tanong ko.

I am pertaining to his cousin. Aqui always mentioning to me that he always eats lunch with his cousin that just got back from Manila this school year.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon