Chapter Seventeen

3.3K 73 0
                                    

HARRIET'S POV
 
"PAPA!" I screamed at kaagad na bumalikwas, tumingin naman ako sa paligid. Napasabunot naman ako sa sarili kong buhok.
 
Blood, there's too much blood on the floor.
 
"Harriet?" Tumingin naman ako sa nagsalita at si Cameron naman iyon, umupo naman siya sa harap ko at hinaplos ang braso ko in a soothing way. "What happened? Nasa CR ako ng marinig ko na sumigaw ka." He said softly.
 
"I saw Papa...he's on the floor and.." I choked not able to finish what I'm saying. Kaagad naman na niyakap niya ako.
 
"Shhh...it's just a dream girlfriend..." He cooed habang hinahaplos ang likod ko.
 
I cried habang tumatakbo pa rin sa isip ko ang napanaginipan ko, it was really horrible.
 
Mga ilang minuto ang lumipas at kumalma din ako, pahikbi-hikbi na lang ako ngayon pero nakayakap pa rin sa akin si Cameron.
 
"W-what time is it?" I asked.
 
"It's 5:00 am." He said, humiwalay naman ako sa kanya at kunot noo na tinignan ito.
 
"Gising ka na ng ganitong oras?" I asked.
 
"Paalis na sana ako para walang makakita sa atin, pero sa sitwasyon mo ngayon naga-alangan akong iwan ka." He said, binigyan ko naman siya ng tipi ng ngiti.
 
"Don't worry about me, I can handle it." I said at saka hinaplos ang pisngi nito. "Thank you for staying here." Ani ko habang hawak ang pisngi niya.
 
Hinawakan naman niya ang kamay ko na nasa pisngi niya.
 
"I'm always here Harriet, I'm always here." He said at saka kinuha iyon at hinalikan ang kamay ko.
 
"You may go now, see you later." I said at saka sumandal sa headboard.
 
"Are you sure?" He asked, may paga-alangan naman ito sa mukha niya.
 
"I'm fine, sige na." I said.
 
Saglit naman na tinignan niya ako bago tuluyang tumayo at pumunta sa may sliding door ng veranda, tinignan naman niya ulit ako bago tuluyang lumabas sa may veranda ko.
 
Nang mawala na siya sa paningin ko ay kaagad na umalis ako sa kama at kinuha ang robe na nasa rack, lumabas naman ako ng kwarto ko at tumingin sa paligid. Nang masiguro ko na walang guards ay kaagad na pumasok ako sa library at may hinanap na libro.
 
Sa panaginip ko, may sinabi si Papa na title na libro at feeling ko may koneksyon iyon sa pagkamatay niya.

Mabilis ko lang nahanap ang libro na iyon sa kadahilanang iyon lang ang nagi-isang pulang libro sa hanay ng mga asul na libro.

Kinuha ko naman iyon at binasa ang title.

The Real Queen.

Ito na nga.

I let out a sigh at saka lumabas ng library at saka bumalik sa kwarto ko, bumalik naman ako sa kama at binuksan ang libro na iyon.

Kumunot naman ang noo ko ng makita na naka-bilog ang pangalang 'Taylor' sa unang page.

Beatrice Taylor kasi ang pangalan ng writer ng book at naka-bilog ang apelyido niya.

I flipped through the page at may mga numbers naman na nakabilog din.

12, 31, 97. Yan ang mga nakabilog na numbers.

Kumuha naman ako ng notepad at ballpen ang inilista ang mga nakabilog duon.

Taylor
12 31 97

I flipped again the pages at nakakita naman ulit ako ng iba pang salita na nakabilog, inilista ko naman iyon.

This book is really something.

Nang wala na akong makita na nakabilog na words, tinignan ko naman ang note pad ko at sinubukang i-arrange ang mga numbers and words na nailista ko.

My eyes widened at nabitawan ko naman ang notepad na hawak ko.

Taylor, that's her name. She is my daughter and she was born on 12-31-97, please find and stop her. She's in Arica right now.

.

.

.

"What? anong sabi mo?" Gulat na tanong ni Ate Jasmine mula sa kabilang linya.

"I said may iba pang anak si Papa bukod sa atin." Pagu-ulit ko. "I'm sorry kailangan ko pang sabihin ito." I said ng maalala ko na buntis pala ito.

"Paano mo nalaman?" She asked.

"I dreamed about how Papa was killed last night, bago siya malagutan ng hininga narinig ko na may sinabi niyang pangalan ng libro kaya hinanap ko sa library, it turns out na may mga naka-bilog na words duon kaya ayun, in-arrange ko." I said while tracing the floral designs in my blanket.

"This is...shocking." She commented.

"Sinabi mo pa." Sagot ko. "But I don't get it, nakalagay sa sulat ay find and stop her. Bakit siya pipigilan? may balak ba siyang gawin?" I asked.

"Baka balak niyang agawin yung korona? diba ganun ang nangyayari sa mga movies?" She said at napaisip naman ako.

Alam ni Papa na mangyayari ito. Alam niya simula't sapul pa lamang.

"Mag-ingat ka Harriet, mababaliw ako kapag pati ikaw nawala sa akin." She said at napangiti naman ako.

"I will ate, ikaw din. Alagaan mo ang sarili at si baby." Sagot ko.

"Sige na, bibisita din kami diyan kapag may free time si Liam." She said at bahagyang natawa naman ako duon.

We bid our goodbyes bago tuluyang ibinaba ang tawag, kinuha ko naman ulit ang notepad at binasa ulit ang nakasulat duon.

Posible kaya ang sinasabi na Taylor na ito ang may pakana ng lahat?


Xxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon