ZATV EPILOGUE

243 8 2
                                    

Author's Note

Thank you for supporting my story


|~|~|~|~


WARNING
WARNING
WARNING

This story is containing mature languages and scenarios. This story is containing violence na hindi pwede sa mga bata.

Strong languages AHEAD and some scene is not suitable for young and innocent minds! Please be guided accordingly.

Kayo'y binalaan na.


|~|~|~|~


ZATV EPILOGUE


ANGELINE's POV


"NO!!!" nagising ako mula sa bangungot ng nakaraan.


It has been 10 years at hanggang ngayon hindi ko parin matangap na wala na sya. Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa dingding at magaalas dos palang ng madiling araw. Napatingin naman ako sa tabi ko nang gumalaw ng bahagya ang anak. Hinaplos ko lang ang buhok ng anak ko at nalaman ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko nang mapatakan nito ang kamay kong nasa ulo ng anak ko.


It has been 10 years after that explosion. It has been 10 years pero hanggang ngayon masakit parin. Hanggang ngayon umaasa parin ako na babalik sya kahit napaka imposible nang mangyari. Kahit ganoon ay lumalaban parin ako para sa mga anak ko. Sa mga anak natin dahil kung hindi dahil sakanila siguradong matagal na akong sumunod sayo.


At 10 years narin ang nakakalipas simula nang mawala na ang mga zombie sa Pinas. Unti unting nagtagumpay ang operasyon laban sa mga zombie at naging successful naman ang lahat nang dahil sakanya. Paunti unti naring bumabalik ang Pilipinas nang dahil sakanya... nang dahil sa dugo nya na binigay ni Kael kay Daddy naligatas ang lahat ng mga survivors. Hindi ko alam na right after nyang malaman na sya ang antidote ay nagreserba na sya ng dugo nya kung sakali man na may mangyaring hindi maganda sakanya.


Pinanonood ko lang ang mga anak ko habang natutulog sa kama. They are twins. My first born, Charles Kenneth Anderson na kamukhang kamukha ni Calvin pati narin ang ugali nakuha nya. My daughter, Charlotte Kennedy Anderson na kamukha rin ang ama pero ang ugali ay nakuha sakin.


"They're lovely," napatingin ako sa asawa ko na nasa tabi ni Charlotte. Pumatak nalang ng kusa ang luha ko at nang pumikit ako tsaka muling dumilat pero wala na sya.


"M-Mom? Are you crying?" napatingin naman ako kay Charles na nagising ata. My son.


"N-No baby, napuwing lang si Mommy..." pero kahit anong punas ang gawin ko tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ko.


Zombie Apocalypse: The Virus ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon