Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.
~Isaiah 41:10. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .
Ika-Tatlumpu't Siyam na Kabanata
NAPASAPO ako ng aking ulo nang ako'y magising kinabukasan. Ang sakit ng ulo ko! Para itong pinapalipit at dinudurog ng pinung pino!
Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Pati na kung paano ako nakauwi rito. Ang natatandaan ko lang ay nagkukwentuhan kaming magkakaklase noong gabi at hinaluan nila ng alak ang aking inumin.
Pagkatapos noon ay wala na akong maalala. Alcohol hits me so hard. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit nakaramdam ako ng pananakit.
Hindi ako makatayo! Kumakalam na ang aking sikmura. Ano bang nangyayari sa akin?
Ito ang mahirap kapag nag-iisa ka sa bahay. Walang mag-aasikaso sa iyo. Last year, humiwalay na ako ng bahay kay Bal kasi mayroon na siyang sariling pamilya. I want them to give privacy even if I'm his sister.
Magkalapit lang naman ang bahay naming dalawa ngunit iba pa rin ang mayroong kasama. Wala naman akong magagawa dahil wala naman akong asawa or boyfriend man lang.
Sheez. Mabuti na lang at holiday ngayong araw at wala kaming pasok. Hinding hindi na talaga ako iinom ng alak kahit kailan! Wala naman itong magandang naidudulot.
Napatingin ako sa orasan at hapon na pala! Nagningning naman ang aking mga mata, nang makita ko ang mga pagkain na nakahanda sa tabi ng orasan.
Pilit ko itong kinuha kahit na hirap akong gumalaw. There's a note beside the tray of my food. And I read it.
Take care of yourself!<3
Sino naman kaya ang nagluto nito? Kung sino man siya, isa siyang hulog ng langit.
Naramdaman ko na naman ang pagkalam ng aking sikmura. Inilapag ko na lang ang papel sa isang tabi at nagkibit-balikat.
Hindi ko na inisip kung sino ang naghanda ng lahat ng ito. Mukhang isa lang naman siya sa aking mga kaibigan at marahil ay sila rin ang nag-uwi sa akin.
Nang natapos ako sa pagkain ay siya ring pagbukas ng pintuan ng aking kwarto. Iniluwa nito ang pigura ni Sike na basang basa ang katawan.
"Wazzup Xeidrine!" bungad niya.
"What happened?" I asked.
Hindi niya ako sinagot. Lumapit siya sa akin at inalis sa aking higaan ang aking pinagkainan. Pagkatapos noon ang hinawakan niya ang aking noo at leeg.
"Tama nga siya. May sakit ka."
Tinabig ko ang kaniyang kamay ng hindi niya ito alisin sa aking leeg. Nakikiliti ako sa paghawak ni Sike.
BINABASA MO ANG
His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓
RomanceVLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology Engineering and Mathematics, that is what STEM stands for. In this strand, scientific information and mathematical equation matters. What i...