ZATV 11 | Death

159 4 0
                                    

Author's Note

Sabaw ang update... bawi nalang ako next time ✌😁


|~|~|~|~


WARNING
WARNING
WARNING

This story is containing mature languages and scenarios. This story is containing violence na hindi pwede sa mga bata.

Strong languages AHEAD and some scene is not suitable for young and innocent minds! Please be guided accordingly.

Kayo'y binalaan na.


|~|~|~|~


ZATV 11 | DEATH


THIRD PERSON's POV


Mag-ta-tatlong oras nang bumabyahe ang grupo nila Ken pero wala parin silang nakikitang bahay o lugar na pwedeng mapagpahingahan. Malapit narin maubos ang gasoline nila pati narin ang reserba. Tahimik lang na nagmamaneho si Zandy katabi si Dimitri't Dino sa passenger seat at sa backseat naman ay si Ken na hanggang ngayo ay natutulog parin at ang katabi nyang si Lorraine na nakatitig lang sakanya.


"Ano bang ginawa mo kay Ken at hanggang ngayon hindi parin sya nagigising!" iritableng sigaw ni Lorraine kay Zandy. Hindi na nga mabilang ng dalawa kung pangilang beses na nilang naririnig ang tanong na iyon sa babae.


"Titigil ka sa katatanong mo o bababa ka ngayon din ora mismo," gigil na sabi ni Zandy. Tumahol naman si Dino na parang sumasangayon kay Zandy.


"What?! Nagaalala lang naman ako sakanya!" sigaw nya. Napareno tuloy si Zandy at masamang tumingin kay Lorraine sa review mirror. Buti nalang at medyo nahuhuli sila ng kaonti sa sasakyan ni Marga.


"E kung sabihin ko kaya kay Ken na itinulak mo lang naman si Leigh para makasakay ka lang sa sasakyan na to!" sigaw narin ni Zandy kay Lorraine. Bumaba na si Dimitri at iniwan nya sa loob si Dino. Nakukulili kasi si Dimitri sa ingay ng dalawa. Napansin narin ni Marga na tumigil ang kotseng pinaandar ni Zandy at nakita nya pa si Dimitri na nasalabas kaya tumigil din sila.


"Puntahan na kaya natin yung mga yun," sabi ni Angeline na nakatingin sa likod. Tumango lang si Kael at Marga sa isa't isa kaya bumaba na si Marga kasunod si Angeline nang makita nyang bumaba ang babae.


"Sige gawin mo! Wala akong pake dahil ako parin naman ang kakampihan ni Ken," mayabang na sabi ni Lorraine kay Zandy. Lorraine personally doesn't like Margaret, Zandy, Crystal, Marjorie at lalong lalo na yung Angeline na yun. Sakanya lang si Ken at wala nang iba. Naalala ni Lorraine yung unang araw na nakita nya si Angeline sa isa sa mga bahay ng Fire Fly Town. Gusto nyang burahin ito dahil sa malapit sa binata noong nakita nya ang tinginan ng dalawa noong sumilip si Angeline noong nagkita sila sa sala.

Zombie Apocalypse: The Virus ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon