Due to the request of you guys ipagpapatuloy ko na ang naudlot na storya HAHAHAHA! di ko talaga alam paano ko'to matatapos pero cross fingers siguro e end ko na'to agad sobrang dami nadin ng chapters e! -.- mga 10 chapters to go nalang guys hihihi! I love you all sana mag enjoy kayo! mwa! :*
CHAPTER 45
DANIEL POV
Nakatayo lang kami sa labas ng bahay nina Sam at ako ang inatasang mag doorbell. Ang totoo kinakabahan talaga ako sa reaksyon ni sam pag nakita ako sa labas ng bahay nila.
Ang weird diba? di naman ako ganito dati wala naman akong pakialam sa mararamdaman ng ibang babae noon e, pero pagdating kay sam di ko alam ayukong nagagalit siya o naiinis siya sakin. Weird ko lang talaga. -.-
"Oy ano na? titigan mo lang yan hanggang sa siya na ang magkusang mag ring?" sabi ni Nathan
"tss! tumahimik kanga ito na mag do-doorbell nanga diba?!" sansala ko naman at pinindot ang bell.
Nung una walang effect kaya ang ginawa ko sinunod-sunod ko ang pagbe-bell. Ang tagal e gusto ko na makita si sam. Joke lang!
Nang bumukas ang pinto bumungad agad sakin ang napakagandang dilag na aking nasilayan. Nakakunot ang noo nito haggang sa naging matalim na ang mata niya.
"ANONG GINAGAWA MO DITO!" bulyaw niya agad sakin.
Aaminin ko na hurt ako ng very light lang pero pinagwalang bahala ko nalang.
"Sam sino ba yan?" tanong ni Annika sa likod niya kasama sina meg at kat2x
"oyy kayo pala bat kayo nandito?" tanong ni Annika
"bakit bawal nabang bumisita?" balik na tanong ni blue. Di nakalampas sakin ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Annika. Hmmmm I smell fishy hahaha!
"d-di naman. Pasok k-kayo" nakayukong sabi ni Annika na niluwagan ang pintuan para makapasok kami.
"Silang tatlo lang ang pwede pumasok, yang bakulaw nayan ang di welcome dito" irap na sabi ni sam na halatang ako naman ang pinatatamaan.
"Sam pwede ba tayo mag-usap?" di ko alam san ako nakakuha ng lakas nang loob na sabihin yon sa kaniya, pero nangyari na at nagpapasalamat pako.
"B-bat naman ako m-makikipag-usap sa kagaya mo? A-ayuko nga!" tanggi niya pero namumula naman ang pisngi. Ang kyut kyut talaga na Samantha ko. Wait what?!
"Sige na ate sam usap nalang kayo para bati na kayo!" suhestyon ni kat2 na nagpapasalamat ako hahahaha!
"Ayaw ko nga sabi e!" bahagyang tumaas ang boses ni sam pero di naman siya pinansin nang mga kasama. Ang malupet pa tinulak siya nang mga ito kaya napalabas siya ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Astig Chicks vs. Hot boy gangsters "kilig at bangayan todamax"
Teen FictionDalawang(2) grupo. Isang Grupo ng mga lalaking astig, chick magnet, basagulero, and one of a kind rich kiddos. habang, Isang Grupo din ng mga babaeng palaban, walang kinatatakutan, mala-dyosa sa ganda, and a chick millionaire's. Saang hanay ka s...