⚠ WARNING ⚠
⚠ WARNING ⚠
⚠ WARNING ⚠This story is containing mature languages and scenarios. This story is containing violence na hindi pwede sa mga bata.
Strong languages AHEAD and some scene is not suitable for young and innocent minds! Please be guided accordingly.
Kayo'y binalaan na.
|~|~|~|~
2 years had passed after the grand apocalypse.
ZATV 1 | ZOMBIE
KEN's POV
"KEN!!! SWEETIE!!!" marahas naman akong napabuntong hininga't bumangon sa higaan. I did not bother to look at myself in the mirror. Why would I? Tsk. Pasuray suray at inaantok pa akong bumaba sa hagdan at de-re-deretcho sa sofa para mahiga. I'm sure na gigising din naman ako ni Mama para magagahan.
"Sweetie... get up! Breakfast is ready!" I groan dahil kakahiga ko palang. Kakamot kamot akong pumunta sa dining table at idinukdok ang kanang pisngi sa table. I badly want to sleep. Around 3 AM na ako natulog sa pagaayos ng system nila.
"Hindi pa rin ba gising ang anak ko?" Napabuntong hininga naman ako at idinilat ang mata ko. Ngumiti naman sakin si Mama habang umiinom ng kape.
"3 AM," natawa naman sya sa sinabi ko at pinat ang ulo ko.
"Kumain ka na't may pasok ka pa..."
"Do I need to go?" I said while sounded like pleading.
"Ano ka ba namang bata ka... syempre tsaka last day na ng practice ng graduation mo ngayon hindi ka pa aattend,"
"Kasi naman..."
"Hep! Hep! At mamayang gabi ay ga-graduate ka na," napailing nalang ako at kumain ng almusal.
"So, sweetie... anong gagawin mo after ng graduation mo?" nagkibit balikat lang ako.
"FUCK!" malutong kong mura ng may biglang humawak sa balikat ko. Marahas kong tinangal yung kamay na yun at lumingon sa likod. Matalim ko syang tinignan at nagpeace sign lang sya.
"Ken..." may pagbabantang wika ni Mama pero I just ignore it.
"Master! Pwede ka bang gumawa ng upgraded phone?"
"Pwede ba babae... katatapos ko lang ayusin yung system ninyo tapos paggagawain mo ako ng upgraded version ng cellphone. Are you fucking kidding me?!" inis kong sigaw sakanya.
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse: The Virus ✓
Science FictionThose peaceful days were long over, When the darkness took over. No sign of life remain... As death, overwhelm. The humming of death grew louder, As the humanity lose the power... And the land crumbles, In the hands of a new ruler. As the new era, a...