⚠ WARNING ⚠
⚠ WARNING ⚠
⚠ WARNING ⚠This story is containing mature languages and scenarios. This story is containing violence na hindi pwede sa mga bata.
Strong languages AHEAD and some scene is not suitable for young and innocent minds! Please be guided accordingly.
Kayo'y binalaan na.
|~|~|~|~
ZATV 12 | MEXICO VILLAGE
THIRD PERSON's POV
"Meron ba syang multiple personality disorder?" tanong ni Marjorie na ikinatingin lang ni Angeline dito. Alam ni Angeline ang ibig sabihin noon kaya napatingin sya kay Ken na nagwawala parin.
"Wala naman ganon si Master... talagang hindi nya lang makontrol ang galit nya kapag sya lang ang kokontrol kaya kapag alam nyang galit na sya ay kusa na syang lalayo at tatahimik bago pa dumanak ang dugo katulad nalang yung nangyari kaninang umaga... umalis nalang sya kasi naiinis na sya kay CJ," paliwanag ni Marga.
"Kung ganoon meron syang kakayahang mawala sa sarili dahil lang doon? It's like parang may droga sa katawan nya," sabi ni Marjorie.
"Wala... talagang hirap lang syang kontrolin ang nararamdaman nya kapag sobra na. Parang yung Ken na tahimik ay maglalaho nalang bigla tapos magiging bayolente na sya kaya binaril agad sya ni Zandy kanina noong makita nya sila Christian at CJ nanagpaiwan ay gusto nyang bumalik doon at patayin lahat ng zombieng makikita nya." paliwanag pa ni Marga. Hindi alam ni Angeline kung bakit ang bigat ng loob nya sa nalaman.
"Pero iba ngayon dahil harap harapan nilang pinatay ang kaibigan ni Ken kaya wala akong magawa kung hindi manood nalang dahil pati ako ay madadamay," paliwanag ni Zandy nang matapos syang linisin ang kalat at ibigay ang mga iyon sa zombie.
"Bata palang kasi si Master ay hindi na nya kayang kontrolin ang matinding emosyon o nararamdaman nya kaya lagi syang sinasanay ni Madam para kahit papaano ay magawa nyang kontrolin ito pero sadyang mapaglaro ang tadhana," natatawang sabi ni Marga haban umiiling.
"Meron syang personality disorder, Marga. Isa akong psychologist at alam ko ang mga signs kung meron ba ang isang tao o wala. Hindi mapaglaro ang tadhana, sadyang ganon lang iyon para sakanya..." sabi ni Marjorie. Nagkibit balikat lang si Marga at Zandy sa sinabi ni Marjorie.
"Subukan mong lapitan si Master, Ange... baka sakaling kumalma sya," suhestiyon ni Marga. Napabuntong hininga naman si Angeline at kahit na takot sya sa nakita kanina ay sinubukan nya paring lapitan ito.
"NO! NO! NO! NO! FUCKING NO! L-LEAVE ME ALONE! DON'T FUCKING TOUCH ME! NO!" hysterikal na sigaw nito habang nagupumiglas at nagwawala. Ngayon nya lang nakita ang binata na maging ganoon. Madalas nya kasing makita ang walang emosyon nitong mukha at laging kalmado pero hindi nya inaakalang makita nya ang binata na ganito.
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse: The Virus ✓
Ciencia FicciónThose peaceful days were long over, When the darkness took over. No sign of life remain... As death, overwhelm. The humming of death grew louder, As the humanity lose the power... And the land crumbles, In the hands of a new ruler. As the new era, a...