Author's Note
Glimpse of her thoughts
|~|~|~|~
⚠ WARNING ⚠
⚠ WARNING ⚠
⚠ WARNING ⚠This story is containing mature languages and scenarios. This story is containing violence na hindi pwede sa mga bata.
Strong languages AHEAD and some scene is not suitable for young and innocent minds! Please be guided accordingly.
Kayo'y binalaan na.
|~|~|~|~
ZATV 16 | ANGELINE RAYLEIGH
ANGELINE's POV
Nakatingin lang ako sa mukha ni Calvin na natutulog sa tabi ko. Para syang inosenteng lalaki na natutulog sa tabi ko pero kapag gising ay hindi maipinta ang mukha dahil sa pagiging cold at minsan naman ay nakangiti kapag kami lang dalawa.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula itong nararamdaman ko sakanya na sa tuwing nagiging malambing sya at magsasalita ng pranka ay hindi ko maiwasang pamulahan. Alam kong mabilis dahil isang buwan palang naman kami magkakilala pero gusto ko na agad sya.
Yung mga sinabi nya saking proprotektahan nya ako ay tinupad nya yun hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ginagawa nya lang ba ito dahil ayaw nya akong pageksperementuhan o dahil meron pang iba? Ayokong magassume kasi masasaktan lang ako at ayokong bigyan ng meaning yung lahat ng ginagawa nya pero hindi ko mapigilan.
Sobrang pagaalaga nya kahit pa may pagkamasungit sya, sobra syang magalala sakin kahit pa may pagkacold sya at sobrang lambing nya kahit pa nagsasabi sya ng bad words. Hindi ko alam pero tangap ko kahit sino pa sya.
Naalala ko bigla yung nangyari kay Loraine at ang pagwawala nya dahil namatay ang kaibigan nya sa harapan nya. Naalala ko lang bigla ang kapatid ko dahil pinatay rin sya sa harapan ko. Kahit masakit ay tinanggap ko ang pagkamatay nya dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit sya namatay.
Nakausap ko narin naman na si Alexander dahil noong isang araw na marinig ko ang boses nya ay agad na akong naghinala. Kinausap ko sya patungkol sa nangyari sa gubat isang buwan na ang nakakalipas kung siya ba ang pumatay sa kapatid ko at ang sabi nya ay yung tauhan nya at ako lang daw yung nilapitan nya noong araw na iyon.
Bumaba nalang ako sa kama at nagayos ng sarili bago bumaba sa kusina. Nakita ko pang naglalambingan sila Alex at Winter sa sala habang yung dalawang lalaki ay nasa labas kasama sila Kael, Dimitri, Dino at Zandy.
Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko sila Marjorie at Marga na naghahanda ng makakain. Binati ko lang silang dalawa at nagtimpla ng gatas. Umupo ako sa may counter at kumuha ng isang hotdog.
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse: The Virus ✓
Science FictionThose peaceful days were long over, When the darkness took over. No sign of life remain... As death, overwhelm. The humming of death grew louder, As the humanity lose the power... And the land crumbles, In the hands of a new ruler. As the new era, a...